FG - 5

4.6K 161 12
                                    

SHINICHI

Those sweet and inviting lips. God! Looking forward to held those lips again. No-no! I want it over and over again. Pinilig ko ang ulo ko. Gagawin mo lang siyang babae, wala sa usapan na halikan mo siya! Hindi ba inayawan mo na siya simula nung kinonfess niya sayo na TOMBOY NA SIYA?! Paalala sa'kin ng magaling kong isip.

Sa hindi mabilang na beses, bumaliktad na naman ako ng pagkakahiga, pagkatapos kumain ay dito na ko dumiretso. Loko rin naman kasi 'yon! Mag-walk out ba? Pero buti na lang di ako sinapak.

Mula sa pagkakahiga ay umupo ako. Yayain ko na lang muna siya maglibot dito. Tumayo na ko at kumatok sa kwarto niya. Hindi siya sumagot, hindi niya ko pinagbuksan kaya ako na lang ang pumasok. Nakita ko siyang nakadungaw sa may bintana, malayang hinahaplos ng hangin ang mahabang buhok niya, para siyang diwata ng kalikasan 'yon nga lang tomboy version. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata niya, dinadama ang sariwang hangin, bumuntong hininga siya at dahan-dahang binuksan ang mata, ang lungkot niya.

Pasimble akong umubo na para bang may makati sa lalamunan ko. Paraan ko 'yon para i-acknowledge na may tao sa likod niya na kanina pa siya pinagmamasdan. Napalitan na naman ng inis ang malungkot niyang mata.

"What are you doing here? You don't even knock."

"I did. Hindi mo lang narinig." Inirapan na naman niya ko at pinagpatuloy ang pagdungaw, perhaps this is really the right timing to ask her out for an ancestral house's tour.

"Labas tayo?" pagyaya ko.

"Hmm?" Lumingon siya sa'kin, mukhang hindi narinig ang sinabi ko. Hindi ko naman masisisi dahil sinadya kong hinaan ang boses ko.

Oo, ako na ang nahihiya. But no way in hell na torpe pa rin ako. Tss.

"Sabi ko, labas tayo," ulit ko.

"'Wag na," tanggi niya.

Humarap na naman siya sa bintana. Ang boses niya, isa pa 'yon sa gusto kong baguhin, hindi naman sa hindi bagay sa kanya ang boses niya dahil medyo nilalakihan niya, pero kasi...kung ico-compare sa dati parang adarna ang boses niya, napakalambing, para kang hinihele kahit na nagsasalita lang siya...Dati. Iyon siya dati.

"Come on, Fifeen. Mas maganda makita ang mga mabulaklak na 'yan sa malapitan. 'Wag mo lang dungawan, may pagkakataon ka namang lapitan, eh. Dali na! Papakilala na rin kita kaila Nanay Helen at Tatay Ronel." Lumingon siya sa'kin at nginitian ako.

"Nginitian mo ko?" Tanong ko, hindi makapaniwala.

"Tss!" sumama na naman ang ekspresyon niya. "Ano'ng gusto mo? Lagi akong mainis?" Humakbang siya palabas ng kwarto. "Tara na nga! Ki-kwestyunin pa pagngiti ko, eh!"

Wrong move. Sa isang iglap ay bigla na namang nagbago ang mood niya! Hindi ko na lang sana pinuna.

"Teka lang," tawag ko't sinundan siyang lumabas.

Binati kami agad ng init ng araw paglabas namin, kumuha ako ng payong, binuksan 'yon at pinayungan siya ngunit agad siyang umalis sa silong.

"'Wag mo nga kong payungan. Pagkamalan akong babae niyan, eh!"

"Sige, magpapanggap lang din akong hindi mo tinanggihan ang pagka-gentleman ko"

"You wouldn't suddenly kiss me if you're a gentleman," mahina ngunit mariin niyang sumbat.

Fifteen GraceWhere stories live. Discover now