FG - 24

2.8K 122 8
                                    

FIFTEEN

 Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at binuksan iyon. Agad kong nakita ang inip sa ekspresyon ni Papa. Pinasadahan muna niya ng tingin ang kabuuan ko – parang sinisigurado na walang nabawas sa’kin – bago pumasok at nilagpasan ako.

“What are you doing here?” takang tanong ni Papa nang makita si Shinichi na nagi-stargazing sa bintana.

“We’re just…talking,” alanganing sagot niya. Inirolyo ko ang aking mga mata, hindi alam ‘yon ni Papa dahil nasa likod niya ako.

“Talking,” ulit ng ama ko’t marahang tumawa, halatang hindi naniniwala sa alibi ni Shinichi, “what is it about?” usisa niya. Nanlaki ang mga mata ko, nag-panic. 

“Stars,” simpleng tugon niya, confident na confident pa nga, “the stars, the galaxies, the universe and how we met,” hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko dahil sa sinagot niya. Nang masaksihan ni Shinichi ang reaksyon ko ay napangiti rin siya.

"Very well,” lumakad na si Papa palabas, mukhang nakontento sa sagot ng nobyo ko, “I want him out of your room, Fifteen,” bilin niya pa bago kami tuluyang iwan.

Saglit kaming nagkatitigan ni Shinichi. Walang nagsasalita ngunit ako na rin sa bandang huli at bumasag ng katahimikan.

“Where did you get that celestial line?” natatawa kong tanong.

“You,” sagot niya, unti-unting lumapit sa’kin. Itinuro ko ang aking sarili, nagtataka. “I was only looking at you until that phrase pops out on my mind.” Wala akong salitang maapuhap sa sinabi niya. "A magic. It's a wonder, Fifteen. Like how earth and the moon conspires us to be together." His hands were moving like a poet while he's uttering those words.

Inaamin ko namang babae ako, pero hindi kasi ako mahilig magpakita ng kilig. Pero ngayon, oo, inaamin ko, kinikilig ako. At gusto kong tumakbo sa banyo upang magtago. Ayokong ipakita ang girly side ko — nakakainis naman 'tong Shinichi eh!

"The constellations are moving. I can hear the harps playing. They're rejoicing, Fifteen. 'Cause you and I are together."

Kilig. Sinasadya niyang pakiligin ako! Ang ungas! Nagtagumpay na naman!

Shit, gusto ko nang magtago. Hindi naman ganito ang reaksyon ko sa una kong nobyo. Hindi naman ganito katindi ang pangiginig ng tuhod ko sa tuwing nagsasabi siya ng mga matatamis na linya sa’kin. Hindi naman triple ang bilis ng pagtibok ng puso ko sa tuwing palapit siya nang palapit sa’kin.

Iba. May iba kay Shinichi Ho.

"Look at you,” bulong niya nang makalapit sa’kin. He tilt my chin up so that I can gaze at his eyes directly, “lips slightly swollen,” he smirked. I lowered my gaze and started looking for somewhere – to anything, just not at his eyes that has the power to melt me in a jiffy. “Damn, I really love the view of you blushing,” he grasp my waist and I landed on his chest, “you know why?” he asked, caressing my hair tenderly, lowering his face closer to mine, “’cause I did that.” I gulp. He is teasing me, my eyes are focus on his lips, mesmerize. Mesmerized how the way his lips brush against mine.

“Shin,” I murmured. “He is gonna kill you,” tukoy ko kay Papa.

He hugs me tight and laughs, “you are worth dying for, Fifteen,” at sa napaka-weird na pagkakataon ay bigla akong naluha. “Hey,” nag-aalala niyang sabi at tinignan ako nang mataman. “Did that upset you?” Umiling ako. “Then why?” Tanong niya habang pinupunasan ang luha ko.

“I love you,” I whispered. “I love you so much.”

“I love you, too,” he chuckles, bringing me back to his arms again.

Fifteen GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon