CHAPTER 62

663 22 5
                                    

Chapter 62

Gulat at matinding kaba ang nanalaytay saakin ngayon, tapos na ang meeting at masasabi ko na napakagaling nya tungkol sa mga bagay na ito, nakumbinsi nya ang lahat ng kasapi dito upang maaprubahan ang proyekto na kanyang ginagawa, maya't maya man ang tingin nya saakin ay maayos at tila walang makakatibag sa kanyang karisma sa harap ng lahat.

Papalabas na kami at hinihintay ko nalang si daddy dahil maraming bumabati at nangangamusta saamin, pero bago yon napasulyap ako sa lalaking pinagkakaguluhan ng lahat upang ito ay makausap, agad din akong nag iwas dahil kahit may kausap sya ay saakin parin nakatingin.

Kalaunan ay nakatakas na ko sa kanyang mga mata, huminga ako ng malalim sa ilang oras na nandon ako ay hindi matigil ang kaba na nararamdaman ko, nagpaalam si daddy na may meeting syang aatiran sinasama nya ko pero naisip ko na baka nandon nanaman ang lalaking iyon kaya tumanggi ako at pumunta nalang sa office nya.

Sabi ni daddy na may dadating daw na bisita sa office nya kaya ako na muna daw ang kumausap habang wala sya, hindi man ako masyadong magaling sa pakikipag usap sa iba
lalo na tungkol sa business pero siguro kaya ko rin ito ientertain kahit konti, naniniwala ako na sa tamang panahon ay matutunan ko din lahat ng ganitong bagay at tsaka kung lalaki iyan ay baka maging magkaibigan pa kami.

"Excuse po, miss lim nandito na po yung bisita ng daddy nyo, matatapos pa po ang meeting nila within 30 mins so, kayo muna daw po ang bahala," tumango at ngumiti ako sa sekretarya ni daddy isang di gaanong katandaang babae, ang sabi ni daddy na simula na magtrabaho sya ay ito na ang naging sekretary nya.

"Okay po, papasukin nyo na po," naupo ako sa sofa, kaharap ng table ni daddy, nagtataka din ako kung bakit isa lang iyon, pero okay na din at ng magkaintindihan kami ng bisita ni daddy.

May kumatok sa pinto hudyat na nandito na sya, tumalikod ako at nagkunyaring nagbabasa ng libro para mas maging mukhang propesyonal, mahirap na at baka matandang lalaki ito o di kaya may mataas na katungkulan.

"Good morning-" nawala ang ngiti at magalang kong anyo sa nakita ko.

"Good morning, Miss Lim," isang seryoso nyang ani, walang bakas na mukhang pinakita nya saakin sa ilang ulit naming pagkikita.

"What are you doing here?" pinakita ko na iritado at nawalan ng gana ng makita ko sya, nanatili pa din na seryoso ang mukha nya, tsk masungit.

"Let's be professional here, miss lim your daddy and i have a business deal," aniya nya, nakatayo pa rin sya sa pinto kung di ko ata ito papaupuin ay don nalang sya forever, o baka gusto nya nalang lumabas para mas masaya.

"Okay Mr, whatever sorry i didn't know your name," ngumiti ako ng napakatamis na sa sobrang tamis sana ay langgamin sya ng mawala ang kasungitan.

"Lance, Lance Zyrus Guevarra" pagkasabi non ay naupo na sya saaking tabi, lance parang pamilyar ay oo sya yung nangligaw saakin sa ibang bansa, masyado kasi syang seryoso at mahilig mag aral, ewan ko ba pinalaki ata syang naka arrange marriage sa pag aaral at pangarap nya, kaya ayon basted!

Inilabas ni lance, whatever his name mas bagay ata sa kanya ay sungit eh, mr. sungit pak! perfect! yung papel na nasa envelope na hawak nya kanina, medyo makapal iyon kaya masasabi ko na napakahalaga ng pag uusapan nila ni daddy, teka ang tagal ni daddy ayoko makasama itong lalaking ito!

"Why are you staring at me?" agad na umikot ang araw sa buwan kasabay ng pag irap ko sa kanya, ang kapal ng mukha nya yung papel tinititigan ko hindi sya, ano sya papel sabagay mapapel sya saakin ngayon! means epal sa araw ko ewan ko ba at bakit ako naiinis dito.

Inaamin ko na gwapo sya simula na nakita ko sya, mas lalo na ngayon! sa sobrang gwapo ay ang sarap sapakin, feel nyo ko? don ako na iinis eh, pero di ko naman sya type, pero sabi nya boyfriend ko sya dati? ibig sabihin omg!

"What are you doing?" napasulyap nalang ako sa kanya at nakita ang sarili na may kahiya hiya akong ginawa sa kanyang harap, nakatakip ang dalawa kong kamay saaking bibig at kita din ang gulat saaking mata, baka isipin nito na nababaliw ako at di mapakali dahil nandyan sya, fyi!

"Nothing, wag mo ko pansinin, magbasa kanalang!" pekeng ngiti ang ibinigay ko sa kanya, pero mas lalong nagdikit ang kilay nya na makapal, wow nahiya ako sa kilay ko na pencil lang! charot!

Umayos ka sunny, bakit ba lahat ng kilos nya ay napapansin mo! kainis!

"I want to talk to you now, miss lim-"

"Wag mo nga kong tawaging miss lim, nagmumukha akong matanda!" singhal ko sa kanya, napa upo sya ng maayos na seryoso pa din ang pagmumukha.

"What do you want then? elsa? a playgirl, girl who is flirting anyone when she have a boyfriend and fiancee?" kanina ay masaya pa ko ngayon ay napagaya na ata ang kilay ko sa kanya, walang syang karapatan na sabihin saakin yan, di nya ko kilala at mas lalong wala syang alam sa mga pinagdaanan ko!

"Whatever, mr.sungit or what mas bagay pa saakin ang elsa kung tutuusin, malay mo sa pag tawag mo non saakin eh landiin mo din ako, by the way are you single?" matapang at confident kong sabi pero deep inside ay kabang kaba na ko! wag kang pumatol joke lang yon!

Kita ko na biglang umaliwalas ang pagmumukha nya, hindi na magkadikit ang kilay at tanging ngisi nalang ang makikita mo dito.

"Okay then, can i flirt you?" ngisi ngunit seryoso nyang ani, dahil don ay napaatras ako ng kaunti napansin nya ata yon kaya mas lalong lumaki ang kanyang ngisi, pero di ko ipinahalata iyon taas noo ko syang tinitigan at inirapan.

"Im very expensive, wanna try?" ngayon ay ako na ang nakangisi, at sya naman ay naging seryoso.

"Your my cousin's fiancee, are you gonna cheat on him?" seryosong aniya.

"As long as hindi pa ko nagpapakasal, im still single and can flirt anyone," nawala ang pekeng confident sa aking katawan, nang bigla syang lumapit at sinakop ang kaunting espasyo naming dalawa.

"Okay, deal" aniya.

Haters become LoversWhere stories live. Discover now