FG - 37

1.6K 90 12
                                    

FIFTEEN

Kinaumagahan

"Shin," tawag ko. Kinapa-kapa ko ang aking tabi, malamig na bed cover na lang ang nakapa ko. Iminulat ko nang tuluyan ang mga mata ko. Wala na siya. Kanina pa ba siya nakaalis? Tinignan ko ang aking paligid, nagi-expect kung may iniwan ba siyang kahit ano'ng note pero wala, pati text ay wala rin. Napadoble pa ako ng tingin dahil sa nabasa kong oras ngayon.

Pambihira. Late na ‘ko.

***
Pagdating sa Effloresence ay napatingin sa'kin ang lahat. Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin . Mukha kong disaster dahil hindi ko pa nasusuklayan ang mahaba kong buhok. Para akong bruha. Pero alam kong mas nangingibabaw ang pamumutla ko kaya sila nakatingin sa'kin, mabilis akong pumanhik sa office, nasalubong ko pa si Natalia na palabas nito. 

"Ate? Okay ka lang?" Bungad niyang tanong sa'kin, nag-aaala. "Ano’ng nangyari? Uminom ka na ba ng gamot mo? Namumutla ka na naman."  

"I'm okay. Nothing happens and," I smile at her "yeah, I took my medicine." all of my answers were lie. 

Paano ako magiging okay kung si Shin umalis na lang ng walang paalam? Okay na ba talaga kami? At paano pa ko makakainom ng gamot kung late na ‘ko? Hindi magandang ehemplo kung ang mismong boss nila ay sobrang late na.  

Late ng dalawang oras. 

"Ate, hindi ko gusto ang nakikita ko,” nakapamewang niyang sabi. 

"I'm okay. Don't worry," sambit ko’t pumasok na sa opisina. 

"Gusto mo tawagan ko si kuya Shinichi?" Offer niya 

"No! N-no." I stuttered. 

"May problema ba sa inyong dalawa?" Naging mapanuri ang tingin niya sa’kin.

"Wala,” muli kong pagsisinungaling. “Bumababa ka na nga." Pagtataboy ko sa kanya upang maiwasan na ang mga tanong niya. 

"I know you ate, hindi ka kumain, eh!" protesta niya 

"Oo na. Magba-brunch na lang ako." Pag-amin ko na ikinadismaya niya. 

"Sige, o-order na lang ako para sa’yo,” naiiling niyang sambit.

Suddenly I want to hug her. “Thank you, Natalia,” I said and smile weakly at her. She nods, trying to understand my situation before leaving me alone.

Chineck ko ang aking e-mail, dagsa na 'to lalo ng mga kliyenteng umo-order at nagpapa-arrange ng mga bulaklak mula sa iba't-ibang event; for marriage proposal, for church set-up, funeral and mostly para sa mga ikakasal. 

Work. I will busy myself at work. Ayoko muna siyang isipin sa ngayon, kasi kung hindi, malulugi ang negosyo ko. Malulugi sa kakaisip sa kanya. Kailangan ko na 'tong asikasuhin, kailangan ko ng sagutin ang mga e-mails ng kliyente ko.  May mga email complaints na rin akong natanggap. Ugh.

***

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating si Natalia na may dalang paper bag, naamoy ko kaagad ang halimuyak ng pagkain, alam kong masarap ito pero hindi man lang ako kinatok ng mga gutom na bulate sa tiyan ko.  

"Ate, kumain ka na" 

"Thanks." 

"Double you see." WC talaga 'yon meaning, 'welcome’

"Teka lang." 

"Ano 'yon, ate?" 

"Bakit hindi mo ko ginising?" 

"Nag-text sa’kin si kuya Shinichi, ‘wag ka na lang daw gisingin." Lihim akong naalarma sa sinabi niya, sinabi ba niyang magkatabi ka matulog buong magdamag?

Fifteen GraceWhere stories live. Discover now