CHAPTER 57

873 34 12
                                    

Chapter 57

4 year's later...

"Anak, are you sure na gusto mong umuwi sa pilipinas?" napatingin ako kay mama sa kanyang tanong, nagliligpit kami ngayon ng aming gamit dahil uuwi kami mamayang gabi sa pilipinas.

"Mama, ilang beses nyo na po akong tinanong at tsaka po, wag po kayong matakot di na po ako gaya ng dati," pagkukumbinsi ko kay mama, ngunit andyan pa din ang nag aalala nyang tingin.

Masama man ang mga alaala na naiwan ko doon, pakiramdam ko ay kaylangan kong bumalik, bumalik sa nakaraan, bumalik kung saan ang puso ko mismo ang kusang nagtutulak, ang damdamin ko ay tila wasak dahil sa kung ano mang dahilan.

Pero bakit? Bakit ang puso't isip ko ay tila nagkasundo na bumalik at pumunta sa isang lugar na kahit katiting man lang ay hindi ko maalala.

Sa lugar na namulat ako sa kadiliman na bumalot saaking pagkatao, pagkatao na hindi ko alam mismo dahil sa sitwasyong iyon, wala akong alam... wala akong matandaan... ni isang katiting na alaala ay wala napukaw saakin.

Nung araw na yon ay nagising ako sa kawalan, maraming tao sa loob ng silid na pinaglalagyan ko, tila lahat sila ay nag aalala para saakin, pero... hindi ko sila kilala... wala akong ni isang matandaan sa kanila.

"Sino ako? sino kayo?" napahawak ako saaking ulo na tila walang katapusang sumasakit, walang ni isang nagsalita sa kanila, kundi ang di katandaang babae na nasa harap ko.

"Anak, ako to ang mama mo," naiiyak na sabi ng babae, mama?

"Sunny anak, ako ang daddy mo, sila ay mga kaibigan mo," sa isang banda ay mas lalong sumakit ang ulo ko, dahilan na nagwala ako at mas lalong naging kritikal, ilang araw lang ako doon na nagpasya ang mga magulang ko na dalhin ako sa ibang bansa para mas mapabilis ang pag galing.

Wala ni isang ikinukwento si mama saakin dahil, pag nagkataon ay sasakit nanaman ang aking ulo at mapupunta nanaman kaming ng hospital.

Pero ilang taon na din ang lumipas, gusto kong malaman ang nakaraan ko, unti unti ay tinanggap ko ang lahat ng alam ko ngayon, pero may kulang parin sa puso, malaking bahagi parin nito ay gustong malaman ang katotohanan at gusto muling mabuo sa nakaraan.

Kaya't ito ako ngayon at gumagawa ng paraan para saakin at para saaking nakaraan, siguro nga kaylangan kong mapuntahan lahat ng lugar at bagay na makapagpapaalala saakin lahat.

Natapos kaming magligpit ni mama, doon muna kami pupunta sa korea kung saan ako lumaki, at pagkatapos non ay tutungo na kami sa pilipinas at saglit na magbabakasyon don, pinag aaralan ko na kasi ang ilang kompanya ni daddy ngayon at ipagpapatuloy ko pa ang pagkokolehiyo ko dito.

Ilang buwan din akong di mapakali at halos maging baliw sa lugar na ito, pero unti unti ay nagpatuloy ako saaking buhay at tinanggap ang lahat.

Pagdating sa pilipinas ay pupuntahan namin ang lolo at lola ko na nasa probinsya, hindi ko man sila matandaan pero napamahal na din ako sa kanila dahil binibisita nila ako kada taon dito.

Nakwento din ni mama na may malaking kompanya ang aking lolo at lola, meron din si mama doon, kaya kinakaylangan kong magsikap dahil ako lang ang nag iisa taga pagmana lahat ng iyon.

Sa harap ng salamin ay nagsimula na kong maglagay ng kadalasan na make up ko pagpumupunta akong school, marami akong natutunan dito at naging kaibigan, sa nagdaang panahon namuhay ako sa lugar na ito na kakaiba, natuto akong magparty, uminom at makisabay sa gimik ng ilang kong kaibigan, pero kahit ganon ay hindi ko pinapabayaan ang pag aaral ko.

Sinuklay ko ang maikli kong buhok na hanggang balik, kinulot ko ang tuwid na dulo nito, may kakapalan ang make up ko dahil nakasanayan ko na din, hindi na din ako nagsasalamin dahil sa contact lense ko, sabi ni mama na medyo pumayat ako sa lagay ko ngayon, pero feeling ko ang sexy ko!

Suot ang isang crop top na damit at maong pants na medyo may butas sa ilang bahagi, nagsuot na din ako ng makapal na jacket, siguro matatanggal ko lang ito pagnasa pinas na kami, isang maliit na bag at shades na ngayon ay suot ko na ay bumaba na ko sa hagdan ng aming mansyon.

"Sweetie are you ready?" ani ni daddy na ngayon ay ready na rin sa pag alis, tumango lang ako bilang tugon.

Sana mabuo na ulit ang aking pagkatao, sana mabuo na muli ang aking puso...

Haters become LoversWhere stories live. Discover now