CHAPTER 4 : Too Late

4.3K 163 4
                                    

"Guys, nandito na sya!" may narinig akong sigaw galing sa pintuan, isang babae na nakita kong kasamahan ni Sandy kanina, nagtaka ako sa kanyang reaksyon pero binalewala ko nalang iyon at pumasok na sa canteen.

Pero di maalis saaking isipan ang pag-ngisi nya nang papalapit na ko sa pintuan.

Ilang hakbang ko palang dito ay may naramdaman akong malamig na likidong tumulo saaking ulo pababa saaking uniform!

Napaangat ako ng tingin pero agad din iyon natabunan ng isang puting pintura na nasa taas ng pintuan.

Nasulyap ulit ako doon kahit may pintura pa sa mukha at nakita ko ang kakababa lang ng isang babae galing sa hagdan na may hawak na timba ng pintura.

Rinig ko ang tawanan ng lahat ng estudyanteng nandito, di pa man ako nakakabawi nang buhusan nila ako ng tubig na nangagaling sa hose ng canteen, basang basa na ang buong uniform ko maging ang salamin ko!

Iniwan nga pala ako ni Charles sa kalagitnaan ng hallway papuntang canteen dahil pinatawag sila ng coach nila sa may gym tungkol ata ito sa nalalapit nilang game, nagpromise naman sya saakin na saglit lang iyon at tatakbuhin nya nalang daw, sinabi nya pa na malapit na din matapos ang break kaya wala na doon si Sandy, hindi ko naman alam na ganito ang maabutan ko dito, sana hinintay ko nalang sya sa hallway!

"Look guys! ang panget nya! nerd!" sigaw na aniya ni Sandy, pinagtawanan ako ng iilang estudyante dito, pero ang mas nangingibabaw ang limang babae na ngayon ay pinapalibutan ako.

Tila tuwang tuwa sila sa nakikita nila at sanay na sanay na sa ganitong mga eksena.

Kaunti nalang ang tao sa canteen dahil sa patapos na ang lunch break, nakita ko ang iilang staff sa canteen na natataranta sa kung anong gagawin, napaupo nalang ako at niyakap ang sarili dahil sa lamig na nararamdaman.

Ito na nga ba ang kinakatakutan ko, kung tadhana man itong mangyari sana sa huli man lang ay matapos na ito, gusto ko lang naman ng tahimik na buhay habang nag-aaral, gusto ko maging normal na estudyante na nagagawa ang lahat ng gusto na hindi nakikita ng mapanghugas na mga mata, pero kung paulit-ulit nalang itong nangyayari paano nalang ako? naramdaman ko ngang maging isang normal na estudyante sa loob ng isang linggo dito sa paaralan na ito na ipinapapasalamat ko ng lubos, pero akala ko tuloy-tuloy na iyon pero hindi papala...

Kayo na po ang bahala saakin.

Naramdaman kong may ibinabato sila saakin, yumuko ako at dinama ang lahat ng sakit, tila namutawi saaking tainga ang kanilang halakhak.

Mas malupit papala sila sa dati kong mga school na pinapasukan, pangatlong school ko na ito, at hindi ko inaasahan na ganon din pala ang kakalabasan.

Nagrequest ako kay Mama na sa paglipat ko ng bagong school ay gusto ko sa malayo, malayo sa nakakakilala saakin, malayo sa mga taong gustong gusto pinagkakatuwaan ako.

Kaya noong summer ay tinuon ni Mama na bumili ng bahay dito sa Manila, lumipat kami galing probinsya dahil saakin, dahil sa ayaw nyang nakikita akong nasasaktan, gusto nya pa nga na sa ibang bansa nalang pero hindi ako pumayag dahil sa marami syang inaasikasong negosyo dito.

Pero sige lang tatanggapin ko lahat ng ito, lahat ng pang-aapi at paghihirap na natatamo ko noon man o ngayon, dahil naniniwala ako na matatapos din ito, naniniwala ako na may hangganan din ito...

Di ko na mapigilang mapaiyak dahil sa sakit, pilit ko mang itinatago ang aking salamin ay natatamaan pa din ito.

"Oh, ano ngayon nerd? nasan ang tagapagtanggol mo? matapang kala dahil nandyan si Lance at Charles! wala ka pa rin palang binatbat!" nakarinig ulit ako ng malakas na tawanan, naramdaman kong papalapit na sya, kaya't unti-unti akong umatras pero huli na iyon dahil hinila nya ang aking buhok at malakas na sinampal dahilan ng pagkatilapon ng aking salamin.

"Ngayon, alam mo na ang mangyayari kung di mo kikilalanin kung sino ang binabangga mo! at kapag lumapit ka pa kay Lance at Charles, malandi ka!" isang sampal ulit ang natamo ko sa aking kabilang pisngi, tanging pag-iyak lang ang nagawa ko sa sitwasyon ngayon, wala akong ibang makakapitan kundi ang aking sarili, pero paano? paano ako lalaban?

Pilit kong inabot ang aking salamin, malabo ang aking paningin kaya kinakaylangan kong makuha iyon!

Kinabahan ako ng makita dinampot ito ni Sandy!

"Ang ganda naman ng salaming ito," malabo man ang aking paningin, pero kita ko ang laki ng kanyang ngisi tumingin sya saakin at hinagis pababa ang aking salamin sabay tapak sa mahalagang bagay na pilit kong kinukuha!

Hindi ito pwede, sumusobra na sila!

Sinubukan kong tumayo, pero agad nya naman akong tinulak.

"Aba, lalaban!" ngisi nyang ani, natawa naman ang kanyang mga kasama at tila nang-aasar pa.

Sinabunutan nya ang aking buhok at pilit na initayo saaking inuupuan, kinalagkag nya ko palabas ng canteen.

"Ang ayaw ko sa lahat ay yung mang-aagaw at malandi! akin lang si Lance!" sigaw nya saakin, nagpupumiglas ako pero tila wala na akong magawa.

Itinulak nya ko ulit pagkalabas, ngayon ay ang limang babae nalang ang nakikita ko sa paligid.

Wala silang pinagkaiba sa mga dati kong school, ganto rin sila pinagtatakpan ng pera lahat ng ginagawa nila at ginagawa akong katuwaan! pero hindi naman ganto kalala ang ginawa nila saakin, kung dati ay natatago ko pa kay Mama lahat ng pasa ko, ngayon di ko alam kong papaano ko ito maipapaliwanag sa kanya.

Sinimulan nanaman nila akong batuhin ng kung ano, napaupo lang ako at tinanggap lahat.

"Sandy!" unti-unti ay nag-angat ako ng tingin dahil sa pamilyar na boses na iyon, tila natigilan ang lahat sa pagbabato saakin at parang nakakita ng multo dahil sa lalaking kaharap nila.

"La-lance, Charles paano?" aniya ni Sandy na parang takot na takot, napatingin naman ako kay Lance at ngumiti.

He's here...

Sinubukan kong tumayo para makatakbo at makalayo sa kanila ngunit agad nandilim ang aking paningin.

Naramdaman kong may bisig na sumalo saakin.

"Sorry ngayon lang ako,"

Haters become LoversWhere stories live. Discover now