FG - 26

2.3K 105 5
                                    

FIFTEEN

Naiinis kong pinindot ang send button sa cellphone ko. Gusto ko na ngang ihagis papuntang Taiwan pabagsak kay Shinichi. Tss. Akma ko na sanang ibabato 'to sa kama ko ngunit naalala kong narito nga pala sila Natalia't magiliw na nagki-kwento.

Na kanina ko pa hindi napagtutuunan ng pansin.

Nakakainis! Naiinis na talaga 'ko. Kagabi pa hindi sinasagot ni Shinichi ang mga tawag, texts o e-mails ko sa kanya! Ano ba'ng nangyari?! Nagsisimula na rin akong mag-alala. Kapag 'di ko nasasagot ang mga tawag niya ay magagalit siya agad sa'kin, samantalang ako naman ay nakakailang missed calls at texts na ay wala pa rin?

Nasaan ang equality roon?

Nai-stress na 'ko. Ano'ng oras na. Dapat sa mga oras na 'to ay nagpapahinga na 'ko.

"...tapos ninakawan ko siya ng halik kagabi!" Narinig ko ang pagtili niya. "Ang lambot lambot ng lips niya! Ang sarap ulitin!" At muli siyang tumili.

Sumasakit na ang ulo ko sa ingay niya. Wala akong naintindihan sa kwento niya. Masiyadong okupado ang isip ko para pagtuunan siya ng atensyon. Ni hindi ko makuhang ipakita ang pagiging ate ko. Ang loka ay humalik ng lalaki at basta-basta na lang tumakbo. Kung maayos lang ang pakiramdam ko ay kanina ko pa hinila ang buhok niya.

Maya-maya'y may yumugyog ng balikat ko.

"Ate," tawag niya. "Ate, pansinin mo naman ako," hindi ko siya nilingon, nanatili lang akong nakatitig sa cellphone ko. Nasa pagitan na nang pagpigil ng iyak o paghagis ng cellphone ko. "Uyyyyyy!" Mas lalo niyang niyugyog ang balikat ko.

Ang kulit talaga.

"I'm sorry," matamlay kong sambit nang tuluyan na 'kong humarap sa kanya.

"Si kuya Shin ba?" Panghuhuli niya.

"Sino pa nga ba?" As if namang may other choice pa.

"Malay mo naman iba, 'diba? Like, si kuya Dims?"

"Dimitri's not even involve with me anymore," naiiling kong sambit at umupo sa sofa.

"Ate, tomboy ka ulit?" Pa-inosenteng tanong niya.

"Tadyakan kita riyan eh," akma kong inangat ang paa ko, banta na sisipain ko siya, mabilis naman siyang pumikit, inaabangan ang paglapat ng bangis ng paa ko sa kanya.

Hindi ko mapigilang mapabungisngis.

"Wew," she said in relief. "Akala ko nakalimutan na rin kung paano ngumiti eh."

"I'm okay, Natalia," tanging sambit ko na lamang.

"Why do people always say they're okay even if its clear that they're not?" She asked. Mostly to herself.

"Maybe they're tired to explain," I said, "or they don't want people worrying about them," I added

"And that," pinamewangan niya 'ko. "Triggers us to worry about you more," she pointed out.

"I just," my voice trailed. "I just need him," I whispered.

"Of course, he's your other half," puno nang pag-intindi niyang sabi. Lumapit sa pwesto ko si Natalia, umupo siya kabilang dulo ng couch, ini-stretch ang paa't pinasandal ito sa kandungan ko.

"Don't worry, ate," sambit niya. "'Diba uuwi na siya mamayang gabi? Baka naman talaga nagpapa-miss lang 'yon kaya hindi siya tumawag?" Hinuha niya.

"He promised me," kontra ko. "Sabi niya araw-araw niya kong tatawagan, dalawang beses sa isang araw, at least."

"He called yesterday," ani niya.

Fifteen GraceWhere stories live. Discover now