FG - 27

2.3K 100 6
                                    

SHINICHI

 "Stop calling me. I am shutting this damn phone now,” she finally answered after my few attempts on calling her.

~ and her response is not what I am expecting.

What the fvck did just happened? And how will I know kung ayaw niya ‘kong kausapin? Nasuklay ko ang buhok ko gamit ang aking kamay sa pagkadismaya. Jesus! I am freaking out missing her and now she's mad at me? I don’t understand.
 
"You alright?" tanong ni Dad.

“No," I sighed. "She’s mad at me for something,” tugon ko bago bumaba ng kotse. Narito kami ngayon sa tapat ng company. May kailangan pa kasing kuhain si Dad sa office niya ayon sa kanya. “I’m sorry, I have to go,” paalam ko sa kanya.

“Take care then,” sambit niya’t tumango.

Mabilis akong tumakbo papunta sa parking lot kung saan ko pinaiwan ang kotse ko. While loosening my necktie, her voice echoes in my mind. She sounded like she wants to break up with me – I shook my head on the idea.

She can’t. Hindi pwede.

****
 
Pagkahinto ng kotse ay agad akong bumaba, nag-over da bakod sa gate nila, tumakbo papunta sa kanilang bahay at kumatok.
 
"Shinichi," bati niya sa niyutral na tinig. “Where’s Fifteen?” Sumilip siya sa likuran ko. So Fifteen’s not here? It’s getting late, she should be home.

"I’m about to ask the same thing. I just came back from Taiwan,” tugon ko.

“You have my answer.” Pinasadahan niya 'ko ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka-polo na lang ako dahil hinubad ko na ang coat and tie ko. “We’re starting to worry about her.  She’s a bit of distracted lately.”

Yeah. Probably because I failed to call her since yesterday.

“We had a misunderstanding,” I think. I am not sure yet. I am clueless. “Any idea where she –” hindi ko na naituloy pa ang sasabihin dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan na pinantayan pa nang malakas na pagkidlat. Great. Mas lalo lang akong nag-alala  “Please, tell me where to find her."
 
Nakita ko ang pag-iling niya’t pagbuntong-hininga. “Too bad Natalia’s not here, she can show you exactly where but she’s on a date right now,” tiim-bagang niyang sabi. 

Natalia? On a date? Wow. But accompany me to where?

"She’s not answering my calls and texts but I’m guessing she’s there," sabi niya habang nakatingala sa langit. Mas lalong lumakas ang buhos ng ulan.

"Where?" I asked, trying to calm my nerves.

"To her mother," she replied.

"Her mother?" ulit ko. Don’t tell me –

"My wife's grave,” kumpirma niya sa naisip ko.

"In a cemetery?” I utter curses on the back of my head. “Tonight?" Di-makapaniwalang sabi ko. “It's raining."

"Circumstances," tanging sabi niya.

"I have to go and find her." Dagli na ‘kong tumalikod at nagsimulang maglakad. Hindi pa ‘ko nakalalayo nang tinawag niya ang pangalan ko. Paglingon ko ay kumuha siya sa rack ng payong at iniabot ‘yon sa'kin. "Thank you, sir."

Tinanguan niya ako bilang  tugon. “Mag-iingat,” sambit niya.
 
****
 
Halos wala na akong kotseng makita sa parte rito. Madilima at halos ang malakas na pagbuhos ng ulan na lang ang nakikita ko, bakas rin ang malakas na ihip ng hangin base sa paggalaw ng dahon ata ng mismong puno nito. Mas lalo akong nag-alala nang muli na namang at dumadagundong ang kulog na may kasama pang kidlat.
 
"Where are you?" I said, worried and feeling helpless. Sa sobrang lawak ng lugar na ‘to, saan ako magsisimulang hanapin siya? Bakit ko nga rin ba kasi hindi pa natanong iyon sa Papa niya? Hinampas ko ang manibela at napailing.
 
Nakarating na ‘ko sa bungad ng sementeryo, naaninag ng ilaw ng kotse ko ang isang waiting shed. May babaeng nakaupo roon, nakayuko ang ulo. Nabuhayan ako ng pag-asa, at the same time ay kinabahan. Halatang mahaba ang buhok kahit naka-pony tail, maluwang ang suot na red t-shirt at naka-simpleng pants na tinernuhan ng red rubber shoes.
 
"Fifteen," bulong ko sa sarili. Tahimik lang siyang nakaupo sa pinakagilid ng shed, nakasandig ang ulo sa bakal nito. "You’re crying," sambit ko nang makitang pinunasan niya ang kanyang pisngi.

Fifteen GraceWhere stories live. Discover now