CHAPTER 34

1.6K 54 3
                                    

Chapter 34

Finals

It's the day! finals na at plano kong hindi pumunta doon, gustuhin ko mang supportahan sa ganong bagay ang mga kaibigan ko ay talagang hindi ko hilig manuod ng basketball, kaso ang tatlo kong kaibigan, including Charles, Lester at Zery friends na daw kami eh, ay halos kainin ang kaldero saaming kusina at ginambala ang maganda kong tulog!

Vince ask me to go with him, my nerdy friend same as me, at oo sya ang nagbigay ng hairclip but it's not a big deal dahil napalanunan namin iyon dahil sa paglalaro sa fun house! and he's my senior too at baka madamay pa sya sa mga issue kaya't hindi ko na sya gaano kinakausap.

"Nanalo lang sa Mr. And Ms. SU ang yabang na!"

"Feeling maganda eh hindi naman, ang lakas ng loob nyang landiin sila Charles,"

"And note that apat pa sila!"

"Hindi naman kasi magpapalandi ang iba kung walang lalandi!"

"At ang feeling nya talaga,"

Iyon lang ang ilang kong narinig makalipas ng ilang araw.

"Oh, ayan pa sige kumain kayo ng marami, at goodluck sa inyo mamaya ah!" tanging tanguan lang ang iginawad ng tatlo habang si Mama ay tuwang tuwang pinagmamasdan sila.

"Oh, anak magbihis kana para makaalis na kayo inabala mo pa talaga tong tatlo para sunduin ka, dapat nagpapahinga sila dahil may laban pa sila mamaya!"

"Opo, Ma," umakyat ulit ako pero bago iyon ay inirapan ko muna ang tatlo.

Sinuot ko ang pe shirt ko kapares ng aking pants, hindi ko naman na kaylangan mag-ayos at kontento na ko sa itsura ko, kahit ilang liptints at make-up pa ang ibigay ni Minny.

Nadatnan ko na tapos na silang kumain kumuha nalang ako ng sandwich at inaya ko na silang umalis nakakahiya naman kasi sa kanila, nagpaalam na muna ako kay Mama at pinabaunan nya ako ng lunch ganon din ang tatlo, na ngayon ay tuwang tuwa!

Sumakay kami sa kotse ni Charles, wala syang driver at kinabahan ako bigla, oo at puro gwapo ang kasama ko pero mukhang hindi mapagkakatiwalaan!

"Wait, guys sure na ba tayo dito?" ngumisi lang si Charles.

"Don't worry Sunshine, kaming bahala sayo!" kumindat sya at mas lalo pa akong kinabahan.

"Pwedeng magpahatid nalang tayo-"

"Shhh, let's go!" tuluyan na ako napasama sa kanila at nakailang tili ako dahil sa bilis magdrive ni Zery!

"Sabi ko sayo kaming bahala,"

"Nasusuka ako wait!" aniya ko, totoo naman eh agad akong pumunta sa pinakamalapit na basurahan.

Tinawanan lang ako ng tatlo at dumiretso na kami sa loob, agad naman akong sinalubong ni Minny na nakaayos at looking so sexy sa kanyang costume!

"You look so very beautiful bie!" at hula ko ay may lalaking hulog na hulog sayo, she just smile at may kasama pang sabunot!

Medyo marami nang tao at mukhang mahihirapan ata akong humanap ng upuan.

"Bie, halika na!" si Minny na pilit akong hinila.

"Wait bawal ata ako dito-" pinaupo nya ako sa upuan ng mga players, agad akong dinapuan ng hiya dahil pinagtitinginan ako ng mga tao.

Tinawag ko pa si Minny pero hindi nya na ako nilingon, gustuhin ko mang umalis ay tila dumadagsa ang mga tao.

Napatingin ako sa papasok na mga players, nandon na din sila Charles na nakabihis na, and obviously kasama si Lance dahil sya ang team captain napatingin sya saakin na tila seryoso agad naman akong nag-iwas.

Haters become LoversWhere stories live. Discover now