Chapter 30.1.2

442K 8.1K 849
                                    

Photo edited by Bebe Jhane. So cute!

********

CHAPTER 30.1.2

Jordan

May kung ilang araw na kaming sobrang abala ni Kirsten para sa preparation nang mabilisang wedding namin ni Ty. Hindi maikakailang sobrang sama talaga ng loob niya sa akin at bigla na lang din niya ipinatigil ang wedding preparations. Kailangan kong bumawi sa minamahal ko. Tama na itong katangahan na ito at kailangan ko na siyang paligayahin sa piling ko. Naging napaka-immature ko sa mga desisyon ko at ito ang pagkakataon ko para bumawi.

Sinamahan din niya akong bumisita sa kilala niyang ob-gyne para sana ipa-consult ang kalagayan ko. Nagpaka-OA nga ako masyado gayong may mga gamot namang puwedeng makatulong sa mga sintomas ng PCOS. Tinuruan din niya akong magkakain nang masusustansyang pagkain at makakatulong din daw 'yun para sa worry free pregnancy ko kung sakali.

Siniguro ko pa ring palagi akong nakaka-text sa kanya sa araw-araw kahit na nga ni isang sagot ay wala siya. Aaminin kong natatakot ako dahil ako lang naman din ang gumawa ng sarili kong multo. At kung anoman ang ipinararamdam niya ngayon ay nararapat lang sa akin. Pero handa na akong isuko lahat ng mga takot ko. Gagawin ko lahat maibalik lang ang pagmamahal niya sa akin. At sana tanggapin pa rin niya ako.

Nasa Hongkong pa rin si Ty para sa isang business conference at naka-set ang wedding namin sa mismong araw ng pagdating niya.

Lumipas ang halos tatlong Linggo. Nagkakagulo ang lahat ng mga nakapaligid sa akin habang ako ay nakatitig sa repleksyon ko sa salamin at matamang pinapanood ang ginagawang pag-aayos sa akin. Ilang oras na lang ay magaganap na ang wedding namin ni Ty at kinakabahan na talaga ako. Paano kung hindi mag-work ang plano namin ni Kirsten? Paano kung nagbago na pala ang isip niya at ayaw na pala niya akong pakasalan? Paano kung—

"Hoy, sis, kung anu-ano na naman siguro ang pumapasok sa kukote mo, 'no?!" Nakapamaywang pang humarap sa akin si Kirsten gamit ang naniningkit niyang mga mata. Suot na rin niya ang kanyang gown na kulay lavander at wala pa rin akong masabi sa ganda niyang magdala ng damit. Para pa rin siyang dalaga at sexy pa rin talaga.

"P-paano kung ayaw na sa akin ng kapatid mo?" Hindi ko na rin maitago ang takot ko. Ang tagal niyang hindi nagparamdam. Paano kung kani-kanino na siya nakipag-date? Paano kung—

"Shut up, sis!" iiling-iling pa niyang sabi. "Iyan ang ipinagtatampo sa'yo ni Kuya, e. Masyado kang maraming iniisip sa kanya. Why don't you just trust his love for you? Hindi pa ba sapat ang mga ginawa niya para sa'yo?"

Nasukol niya ako sa kanyang sinabi at hindi ko naiwasang makaramdam nang hiya. Mas lalo kong nararamdaman na hindi ang katulad ko ang deserving sa pagmamahal ni Ty, pero para sa kanya ay sapat na ako. Kuntento na siya kahit pa ganito ang klase nang pag-iisip na mayroon ako dahil mahal na mahal niya ako. Haist, Jordan... Pakakasalan mo ang lalaking pinapangarap ng mga babae. Ang lalaking ako lang ang may kakayahang kumuha. Hindi ba dapat ipinaglalaban ko 'yun hanggang sa huli?

"I'm sorry, Kirs..." Yumuko ako at nagpigil na umiyak.

"I'm sorry too, sis. Pero sana lang, stop running away, kasi mahal ka ni Kuya, e. Parehas kayong nasaktan noong mawala ang baby ninyo. Pero alam kong mas masasaktan siya kapag may nangyaring hindi maganda sa'yo. Do you understand me, sis?"

Tumango ako at mariin kong kinagat ang aking labi. Mapait siyang ngumiti sa akin at pinunasan ang luha ko sa pisngi.

"Good thing, water proof 'yang make-up mo," nakangiting sabi pa niya at nagpunas din ng sariling luha. "Make Kuya happy. Be with him for the rest of his life."

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon