FG - 22

3.9K 131 14
                                    

FIFTEEN

 Napakaganda ng gising ko.

Pakiramdam ko’y lahat ng problema ko’t pinagdadaanan sa mga nakalipas na taon ay biglang naglaho. Nakangiti akong naglalakad palabas ng bahay nang umakbay sa’kin si Natalia, hindi niya sinasadyang maipit ang mahaba kong buhok kaya nag-sorry siya, ngunit hindi ko pa rin maiwasang mainis.

Bilang ganti ay pinatid ko siya.

"Aray ko naman, ate!" Reklamo niya, ngumisi lamang ako

Si Papa na napukaw ang atensyon mula sa tinig ni Natalia ay napailing na lamang. Hindi pa ko nakuntento dahil mariin kong kinurot ang pisngi niya. “Aray!” Muling dain niya at tuluyan ng nagsumbong kay Papa.

Isip-bata.

Agad na akong tumakbo dahil alam kong susugurin na ako ni Natalia ng mga pabebe niyang hampas bilang ganti. Ang mga mata ko’y nakapako kay Natalia habang tumatakbo sanhi nang pagbangga ko sa isang bagay. Na-out of balance ako’t magla-landing na sana papunta sa lapag nang may kamay na pumalupot sa bewang upang mahapit ako palapit sa kanya bilang suporta.

“There,” bulong niya nang maibalik ko ang aking balanse. "Here you go." Binigay niya sa'kin ang tatlong stem ng Lavender. Napapikit ako sa halimuyak na dulot mula rito. "Smells like you, Fifteen.”
 
“Shin,” I murmured. The familiarity of his voice, of his presence, of his scent makes my heart skip. I gather the 3 stems of Lavender and admired their beauty. “Thank you,” I said.

"Love at first sight." Napangiti ako nang binanggit niya ang kahulugan ng Lavender.

“I know,” mahina kong sambit. I close my eyes when he kisses my temple, savoring the moment with the man who tamed me.

"And beauty," I added.

"And admiration," he added back, kissing my knuckles.

We are in this position for a couple of moments when my Father’s voice boomed behind us.

“We are here,” pagbibigay-alam niya sa’ming dalawa.

“Sana lahat,” naiinggit na sambit ni Natalia at gumawa ng heart shape sa kanyang kamay, hindi ito nakikita ni Papa dahil nasa harap siya ng kapatid ko.

Parehas kaming natawa ni Shinichi — hindi namin mapigilan — ngunit agad ding nahinto sa sunod na sinabi ni Papa, "48 inches away from my daughter," ma-awtoridad niyang sambit. Kinumpas pa niya ang kanyang kamay indikasyon na lumayo kami sa isa’t-isa.

"What?!" Hindi makapaniwala kong sambit.

This is damn ridiculous.

"I still know you’re cussing, Fifteen," puna sa’kin ni Shinichi, mahina lamang ang tinig, sapat na kaming dalawa lang ang makaririnig.

“Too bad," I said, "you can’t punish me in front of my Father,” naghahamong tugon ko.

Narinig ko ang pagklaro niya ng kanyang lalamunan, “You’re going to be the death of me,” bulong niya. Para kaming ventriloquist ngayon dahil kontralado ang pagbuka ng aming bibig.

"Layo pa," utos ni Papa. Dismayado ‘kong sinaksihan ang paghakbang ni Shinichi palayo sa’kin. "Better,” pagsang-ayon ni Papa.

"48 inches na ‘to?” nakangusong usisa ni Natalia. Imbes na sagutin ng Papa namin ang tanong niya ay tumalikod na lang siya’t tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
 
Humarap ako kay Shinichi. "Long distance relationship?" sarkastiko kong sambit. Natawa ang kapatid ko, sumunod si Shinichi. Napailing na lamang ako.

If my Father is serious with this 48 inches policy then he should keep his wary eyes on us. Hindi ‘yong iiwan-iwan niya kami rito. He can’t just trust Natalia to watch over us dahil alam kong hahayaan lang niya kaming magkalapit.
 
Lumapit sa’kin si Natalia, sa gulat ko’y bigla niyang inangat ang palda ko pataas.

Fifteen GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon