FG - 9

3.6K 138 10
                                    

FIFTEEN

Ilang araw ang lumipas

"O, ano, ate? May nararamdaman ka na bang something? Nanunumbalik ka na ba? Nagising na ba ang mga girly parts sa mga cells mo?" sunod-sunod na tanong ni Natalia sa kabilang linya ng telepono.

"What are you talking about? Na babae na ulit ako?" Natatawang banggit ko.

"Yes.” Kahit hindi ko siya nakikita ngayon ay alam kong sunod-sunod ang pagtango niya.

"Hindi ‘no!” deny ko. “Kahit ilang beses pa niya ‘kong banatan ng pick-up lines, magpaka-sweet, magpaka-gentleman – tomboy pa rin ako. Kahit halikan pa niya ko ng ilang beses–”

"What?!” gulat niyang sambit, hindi na pinatapos ang sentence ko. “You did kiss?” Oops, nadulas. “You really did kiss!” Narinig ko ang pagtili niya nang malakas kung kaya’t nailayo ko ang telepono sa’king tainga.

"Sabi ko,” simula ko nang mahimasmasan siya, “na kahit halikan pa niya ko ng ilang beses ay ito pa rin ako. Hindi ko naman sinabing kahit HINALIKAN pa niya ko."

"Sus! Ayieee si ate, nagiging babae na!" tudyo niya.

"Tigilan mo nga ko. Maiba tayo, si Papa kamusta naman?"

"Ayon, lagi kong sinasama dito sa flower shop. Mas nawiwili kasi siya rito, maganda na rin 'to para lagi siyang may makausap. Nakakaburyo rin naman kasi kung sa bahay lang siya lagi mag-isa," salaysay niya.

"Good idea. How's the operation under your custody?"

"You'll be proud of me,” napangiti ako. “Nakakuha ako ng dagdag na supplier na’tin at buyer...funeral homes nga lang,” sambit niya sa nahihiyang tinig kung kaya’t natawa ako.

"’Wag mo ngang nila-lang! At least may nakuha kang buyer! Ano ba yan? Long term?"

"Depends. Sabi ng may-ari, sa'tin daw idi-direct agad ang mga ino-order na bulaklak ng mga customers nila."

"Alright, mukha namang maganda yang pinasukan mo."

May ilan pa kaming napagkwentuhan nang magpaalam si Natalia na kakain na sila ni Papa. Nang natapos ang tawag ay dito ka lang napansin si Shinichi na kanina pa pala nakatingin sa’kin.

"Let's grab our dinner," pagyaya niya.

Parang ang sungit niya ‘ata ngayon? Sinundan ko siya nang makaupo kami ay tinanong ko kung may problema ba.

"Nothing,” umiling siya. “Kumain na tayo." Blanko ang mukha niya. Wala ring katono-tono ang tinig niya na parang kumakausap lang ako ng robot.

"Parang ang ayos natin kahapon hanggang kanina ah,” puna ko.

Maayos naman talaga kami, sanay na siya sa mga pananapak ko sa t’wing sinasabihan niya ko ng mga pick-up lines niya. Hininto ko na rin ang pagmumura dahil ayoko ng maramdam ang labi niya sa labi ko. Araw-araw ay wala kaming ginawa kundi tumulong kaila Nanay, matulog, maglinis ng bahay at libutin ang kabuuan ng lupain nila. Kanina nga ay magkatulong pa kaming magdilig ng halaman ta’s ngayon? Ano’ng nangyari?

Why the sudden change of mood, Shin?

"I’m fine, Fifteen,” sambit niya nang mapansing hindi pa rin ako nagsisimulang kumain. “I am just trying to be serious. Hindi ba bagay?” sumagot ako ng hindi. "O, ito na, ngingiti na ‘ko," at ngumiti nga siya, natawa na lang ako at nagsimula ng kumain. “Just for you.” Inangat ko ang tingin sa kanya, nagtatanong ang aking mga mata. Hindi naman ako makapagsalita dahil bahagyang puno ang bibig ko. “My smile is solely for you.” Napainom ako ng tubig upang agad na maiiwas ang tingin sa kanya.

Fifteen GraceWhere stories live. Discover now