FG - 43

1.6K 82 28
                                    

SHINICHI

Bumungad sa'min ang amoy ng kape, at amoy ng bacon, tocino at fried rice paglabas namin ng showroom. Fifteen is busy finger combing her already fixed hair. I secretly smiled at her. I squeeze her damp hands, she's still nervous. I studied her face; her lips are still pinkish and still swollen because of the kisses we've shared. My smile grew widely; I wish I can take her again.

"Eat," sambit ni Mommy. "You're probably hungry." Tahimik na nasamid si Fifteen at biglang nangamatis. Kapwa kami natawa ni Mommy.

"Thanks, Mom!" Sabi ko't pinaupo na si Fifteen at tumabi sa kanya.

"Thank you Maam, I mean...Mom," nahihiya namang sabi niya.

"You're welcome," nginitian ni mommy si Fifteen ng sinsero. Base sa kanyang tingin, pasado si Fifteen sa panlasa niya. Very Good.

"Sige, aalis na ko." Pagbibigay alam ni Mommy't bumaling sa'kin. "Shinichi, take care of your girl." paalala niya pa.

"I will," tango-tango kong sabi bago siya halikan sa pisngi.

"Fifteen, see you soon." Hinalikan siya ni Mom sa pisngi.

"Sige po." Pilit niyang iniangat ang ulo at tumingin kay Mommy, nahihiyang ngumiti. Palihim na naman akong natawa, si Mommy ay pinipigilang ngumiti, pulang-pula ang mukha ng babaeng katabi ko ngayon.

"I really want her as my daughter, Shin." My mom meaningfully winks at me. I saw Fifteen grab a glass of water so I chuckled. "See you around, love birds" Tumayo ako, ganoon din si Fifteen upang maihatid namin siya hanggang pinto. Kumaway si Mommy bago tuluyang lumabas. Pagkasara ay kinorner kong muli si Fifteen sa pinto at ninakawan ng halik.

"Stop thinking for having a round two!" Singhal niya't pinandilatan ako. I slightly lick her lips, she gulped and blushed even more but her mood abruptly changes in a fierce one. "I said, stop." Sinikmuraan niya 'ko kaya nakawala siya sa pagkaka-corner ko. Di pa siya nakontento dahil kinutusan pa niya 'ko. Matapos nito ay iniwan niya 'kong namimilipit sa harap ng pintuan at dumiretso sa kusina. Ugh! Sa mga ginagawa niya ay kinakailangan ko na 'atang magpa-doctor, magpacheck-up at magpaX-ray sa susunod.

"Shinichi!" Tawag niya mula sa kusina, "kumain ka na!"

"Alright." May dain pa sa boses ko dahil ramdam ko pa rin ang paninikmura niya sa'kin, parang naiwan ang aura ng kamao niya sa tiyan ko.

"Dalian mo! Pabagal-bagal!" Iritableng dagdag pa niya.

"Teka lang naman" mahinang reklamo ko. Tss! Kung di ko lang 'to mahal eh.

"Arte mo! Malayo sa sikmura 'yan!" Medyo hindi na klaro ang salita niya dahil - kundi ako nagkakamali - may lamang pagkain na ang bibig niya. Tss! Hindi man lang ako hinintay? Nakakapagtamponaman.

"Sinikmuraan mo na nga ko eh. Malayo pa sa sikmura?" bulong ko na lamang sa sarili. Nagtatampo.

"Dalian mo! Susubuan pa kita!" Na agad ding napalitan nang matamis na ngiti dahil kahit ang sungit, sungit, sungit ng boses niya, paglalambing naman ang sinabi niya. She is really something.

*****

Sa bahay ng Dimalanta...

"Wala sila?" Tanong sa sarili ni Fifteen. Pumanhik siya sa kwarto niya para makaligo at makapagpalit ng damit. Lumakad akong papunta sa TV set nila. Sa tabi nito ay naka-file ang kanilang family albums. May school albums din, naka-arrange from pre-school to college. Nakabukod ang kay Natalia at ang kay Fifteen.

She took masteral degree, too? Hmmm parehas pala kami. Ang pinakadulo kasing part ng photo album ni Fifteen ang tinignan ko. Na-recognize ko na nag-take siya ng masteral degree base sa suot-suot niyang graduation gown.

Fifteen GraceWhere stories live. Discover now