FG - 42

1.6K 87 7
                                    

FIFTEEN

"Good morning, Maam," alanganin akong ngumiti sa kanya at ini-extend ang kamay upang pormal na mapagkilala ngunit imbes na makipag-shake hands ay lumapit siya sa'kin at niyakap ako nang mahigpit, tinapik-tapik pa niya ang aking likod. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Shinichi, lihim siyang natawa sa pagkagulat ko at nailing na lamang.

            "You have nothing to be ashamed of dear. You are lovely," sinsero niyang sambit sabay ngiti sa’kin.

            "Thank you, Ma'am.” Nginitian ko siya nang marahan.

            "Mom, not Ma'am." Ibinuka ko ang aking bibig ngunit itinikom din agad, inabot ko ang kamay ni Shinichi dahil bigla akong nanghina.

            "Magugulatin talaga girlfriend mo ‘no?" Komento ng mommy niya. Nakaka-overwhelm kasi. May Mommy ako? May Mama na ulit ako? Totoo? Seryoso talaga ang Mommy niya? Hahayaan niya ‘kong tawagin siyang Mom or Mommy kahit ngayon lang kami nagkita't nagkakilala?

            "You can’t blame her." Shin softly smiles at me. "She has a Mom again." Nakita ko ang pa-shift ng emosyon ng Mommy niya ang saya niya ay napalitan ng pakikisimpatiya.

            "I'm sorry darling." She again embraces me. This time the dam of my tears broke and fell down. I didn't expect a morning drama in front of his mom, on our first meeting.

            "Mom, give my girl a break. Pinapaiyak mo eh." Hinablot ako ni Shin sa Mommy niya’t pinunasan ang aking luha, ikiinulong niya ‘ko sa mahigpit niyang yakap at marahang hinalikan ang aking bunbunan.

            "Sweet," puno nang emosyong banggit ng Mommy niya. Dito na ‘ko pilit kumawala sa yakap ni Shinichi, parang linta siyang ayaw akong pakawalan. Kundi ko pa siya pasimpleng sinipa sa tuhod ay hindi pa siya kakalas. Lihim ko siyang pinandilatan bago bumaling sa Mommy niya – Mommy ko. "You look familiar, anyway."

            Sa pagtataka sa binanggit niya ay sinundan ko ng tingin ang dinako ng Mommy niya, sa pinakagitna ng show room. Tumingin ng kaliwa't-kanan katulad ng ginawa ko kanina.

            "Oh, that’s why,” she smile at us. “You’re my son's first love."

            "Yes." Si Shin na ang sumagot para sa'kin. Ako ang first love niya? Parang sandali akong lumutang sa ere dahil dito. "Kuya Renz and Dad met her recently,” pagbibigay-alam pa niya.

            "Bakit naman hindi mo kinwento sa'kin agad na ang girlfriend mo pala ay ang babaeng madalas kong nakikita sa camera, printed photos, at mga nasa picture frames na nandito?"

            Teka, teka? So ibig sabihin, kini-kwento ni Shinichi sa mommy niya ang tungkol sa lovelife niya? At ano 'yong mga printed photos at picture frames? Ibig sabihin marami pa? Hindi lang dalawa?       

            "She looks like she doesn’t know" Pinukulan ko ang lalaking katabi ko ng tinging nagtatanong.

            "Uhm," alanganin niyang simula, nahihiya. "Hindi pa nga."

            "So, there are others?" Dahan-dahan kong tanong.

            "Oh yes, hija," sagot ng ginang. Muli kong sinundan ang direksyong tinatahak ng Mommy ni Shinichi. Sa gilid kasi nito ay meron pang mga portraits na natatakpan ng puting tela. Isa-isa yung pinagta-tanggal ng mommy niya at tumambad sa'kin ang mga litratong puro ako ang nilalaman.

            "Shin," tumitig ako sa kanya. Tahimik na hinihingan ng eksplanasyon ang mga litratong nasa harapan namin ngayon.

            "I told you, I'm your stalker back then." halata ang kaba sa boses niya. Siguro nag-aalala na baka magalit ako sa kanya at bigyan siya ng unforgettable punch. Siguro creepy mang matuturing na may stalker ako pero base sa mga litratong nakikita ko, desente naman ang lahat ng naririto. He is not a stalker but a secret admirer.

Fifteen GraceWhere stories live. Discover now