FG - 20

3.8K 154 21
                                    

SHINICHI

This is probably the most silent day of my life. Kanina pa niya 'ko hindi kinikibo. Simula pagkain namain ng agahan hanggang ngayon. Street light is on red so I take this chance to glance at her. Kalahating oras na rin kaming nasa byahe.

Her eyes screams sadness.

Kanina ko pa siya gustong kausapin, sabihin na mahal ko rin siya - na kaya kong tumbasan at higitan pa ang nararamdaman niya para sa'kin ngunit natatakot ako sa posibilidad - malaking posibilidad na hindi niya ako paniwalaan, na baka hindi niya ako pakinggan gaya kagabi.

S P A C E

She clearly needs this. I sighed for the umpteenth time and continue driving.

FIFTEEN

"Ate Fifteen!" Sinalubong agad ako ng yakap ni Natalia, ganoon din si Papa. Tipid ko lamang silang nginitian bago dumiretso sa kwarto.

Hindi ko siya kinausap ni pinansin kanina sa byahe. Para saan pa? Para mag-plastikan? Para lokohin ang sarili namin? Ayoko na.

Wala naman akong dalang kahit ano'ng gamit. Kinidnap nga lang ako 'diba? 'Di ko napigilang sumilip ng palihim sa bintana pagkarating ko sa kwarto. Naroon pa rin si Shinichi sa labas, kausap sila Natalia at Papa. Kahit narito pa ako ay malinaw kong naririnig ang usapan nila.

"Sir Shin, may problema po ba?"

"Nah," he answered, waving in the air. "I'm just...tired," he admitted. Me too

"Sus!" Humalukipkip si Natalia, mukhang hindi naniniwala sa salitang binitiwan ng dati niyang boss. "You will just miss her, don't you?" I snorted at her intriguing query.

"Natalia," awat ni Papa.

"I will miss her for sure," he replied sincerely. Liar.

"Mr. Ho," pormal na tawa ni Papa kay Shin. "Thank you," klinaro niya ang kung anumang bumara sa lalamunan niya bago nagpatuloy. "Thank you for everything."

"You're welcome sir," seryoso niyang tugon. Hindi ko siya nakitang ngumiti.

Bakit? Hindi ba siya natutuwa sa nagawa niya? Hindi ba siya kontento sa tagumpay niya? Itinigil ko na ang pagdungaw at humiga na lamang sa kama. Maya-maya'y narinig ko ang pag-andar ng kanyang kotse. Sa isang iglap ay naluha ako. Naluhang muli. Hindi ko na alam kung ilang litro na ang luhang nasayang ko.

There. It's official. He leaved me.

"I'm so proud of Sir Shin," agad na bungad ni Natalia pagpasok ng kwarto. "Natupad niya ang promise niya sa'kin!" Tuwang-tuwa niyang sambit.

Promise. One word that echoed into my mind. Buti pa ang promise niya kay Natalia ay natupad samantalang sa'kin, napakasimple na nga lang ay 'di pa magawa. Dahil din sa pesteng pangako na 'yan ay heto ang napala ko.

I didn't see this coming, never thought that I will suffer with this kind of consequence.

"Go away, Natalia," pagtataboy ko sa kanya.

"Why?" Nagtatampo niyang sambit pero bigla ring napasinghap. "Tell me, I'm dreaming." She said in disbelief. Kinurot ko siya sa kanyang pisngi ng sobrang diin. Pasimpleng higanti ko sa kanya. "Aray!" Dain niya habang himas-himas ang kaliwang pisngi.

"My answer," matamlay kong sagot, pikit-pikit ang aking mga mata.

She gasps in her annoying way, "You're inlove with Sir Shinichi?!" Ngayon ay tumili na siya at hinampas-hampas ako ng unan. "I knew it! I knew it!"

Fifteen GraceWhere stories live. Discover now