FG - 33

2K 99 8
                                    

FIFTEEN

"Fifteen," tawag niya nang mapansing hindi pa ako tumatalima. Napilitan na ‘kong kumilos palapit sa kanya. Hahawakan ko sana ang kamay niya ngunit itinaas niya 'yon, No, usal niya, walang boses. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at tampo. Alam kong hindi ko dapat ito maradaman dahil technically ako naman ang may kasalanan. I look back and throw Natalia a menacing look before proceeding upstairs.

Pagkadating sa office ay sobrang tahimik na niya. Hindi siya nagsasalita. Hindi ako sanay na wala siyang sinasabi at dahil dito ay  mas lalo lang akong kinabahan.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Sobrang tahimik. Tahimik na maski ang tibok ng puso ko ay maririnig ko  na. Ilang segundo pa ang lumipas, magsasalita na sana ako ngunit natutop ko rin agad ang aking bibig nang biglang dumagundong ang tiyan ko. 

Oopsie.

Napatingin ako sa tiyan ko at niyakap iyon. Pahamak na tiyan. Ngayon ko lang naalala na kaya pala kami bumaba ni Natalia ay para lumabas at kumain! Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko, nagsagi ang tingin naming dalawa. Nadagdagan ang pagkadismaya sa ekspresyon niya.

"It's past one already,” puna niya.

"I'm done eating." I lied breathlessly.

"Yeah sure. That's why I heard your tummy grumbled," he replied sardonically. Sumimangot na lang ako sa paraan ng pagkausap niya sa'kin. Napansin naman niya 'yon agad kaya nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya.

"Why didn't you tell me?" He asked, frustration is evident from his eyes.

"I'm afraid," amin ko. "Isa pa, hindi naman siya threat sa’tin kaya hindi na siya kailangang ikwento pa."

"Hindi kailangang ikwento?" sarkastiko siyang tumawa. "I deserve it, Fifteen Grace. I am your lover, I deserve to know if there’s some guy snooping around you,” mariin niyang sambit, "and knowing that your goddamn ex is visiting in your shop without my knowledge?” his voice trailed, “you know what it does to me?"

"Shin I—" Naputol ang sasabihin ko sanang paliwanag sa kanya nang may kumatok sa pintuan. Parehas kaming napatingin ni Shin dito, agad ko iyong binuksan.

"Um-order na lang ako,” ani ni Natalia, “O, ito"  ibinigay niya sa'kin ang brown paper bag, agad siyang nagpaalam at nginitian pa ‘ko ng nakakaloko. Pisti lang. Kasalanan niya 'to eh! Sinara ko na ang pinto’t bumuntong-hininga bago humarap sa kanya.

"Eat first." Napalunok ako. Pinipigil ang pagsilay ng luha sa aking mga mata. Hindi ko maiwasang maluha dahil lang sa dalawang simpleng salitang sinabi niya.

Galit at nagtatampo na nga siya sa'kin pero iniisip pa rin niya ang kondisyon ko, ang kalusugan ko.

Umupo na ‘ko sa sofa, humarap sa lamesa at binuksan ang pagkain na binigay sa'kin ni Natalia. As usual ‘di ko alam kung ano'ng tawag sa pagkain na 'to, kinuha ko ang baunan at dahan-dahang sumubo. Nakakatatlo na ‘ko nang tinignan ko siya. Magkaharap lang kasi kami ngayon ng inuupuan.

"Don't stare at me like that." like you want to swallow all of me. Dagdag pa ng isip ko.

"Why?" he asked, raising his brows.

"Awkward," I only whispered.

I can describe the atmosphere lingering between us. Intense.

Tumagilid ako ng pagkakaupo at nag-indian seat para makaiwas sa nakakatunaw niyang tingin at sunod-sunod na sumubo. Binuksan ko ang bottled juice na binili para sa'kin ni Natalia, akmang iinumin ko na sana 'yon nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Fifteen GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon