FG - 32

2.4K 101 15
                                    

FIFTEEN

"Shiiiiiiiiinnnn!" maktol ko’t inilayo ang aking buhok sa kanya.

"What?" He snapped, naiinis dahil naudlot ang ginagawa niya.

"Naman, eh!" maktol kong muli.

"Bakit?" natatawang niyang sambit.

"Ang pangit naman ng pagka-braid mo! Tignan mo kaya!" Reklamo ko. Itinaaas pa ang aking buhok ko upang i-emphasize sa kanya na sobrang gulo ng pagkakagawa niya.

"It seems nice to me," papuri niya sa sarili. Hinampas ko ang hita niya. Nasa pagitan kasi ako nito para matalian niya nang maayos ang buhok ko. Nasa loob kami ng kwarto ko ngayon at naglalaro lang ng kung anu-ano. Una, game of the generals, sunod, scrabble, hanggang sa naging bato-bato pick, pillow fight at marami pang pambatang laro at heto na nga,  napag-tripan niyang tirintasin ang buhok ko.

"Ulitin mo yan,” naiinis kong bulong na may halong banta. Hindi na siya nagsalita pa bagkus ay tinanggal na nga niya ang pagkakatirintas at sinimulang suklayin uli ang buhok ko.

Isang linggo na rin ang lumipas simula nang maka-engkwentro namin  ang may-ari ng kapit-bahay naming negosyo.  Hindi ko na siya madalas nakikita, patuloy pa rin si Shinichi sa paalala na huwag kong lalapitin ang lalaking ‘yon. I know he is jealous but he really didn’t need to worry. Besides, I can protect myself.

"Ihahati ko sa tatlo,” kausap niya sa kanyang sarili. Hindi kasi siya marunong magtirintas. Malay nga ba niya dahil lalaki siya. Wala rin naman siyang kapatid na babae.

"Then twist," ani niya pa na parang nasa isang tutorial session siya. Dalawang minuto pa ang lumipas nang matapos na niya ang pagtitirintas sa napakahaba kong buhok. "Hmm, look at that," he murmured in satisfaction. Kinuha kong muli ang salamin sa tabi ko upang ma-eksamin ang pagkakatirintas niya.

"Abaaaa," namamangha kong sabi’t tumayo, “pwede na, Shinichi,” papuri ko. Napabungingis siya’t tinangay ako pahiga sa kama at niyakap ako sa’king baywang. I watch his eyes close and sigh in contentment.

"You can't sleep here, Shin," paalala ko sa kanya bago itinago ang mukha sa kanyang leeg.

"I know," sagot niya, nanatiling nakasara ang mga mata. "Hug me back.” Tss. Demanding.  "Tighter." Ginawa ko naman, ayoko namang kumontra dahil gusto ko rin naman.

"I like your smell," papuri ko. "Pasinghot nga.” Sinimulan ko sa leeg niya.

"Ah, it tickles." He chuckled once again, I also like hearing him chuckles. Kumawala ako sa pagkakayakap niya at tumingin sa kisame. "Have I tell you that I love you more and more each day?" He didn’t answer.

But suddenly, I felt his lips wandering against my neck. He is planting kisses around it, next to my throat up to my chin. Then wet kisses on the both of my cheeks, nose, forehead – all over my face before finally...invading my lips. He stayed there for the longest seconds, I lost my count.

"It's late. You have to sleep," he said before freeing me breathless. I can only nod for an answer.

Sinamahan ko siya hanggang sa labas ng bahay. Hindi sinasadyang napatingin ako sa pader. This is where he gave me our first wall kiss.

Shin, as if he heard my reverie says, "I know what you're thinking."

"Go home." Pabiro kong taboy sa kanya.

"I will," sagot naman niya ngunit napasimangot. "Goodnight, goddess." He gave me a peck on my cheeks before hoping in his car.  "Your braid's ruined already,” pahabol niya pa bago tuluyang nagmaneho paalis.

Fifteen GraceWhere stories live. Discover now