FG - 1

9K 226 23
                                    

FIFTEEN

Apat na taon ang lumipas.

"Bakit nakabusangot ka?" puna ko sa'king kapatid. Nang magkibit-balikat siya ay mahina akong nagmura.

"Fifteen, enough," mahinahong awat niya ngunit bakas ang dismaya sa kanyang ekspresyin at paghagod ng kanyang sentido. "Pumayag akong maging tomboy ka. Pero 'yang pagmumura mo," huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Itigil mo," pakiusap niya sa malumanay ngunit nagbabantang tono.

"Pa, 'wag mo kong intindihin." Binaling ko ang atensyon sa'king kapatid. "Itong si Natalia na lang, nakabusangot, oh," pag-iiba ko na sinunod naman niya.

Base sa ekspresyon ni papa ay mukhang nawawalan na siya ng pag-asa sa'kin.

"Natalia, ano'ng problema?" Tanong ni Papa, bakas ang pag-aalala.

"Lalaki ba? Sabihin mo lang sa'kin." Sabi ko habang tinatali ang mahaba kong buhok.

"Ate, sabi ko naman sayo ipagupit mo na 'yan," tukoy ni Natalia sa buhok ko. Imbes na sumagot sa tanong ni Papa ay ako naman ang pinagdiskitahan niya.

"Don't mind your sister. Tell us what's bothering you," sambit ni Papa at tahimik na uminom ng kape.

Kasalukuyan kaming naghahandang magkapatid para sa pagpasok sa trabaho. Empleyado siya, ako self-employed. May sarili kasi akong negosyo.

Flower Shop.

I know of course, napaka-ironic at pathetic ng negosyo ko para sa isang tomboy na katulad ko. Pero ayon kasi ang gusto para sa'kin ni Mama, at pinili kong galangin 'yon. Isa pa, nang magtagal ay napamahal na 'ko sa negosyong ito at tuluyan na 'tong niyakap. So far, maganda ang takbo nito at parami nang parami ang tumatangkilik.

"Wal, wala. Wala naman akong problema," iwas-tingin niyang tugon sa amin.

Natalia, well, she's a terrible liar.

"Bull," I said, "'Wag ako, Natalia. I know you."

"Fifteen, be picky with your words. Para kang alley-girl." Naiinsulto kong binaling ang aking tingin sa direksyon ni Papa. "Ipinanganak ka ng Mama mo na babae. 'Wag mong idamay ang pagkatao mo para lang sa lalaking minsan kang niloko. Hindi namin pinangarap na maging miserable ka."

"You think I'm miserable?" I said in disbelief, slightly offended tone.

"You do," he said. "You may be presentable in my sight but I know deep inside..." lumungkot ang anyo niya at humina ang boses. "You're broken."

"Then you're wrong 'Pa." Pagkasabi 'non ay mabilis na kong naglakad palabas ng bahay.

I'm broken. I almost laugh bitterly.

Akala ko magaling na 'kong magtago, hindi pa pala. Ang mga suot ko sa pang-araw-araw, itinuturing ko lang na costume, cosplay lang kumbaga. Nagtatago. Nagpapakaduwag. Takot.

Tomboy ako, oo. At least, iyon ang pinaniniwala ko sa sarili ko.

"Ate Fifteen!" Sigaw ni Natalia mula sa malayo."Teka-!" Bago pa niya matuloy ang sasabihin niya ay hinarap ko na siya.

"What?!" Iritableng sambit ko. Napalunok siya at hindi agad nakapagsalita bakas na nasindak sa'kin. Dumiretso na lang ako ng paglakad papuntang kotse.

"Ate naman, humingi ka ng sorry kay Papa pagbalik mo," pangaral niya.

"Why would I have to? Hindi ko kailangan ipilit ang sarili ko sa taong hindi ako tanggap." Umipit pa ang boses ko. Ayokong umiyak sa harapan ng kapatid ko kaya ilang beses pa 'kong lumunok para malabanan ang pagluha ko.

Fifteen GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon