FG - 12

3.2K 142 6
  • Αφιερωμένο στον/ην aeontech
                                    


SHINICHI

Ilang araw ang lumipas.

Malawak ang nakaplaster na ngiti sa aking labi habang inaayos ang bungkos ng gumamelang hawak ko. Narito ako sa pinakadulo ng hagdan, inaabangan si Fifteen na bumaba. Alam kong gising na siya at pababa na. Agad na kuminang ang mga mata ko nang lumabas na siya sa kwarto’t nagsimula ng humakbang palapit sa direksyon ko.

"You bloom like these flowers,” bungad ko nang makalapit sa kanya at inabot ang gumamela. “For you, Fifteen.” Ngunit inirapan lamang niya ako at nagpatuloy sa paglakad.

"Ilagay mo na lang ‘yan sa vase. I-display mo." Ouch.

"But I did this for you,” ani ko.

"I-display mo na lang," muli niyang sabi. Ouch ulit.

This girl really know how to shattered someone’s heart.

"Just accept this,” pagpupumilit ko pa’t muling inabot sa kanya ang bulaklak.

"Ang kulit mo naman, Shinichi!" Iritableng singhal niya. "Ilang araw ka ng paulit-ulit sa pagbibigay niyang mga bulaklak. Mauubos na lang sa bakuran niyo, sinasayang mo lang!”

"Kaya nga para hindi na masayang ay tanggapin mo na lang,” naiinis ko ring sambit.

"Eh diba sinabi ko naman sayo na A-YO-KO! Bakit ba masiyado kang makulit! Paulit-ulit na lang!" Singhal niya sa’kin.

"I just want to make you happy! Masama ba?" Singhal ko rin sa kanya.

"Pwes, hindi ako natutuwa! At kung plano mo na naman akong pakiligin, well, I’m sorry but that won’t work for me – dahil hindi ako babae!” Idinuro niya ang kanyang sarili. “Tomboy ako. Tomboy.”

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at tinignan siya nang mataman, kitang-kita ko sa mata niya ang halo-halong inis, pagka-irita at galit.

"Look at me.” I demand when she avoided her eyes on me. “Look at me,” I said once again so she did. “You’re a beautiful, frustrating, pain in the ass girl I’ve ever met. Don’t try to hide yourself by a different identity dahil lang diyan sa nakaraan mo. I challenge you to take off that mask and for once – God, for once – just be yourself.” Hindi siya agad nakapagsalita. Nakipaglabanan siya ng tingin sa’kin, hindi siya nagtagumpay sa bandang huli dahil siya pa rin ang unang umiwas.

“Don’t force me to do things I don’t want to, Shin,” she whispered, removing my hands on her shoulder
.
“And don’t push me to my limit, Fifteen,” I whispered back, threatening her, intimidating her.

“Whatever, Shinichi,” muli niya kong sinamaan ng tinigin. “Please. Just give up on me. You’re just wasting your time.” Iyon lamang at nilagpasan na niya ko’t lumabas ng bahay.

“Fine, Fifteen!” Sigaw ko. “Fine!” Nakakuyom ang aking kamao nang umakyat sa kwarto niya’t ni-lock ang lahat ng closet.

Let’s see kung may damit panlalaki pa siyang maisusuot ngayon. Matapos nito ay dumiretso ako ng kwarto ko upang kuhain ang car keys. Naabutan ko si Fifteen na nakabusangot habang kausap ang mga bulaklak nang lumabas ako ng bahay.

"Where are you going?" She asked.

“None of your business,” sagot ko bago sumakay ng kotse at pinaharurot ‘yon agad.

Huminto ako sa boutique shop na madalas puntahan ni Mommy. Agad akong sinalubong ng manager ng shop. I relay my intention, briefly giving Fifteen’s size na tinantiya ko lamang.

“Anything you prefer, sir?”

"Just give me the best ladies wear here in this store. I want a complete wardrobe."

Fifteen GraceΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα