FG - 39

1.9K 83 11
                                    

SHINICHI

Palipat-lipat ang tingin ko sa kisame at sa glass wall ng opisina kung saan natatanaw ko ang buong kalsada at ang mga naglalakihang building dito sa'min. Ito an ang ginawa ko nang buong maghapon. Lakad dito, lakad doon, hindi mapakali hangga't sa nahilamos ko na lang ang aking kamay sa mukha dahil sa matinding frustration.

There’s really something going on with her, I am not sure exactly what, I can't ask her why, what's happening or what's the problem because damn, she's avoiding me and I know it’s my mistake. I badly want to apologize and explain about Ish but how can I if that is how she deals with me? May kasalanan siya at may kasalanan din ako but that does not mean na hindi na kami mag-uusap! I need to make a move, I want to talk to her. Ugh, I miss her touch, her scent, her lips – all of her. I swear I can't be able to sleep this whole night if we're still in this kind of situation.

My reverie stops when my phone rings. "Jupiter." I said as I acknowledge the caller.

"Ah, Sir, nagtataka lang po ako kasi kanina pa po kayo hindi bumababa,” sambit niya.

Sandali kong sinipat ang writswatch ko. Shoot. It’s late. "I'm sorry I just fell into a deep thought."

"Ayos lang po. Makakapaghintay naman po ako," tugon niya.

"No, no. I'll be there in a minute or two. It's getting late though,” paliwanag ko’t binaba na ang tawag.

****

Pagkadating ko ng kotse ay naabutan ko si Jupiter na nakatulog na sa loob ng kotse kung kaya't kinatok ko siya sa bintana, agad naman siyang napadilat, halatang naalimpungatan. Pinilig niya ang ulo niya bago i-unlock ang pinto sa passenger's seat. Pagkapasok ko ay iniandar niya agad ang kotse at nagsimula nang magmaneho.

"Jups, umuwi ka na. Saan ka ba banda sasakay?"

"Po?” di-makapaniwala niyang sabi. “Pero ihahatid ko na lang po muna kayo." Tanggi niya.

"No worries, I can take care of myself.” Saglit pa siyang tumingin sa’kin, sa bandang huli ay nailing na lamang siya’t tumango.

"Dito na po ako, sir," sabi niya makalipas ng ilang minuto. Inihinto niya sa bus stop ang kotse. Sinaluduhan niya ‘ko na ginantihan ko naman bago siya bumaba.

"Sige sir. Ingat ka. Mukhang lutang, eh." Natawa na lamang ako sa sinabi.

“Take care, Jups.” Tuluyan ko nang iniliko ang kotse papunta sa bahay nila Fifteen. Pasara na halos ang lahat ng mga establishments na nadaraanan ko. Hanggang sa makarating ako sa street kung saan naroon ang shop nila Fifteen.

Bigla kong naapakan ang break. What the eff? Napako ang tingin ko sa Effloresence. Bakit nakabukas pa rin ang shop niya? Pinagmasdan ko pa 'yon ng ilang sandali. Sino pa kaya ang naroon? Si Natalia o Si Fifteen? Hmm, maaring sila ring dalawa. It’s impossible na may operation pa rin sila dahil in the first place, wala ng empleyado.

Iniangat ko ang tingin sa opisina ni Fifteen, which I found out na nakabukas din. It means na isa sa magkapatid na Dimalanta ang narito. No, I know it’s Fifteen. I just knew it. But it’s almost 10, what’s keeping her late?

Naalala ko ang nangyari kaninang lunch, she's acting weird earlier. Namumuo ang pawis niya sa noo at feeling karagatan ang mga palad niya kanina sa sobrang pagtutubig. Nakakain naman siya nang maayos? I made sure of it. Or did I really make sure of it? I admit, I was kind of distracted and bothered earlier. Hell, ako nga ang hindi nakakain nang maayos dahil nakatunghay lang ako sa kanya, pinapanuod siyang kumakain nang tahimik.

I know that kuya Renz and Ish are aware of that display but...Fifteen is a picture that I will never get tired to stare at. She's my sweet perfection and all mine.

Fifteen GraceWhere stories live. Discover now