SPECIAL CHAPTER

2.7K 99 6
                                    

NATALIA

Lumipas na ang gabi't nakatulog na lang ako mula sa napaka-failed kong blind date pero wala pa rin si Ate Fifteen. Naglakad ako papuntang pintuan, bago ko pa man mabuksan 'yon ay may kumatok mula sa labas. Lumingon muna ako kay Papa na tahimik na nanunuod ng documentary sa TV, lumingon siya sa'kin - Parehas kami ng iniisip na baka si ate Fifteen na ang kumakatok, ako na ang lumakad papuntang pintuan.

"I knew it," agad kong banggit pagkabukas ng pinto.

Si ate Fifteen nga, kasama si kuya Shinichi. Magkasaklop ang kanilang mga palad pero parang may tensyong namamagitan sa kanilang dalawa. Mas angat nga lang ang kay ate, para siyang kinakabahan...natatakot.

May nangyari ba?

"What did you do to my daughter?" bahagya pa kong napalundag dahil sa boses ni Papa, nakalapit na pala siya sa'min.

"A-ah," alangang bungad ni ate. "Papa, sobrang lakas na kasi ng ulan kagabi kaya mas pinili na lang ni Shin na matulog kami sa isang hotel para-"

"Para masolo ka niya-"

"Para hindi kami mapahamak," agad na pagtatama ni ate, biglang nangamatis ang kanyang mukha.

"Really?" Iniangat ni Papa ang kanyang kilay na para bang nagdududa sa sinabi ni ate. Maski rin naman ako nagdududa, bakit siya nagba-blush ngayon?

Siguro...bigla akong napatili. Sinamaan ako ng tingin ni Ate at Papa, si kuya Shin naman ay umiwas ng tingin sa'ming lahat at sumipol. Oh. My. God. Siguro'y nag-advance honeymoon na sila! Due to cold weather and unexpected body heat compose of lust and desire ay kinailangan nila ng intercourse para ma-release ang - teka! Teka! Ano ba 'tong iniisip ko?!

Agad akong napahawak sa'king pisngi. Tsk! Siguro kung hindi ko napigilan si Eiveren at hindi siya nakapagpigil ay baka may nangyari na sa'min. Ugh! Ang manyak naman kasi ng nilalang na 'yon.

"You," tukoy ni Papa kay kuya Shin.

"Yes, sir." diretso niyang tugon kay Papa.

Namamangha at hanga rin ako rito kay kuya dahil hindi ko pa siya nakikitang na-intimidate sa mga tingin na ipinipukol sa kanya ni Papa.

"Answer my question."

"Nakita ko po siya sa entrance gate ng sementeryo, basang-basa at iyak nang iyak. Niyaya ko po siyang pumasok ng kotse para makaalis dahil lumalakas na ang ulan, nang dahil din doon ay mas pinili ko na lang po na mag-check-in sa pinakamalapit na hotel dahil hindi na rin advisable na magpatuloy pa kami sa biyahe. Nagpalipas po kami ng gabi do'n," salaysay ni kuya.

But as usual para sa isang retired professor sa field ng psychology, hindi agad maniniwala si Papa. Base sa mapanuring mata na nakikita ko ngayon sa kanya ay may alam siyang ayaw pang sabihin ni kuya Shin.

Inaasahan ko na magu-usisa pa siya hangga't sa makuha ang nais na impormasyon pero himalang tumikhim na lang siya at hindi na lang nag-komento pa, bagkus ay bumalik na lang siya sa salas, tahimik na nanuod ng TV at napailing na lang.

Woah. Himala nga.

"You," panggagaya ko sa boses ni Papa "What did you do to my ate?" tanong ko kay kuya. Lumapit muna siya sa'kin partikular na sa kanang tainga ko.

"Believe it or not," simula niya. "I had an exhausting yet great night with your sister," nanlaki ang mga mata ko sa binulong niya, bumungisngis si kuya samantalang si ate ay mas lalong namula at malakas na hinampas ang nobyo niya. Hindi ako makapagsalita. Ibig sabihin tama ang hinala ko? Nag-ano nga sila?

"Natalia," tawag sa'kin ni ate.

"Oo ate, hindi ako judgmental," magkasaklop ang palad kong simula, "tanggap pa rin kita, love pa rin kita at may respeto pa rin ako sa'yo. Alam kong mahal na mahal niyo lamang ang isa't-isa at kahit bigyan pa 'ko ng offer na magkaroon ng bagong ate ay ikaw at ikaw pa rin ang pipili-"

"Gaga! Kung anu-ano iniisip mo!" Napipikon niyang sambit. "Mauna ka na sa shop dahil magbibihis pa ako," mas lalo 'atang nainis si ate ngunit mas nangigibabaw pa rin ang kanyang hiya.

"Ahh," yon lang pala. Akala ko naman may kinalaman sa sinabi ni kuya Shinichi ang babanggitin niya. "Sige, sige take your time."

"Ikaw Shinichi, umalis ka na rin, isabay mo na ang kapatid ko," utos ni ate.

"Yes, boss," sumaludo pa si kuya ng pabiro kay ate.

"Ohgod," bulong niya. "I hate both of you," my blushing sister hissed before leaving while we're laughing.

End of Natalia's POV

A.N.: You may read Natalia's side story entitled, "Kiss and Run" published here in Wattpad as well. 😊

Fifteen GraceNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ