FG - 36

1.8K 97 14
                                    


FIFTEEN

Gabi na. Pero ni-kahit blank message o wrong send niya ay wala akong natanggap. Pinunasan ko ang luha ko, hindi na 'ko nakapagtrabaho nang maayos. Hindi ko na rin nakuhang replyan ang mga e-mails mula sa mga wedding coordinators na matagal ko ng kliyente.

Wala sa ayos ang utak ko ngayon, puro si Shin na lang ang nasa isip ko. Bakit ayaw niya pa rin sagutin ang tawag ko? Text ko o kahit e-mails ko? I deserve to explain my side! Bakit kailangan pa niyang magmatigas? How we will fix this kung ganito siya? And I am beginning to miss him...badly. Si Natalia dumiretso ay sa bahay na dumiretso. Napagod marahil sa client meeting niya kanina kaya wala akong makausap ngayon.

"Shin, where are you?" I murmured helplessly.

Nagpalipas pa 'ko ng kalahating oras ngunit wala talaga siyang paramdam. Bagsak ang balikat kong tumayo at walang-buhay na naglakad pababa mula sa opisina. In-off ko na ang ilaw sa shop at naglakad sa likod kung saan tinatapon ang basura, nakabukas din kasi ang ilaw doon, nakalimutan 'ata nilang isara. Dumiretso na ko sa kotse ko't tinapon sa backseat ang mga dokumentong kailangan ko pang reviewhin.

***

Pagkarating sa bahay ay pinilit ko pa ang sariling kumain kahit wala akong gana. Para bang nag-walk out ang small at large intestine ko simula kanina. Kalahating oras muli ang lumipas nang matapos akong kumain. Masiyado nang matagal iyon, hindi ko kasi mapigilang mapatunganga at tumingin sa kawalan sa tuwing sumasagi sa isip ko ang ekspresyon ni Shinichi kanina.

Kinuyom ko ang aking kamao't pinilig ang ulo ko. Mabilis kong hinugasan ang pinagkainan ko at dumiretso na sa kwarto upang makaligo.

***


Sinipat ko pang muli ang aking cellphone pero wala, wala talaga. Napabuntong-hininga ako noang malalim. Talagang galit siya sa'kin. Nakasut na ako ng damit pantulog, kanina ko pa sinusubukang matulog ngunit ayaw talaga akong dalawin ng antok. Tinawagan kong muli ang numero niya sa 'di mabilang na pagkakataon ngayong araw, ring lang 'yon nang ring hangga't sa sinabi ng operator na mag-leave na naman ako ng voice message.

"Shin, I miss you." I sigh heavily. "I am sorry, punish me if you want. Just...just don't ignore me," I whispered, my eyes starts to swell with tears, "I love you." Matapos ibaba ang tawag ay nagtalukbong ako, namumugto na ang mata ko sa kakaiyak kanina pa noong naliligo ako. Hindi ako sanay na hindi siya makita, hindi makausap o hindi mahagkan na kahit isang araw man lamang. Ang sakit at ang bigat sa pakiramdam. Gusto ko siyang puntahan sa suite niya ngunit hindi ko naman alam ang address nito - isa na namang patunay na hindi ko pa rin siya gaanong kilala.

Halos makaidlip na ako sa wakas nang bigla akong napadilat dahil umugong ang ringtone cellphone ko. Sumibol ang kaba ko. Si Shinichi. Kahit hindi ko pa sipatin ang cellphone ko ay alam kong siya 'yon. Tinitigan ko ang tumutunog na bagay, ito na, gusto ko siyang makausap 'diba? Gusto kong marinig ang boses niya, gusto kong humingi ng tawad sa kanya pero bakit ngayon ay nag-aalangan akong sagutin.

Marahil...marahil ay takot lang akong marinig ang mga sasabihin niya.

Sumilay muli ang luha sa gilid ng aking mga mata nang huminto ang pagtunog nang cellphone ko ngunit ilang segundo lang ay tumunog itong muli. Bahagyang nanginginig ang kamay nang dinampot ang cellphone sa wakas. Huminga ako nang malalim bago napagpasyahang sagutin si Shinichi.

Hindi pa siya nakakapagsalita ay sunod-suno nang bumuhos ang luha ko.

"Hey," I greeted, gulping down my silent sobs.

"You're still awake," he greeted me back in his deep baritone voice giving me goosebumps.

"I miss you too, Shin," the words effortlessly slipped off my mouth. I can't help it. I really missed him.

Fifteen GraceNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ