FG - 13

3.6K 143 17
                                    


FIFTEEN

 "Naman kasi yang amo niyo, eh!" maktol ko. "Ang dambuhalang pakialamero! Wala namang problema sa pagkatao ko diba?! Nakakainis!" Kausap ko sa mga bulaklak. Dito ako ngayon naglalabas ng sama ng loob.

Kalahating oras na rin siyang wala. Tss. Bahala siya sa buhay niya! Kahit pumunta pa siya sa bar at magnilandi ay wala akong pakialam. Kahit mag-uwi pa siya rito ng kaliwa't-kanang babae ay wala pa rin akong pakialam.

"Balak pa niya 'atang ubusin kayo," kausap ko sa mga walang kamalay-malay na bulaklak. "Kundi ba naman siya sira-ulo! Ilang araw ko ng paulit-ulit na sinasabi sa kanya na itigil na niya 'yon pero hala – sige pa rin siya."
Napalingon ako nang may maramdamang naglalakad mula sa kanang bahagi ko.

Si Shinichi pala ay nakabalik na. Napatingin ako sa mga papers bag na bitbit niya. Ano kayang laman ng mga 'yon? Umangat pa ang tingin ko kung kaya't nagkasalubong ang mga mata namin, agad niya 'kong inirapan at mabilis na pumasok sa loob.

Lihim akong napasinighap. "Nakita niyo 'yon?!" Sambit ko, turo-turo ang direksyong tinahak niya. "Nakita niyo 'yon diba? Ang isnabero! Kala mo kung sino! Siya na nga 'tong may atraso sa'kin dahil dinala niya ko rito ng walang paalam. Kinidnap. Tapos gan'to?" Nanggigil kong sambit. Dada nang dada sa mga pobreng bulaklak.

Humalukipkip ako at eksaheradang sumandal sa bench na kinauupuan ko ngayon. Nakakainis! Nakakainis! Nakaka – napatigil ang inner self ko nang makita ang mga nakahilerang maliliit na vase sa bandang gilid ng pintuan. Nakalagay roon ang mga bulaklak na tinanggihan kong tanggapin noong mga nakaraang araw pa hanggang kahapon. Parang inaawitan akong humingi na ng tawad kay Shinichi.

"Ugh!" Ginulo ko ang aking buhok. "Fine! Fine! Magso-sorry na 'ko sa kanya." Tumayo na ko't humakbang, nang makalapit sa vase ay huminto ako at isa-isa silang tinuro. "Pero maliligo muna ako, okay?" sa tingin ko naman ay tumango sila nang sunod-sunod kaya dumiretso na ko ng kwarto.

Napakunot-noo ako dahil naabutan kong nakabukas ang closet. Agad ko 'yong nilapitan at nakitang wala ng damit na nakalagay rito. Lumingon ako sa kama ko kung saan may mga paper bags na nakalagay – paper bags na kanina'y bitbit ni Shinichi. Hindi maganda ang kutob ko rito. Umupo ako sa kama at sinimulang buksan ang mga paper bags.

"Fuck," bulong ko nang mabuksan ang unang paper bag. "Darn," inis na sambit sa pangalawa. "Shit," nahihiyang usal sa pangatlo. "Damn," iritableng sabi sa pang-apat. "You have got to be kidding," hindi-makapaniwalang sambit sa pinakahuling paper bag na binuksan ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at bumilang ng isa hanggang lima bago sinugod si Shinichi sa kwarto niya.

"What the fuck is the meaning of that?!" Singhal ko.

"Should I kiss you now?" balik-tanong niya.

"Seriously, Shin?! Seriously!" nakakuyom ang mga kamao kong sigaw. "I don't wear those kinds of shitty dresses! And lingerie?!"

"Well, it's about damn time you would," pinal niyang sambit. Nagpakawala ako ng maraming mura sa isip. "And those dresses are feminine. Not. Shitty."

"Whatever, Shin. Hindi ko susuotin 'yon!" pagmamatigas ko.

Humalukipkip siya at puno ng paghahamong tinitigan ako.

"It's you choice, Fifteen Grace. Wear nothing. Or wear those shitty dresses you called." Napalunok ako, hindi lang dahil sa sinabi niya kundi dahil sa lalim ng boses niya. "But it would be very interesting if you prefer to wear nothing," he breathes, roaming his bedroom eyes all over me – like he is slowly undressing me.

Muli akong napalunok. He has a point. Hindi ko naman matitiis na magsuot ng nangangamoy ng damit.

"Feeling helpless?" Sabi niya sa nang-aasar na tono.

Fifteen GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon