FG - 19

3.1K 154 15
                                    

FIFTEEN

I silently wipe my tears away as I watch the leaves purl by the wind. My hands are absent-mindedly doing something.

"I hate you," I whispered.

He dumped me. He hurt me. He lied to me. And the worst part is...he made me fall for him.

Once again my tears began cascading. It just hurts dahil pinaasa niya 'ko at ako naman 'tong tanga ay naki-cooperate at umasa rin naman. He said na babalik siya after two days pero bakit ngayon ay ni anino niya'y hindi ko makita? And don't he even dare show himself by tomorrow dahil iyon na ang ikahuling araw namin dito. We need to talk. He even said it before he leaves me!

Talkshit. Isa siyang malaking talkshit.

"Hija, kawawa naman ang bulaklak," puna sa'kin ni Nanay Helen.

"Maupo ka na lang muna," 'ani ni Tatay Ronel.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng mag-asawa. Nabaling ang tingin ko sa hawak-hawak kong bulaklak na ngayon ay lasog-lasog na dahil maski ang mga petals ay nagupit ko na. Inilapag ko na ang gunting at sinunod na lamang ang sinabi ni 'Tay Ronel. Pati ang mga bulaklak ay nadadamay na dahil sa emosyon ko.

"Kung si Shin man ang makapagpapangiti sayo'ng muli," umangat ang tingin ko kay Nanay Helen, "dinadalangin ko ngayon na sana'y bumalik na siya rito," sinserong sambit ng Ginang.

Hindi ako umimik at piniling tumingin na lamang sa malayo. Sana nga...sana.

"Pati ang mga bulaklak ay naging matamlay na dahil sa'yo," komento naman ng kanyang asawa. "Tunay nga namang nababago ng pag-ibig ang tao."

"Itong si Ronel," napailing si 'Nay Helen, "kuhhh! Niyaya akong magtanan." Umarko ang kikay ko pataas at puno ng interes na napatingin sa kanilang dalawa muli.

"Ngunit imbes na sumama sa'kin ay pumunta siya mismo sa bahay at sinumbong ako kaila Nanay at Tatay. Ayon kinulong ako sa bahay," pagpapatuloy naman ni 'Tay Ronel.

"Padalos-dalos kasi mag-isip" natatawang sambit ni 'Nay Helen.

"Isang linggo kaming 'di nagkita noon. Gusto kong tumakas nang mga oras na 'yon pero alam kong hindi matutuwa si Helen sa gagawin ko kung kaya'y nagtiis ako. Nang pumayag na sila Tatay na payagan akong lumabas ay dagli akong pumunta kaila Helen, pinaranas niya kasi sa'kin na mas magiging maayos ang buhay kung gagawin sa maayos na paraan ang mga bagay."

Gusto ko silang alayan ng masigabong palakpakan at sabuyan ng mga mababangong rosas dahil sa moral ng kwentong pag-ibig nila ngunit mas lalo lamang akong nalungkot.

Makakatagpo ba talaga ako ng katuwang sa buhay? Katulad ng mag-asawang nasa harap ko ngayon?

I don't know. I don't know what to think and believe anymore.

SHINICHI

Finally, I'm free.

Pagkatapos ng photoshoot ay agad na 'kong umalis at nag-drive pabalik sa Laguna. Hindi na 'ko bumalik pa ng bahay dahil baka kung ano na naman ang i-request sa'kin ni Daddy at ikandado na naman ako sa sarili kong kwarto.

I am worried, heck afraid if that is the right term dahil hindi ko alam kung ano ang ibubungad sa'kin ni Fifteen pagbalik ko. No. I have an idea but I loathe thinking about it.

I spat at my wristwatch, it says 10:00pm exact. I know it's late pero bukas pa ang ilaw ng sala at ang ilaw ng kwarto niya. Natatanaw ko 'yon mula rito sa labas. Bumusina ako para ipaalam na narito na 'ko.

"Shin?" Nakita ko ang agad na paglabas ng mag-asawa "Narito ka na pala," natutuwang bati sa'kin ni Nanay Helen.

Simpleng tango lamang ang sinagot ko bago nagmano sa kanilang dalawa. Nagpaalam akong papasok na, ni hindi na hinintay ang pagsagot nila.

Fifteen GraceWhere stories live. Discover now