CHAPTER 59

695 27 4
                                    

Chapter 59

"Su-sunny?" isang tinig ng babae na ngayon ay umiiyak sa aking harapan,
suot ng isang simpleng bistida na bagay at tugma sa kanyang kulay at may dalang isang wine glass sa kanang kamay, agad nya iyon ibinaba at sinugod ako ng yakap.

"Miss na miss na kita bie!" humagulgol ito saakin, sino sya? bat nya alam ang pangalan ko?

"Sunny!" ang tatlong lalaki na sabay sinabi iyon at nakiyakap din saamin, hindi ko alam kung ano ang gagawin o magiging reaksyon ko, ang alam ko lang hindi ko sila kilala, hindi ko sila matandaan...

"Bat ngayon kalang? ang daya mo iniwan mo kami!" iyak parin ng iyak ang babae na nasa harap ko habang ang tatlong lalaki ay gulat na gulat pa din, ang buong silid ay tahimik ay di makapaniwalang nakatingin saakin, pero may isang katangi tanging lalaki na seryoso lang na nakatingin saakin sabay lagok ng alak.

Di ko alam pero don napako ang aking tingin at hindi inintindi ang nasa harap ko, suot ang isang puting polo at itim na slack ay tumayo ito papalapit saakin.

"Sunny! Bie! natatandaan mo ba ako? ako si minny yung bestfriend mo?" napabaling uli ako sa babaeng halos magmakaawa na tumingin ako sa kanya, nakakaawa man tingnan pero likas saaking anyo na magtaka sa kanila sa ngayon, sabi ni mama na marami ng manloloko ngayon, kaya wag daw akong magtiwala sa mga taong nakakakilala saakin dito, may alinlangan man pero kaylangan ko tong gawin hindi ko gusto na biguin sila ngunit kaylangan ko muna silang makilala ng lubos at kung tunay nga ang pinapakita nilang katangian.

Bahagya ko tinulak ang babae na nakayakap saakin, nagulat sya doon pero mas nangingibabaw pa din ang nangungusap na mata.

"Su-sunny-"

"Did i know you?" nalilito ngunit kalmado kong ani, gusto kong magtanong gusto kong usisahin kung totoo ba na kilala nila ako, ngunit ayokong magtiwala.

Napabaling naman ako kay francis na nalilito na din sa nangyayari, sinenyasan ko sya at agad naman nya itong naintindihan.

"Ahm, guys did you know my girlfriend?" natatawa nitong ani sabay hapit sa aking baywang, nagulat uli ang mga tao dito, kainis at iba nga pala ang isip nitong lalaki na ito, maling humingi ng tulong.

"Karl? gi-girlfriend?" yung lalaki naman na isa na nasa gilid ng babaeng nagpakilalang minny ang nagsalita.

Sa totoo lang magulo na ang utak ko ngayon, gusto ko lang naman magrelax at mag enjoy ngayon pero ito at nangyayari ito, pero hanggang ngayon ay wala pa din akong matandaan ni isa, siguro hindi pa ito ang panahon sa ngayon, babalikan ko sila pag ayos na talaga ako.

"Sunny-"

"Im elsa, did i know you?" kalmado ko ulit na ani, medyo sumasakit na din ang ulo ko at ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa byahe kaya't gusto ko na muna makatakas ngayon sa mga taong ito.

"Sunny-"

"Stop calling me that, im not sunny!" iritado na ko, binulungan naman ako ni francis para kumalma.

"Yes, you are" sa tinig na iyon, naramdaman ko nalang ang sarili ko na hinihila ng isang lalaki palayo sa mga taong kilala ang pangalan ko.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa parking lot ng bar na ito, hindi ako makabitaw sa hawak nya dahil sa higpit nito, hinihingal na tiningnan ko sya ito ang lalaki na seryoso kanina!

Naramdaman ko nanaman ang sakit ng aking ulo pero binalewala ko ito, kaylangan ko makatakas sa lalaking ito, akala ko handa na ko pero hindi papala...

"Bitawan mo ko!" singhal ko sa kanya pero nanatiling mahigpit ang hawak nya saaking kamay, tila ba natatakot na makawala ako sa kanya, tila sa isang iglap nya lang ay maglalaho ako sa harap nya.

Nanatiling seryoso syang nakatingin saakin, nandito kami ngayon sa liblib na parte ng parking lot at wala halos na tao.

"Sino ka ba? bitawan mo nga ko!" nagpupumiglas pa rin ako pero alam ko na sinaaayang ko lang ang lakas ko.

"Sunny," aniya.

"Who are you?!"

"I miss you," sa tatlong salita na iyon, may naramdaman akong kakaiba pero hindi kaylangan kong makaalis dito!

Napatingin ako sa kanya ngayon, malaki ang pangangatawan at masasabi mo na may kagwapuhan ang lalaki na ito, halos lahat ata ng babae pwedeng magkandarapa dito.

"I don't know who are you, so please-" hindi na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya kong niyakap ng mahigpit.

"Im your boyfriend-"

"Elsa! come here, lance please let my girlfriend go," bumitiw sya sa yakap ngunit ang kanyang huling sinabi ay nagpagulo sa isipan ko.

"You will remember me, i'll promise,"

Ilang araw bago makapagpasya kami na dumalaw muna saaking lolo at lola sa probinsya, magulo pa rin ang aking utak pero pinilit ko na maging kalmado at maayos ayokong mag alala sila mama saakin, at mas lalong ayokong malaman nya ang natuklasan ko nung nakaraang araw.

Umalis si mama at daddy para sa kanilang business sa manila, nagpaiwan ako dito para maka pagrelax at makapag isip ng mga gagawin sa dalawang buwan na bakasyon.

"Apo, magmerienda ka muna kumain ka ng marami at napakapayat mo na!" si lola na kahit matanda na ay likas pa rin ang angking ganda nito, hindi halata na may edad sya sa itsura nya ngayon.

"Opo la," aniya ko.

"Sya nga pala at ng di ka mabagot sa mansyon natin ay pupunta tayo bukas sa isang beach resort, para narin mapag aralan at matingnan mo ang mga ari arian mo," nagulat ako sa sinabi ni lola pero napawi din iyon agad, oo nga pala at ako ang magmamana lahat ng ari arian nila na maiiwan, hindi kasi iyon tinanggap ni mama noon kaya ngayon saakin na ito ididiretso.

Tahimik kami na nagmerienda sa labas ng aming mansyon, hindi ko mapigilan isipin kung ano ang itsura non at sure akong makakapagrelax ako ng maayos bago harapin ang buhay na kinalakihan ko sa maynila.

Di pa sumisikat ang araw at umalis na kami saaming mansyon dala ang di karamihang gamit, magtatagal din kasi kami doon at malayo layo din ang byahe papunta doon.

"Ready kana ba apo?" excited na tanong ni lola.

"Opo lola, excited na po akong makalangoy!" sa ilang oras na byahe ay ginagawa ko lang ay matulog at magreply sa lahat ng kaibigan ko na naiwan ko doon.

Cheska:

Enjoy! wear a two piece, you know, and also find a hot guy, and send some pictures!

Karl:

Sunny, where are you?

Elle:

Girl! i miss you so much, and also if you find a hot guy there, send me some pics, lab yah!

Erik:

I miss you,

Unknown:

See you later,

Hindi ko na tuluyang nabasa ang iba pang mensahe dahil hinila na ako ng antok.

Haters become LoversWhere stories live. Discover now