Chapter 22.3.5

488K 8.7K 1.4K
                                    

CHAPTER 22.3.5

JORDAN's POV

Saglit akong pumunta sa headquarters para maggayak ng sarili kong gamit. Hanggang Friday kami d'un? Tatlong araw. Tama ba talagang sumama ako?! My God, Jorge! Magawa mo pa kayang layuan si Ty matapos ang tatlong araw?!

Matapos kong makapaggayak ng mga gamit ay dumiretso na kaagad ako sa lobby. Namataan ko kaagad si Sir Martin sa labas at nasa harapan na ng sasakyan. Agad naman niya akong kinawayan at si Ma'am Janice naman ay agad na bumaba na ng sasakyan bitbit ang gamit niya.

"Dito ka na, Jorge. Doon na ako sasakay kay Sir Tyrone," aniya at tumango na lang din ako sabay pasok sa loob. Nasa likuran namin ang black Hummer ni Ty at mukhang magsosolo sila ni Ma'am Janice dahil parang walang ibang gustong sumama. Nakamata silang lahat sa akin na para bang nagtataka kung ano ang ginagawa ko roon.

"Ano daw gagawin mo d'un, Jorge?" tanong pa nang baklitang assistant ni Ma'am Janice. Princess kung tawagin nila, pero Robert ang pangalan.

"Hindi ko alam..." tipid na sagot ko na lang. Kahit pa mga kabatian ko sila ay hindi pa rin naman ako 'yung feeling close masyado.

"Ayan na si Sir!" Bahagya pang napapalakpak si Ma'am Janice sa labas.

Lumabas na si Ty sa revolving glass door na sobrang gwapo sa suot niyang white long sleeve na nakatuck-in sa dark blue niyang soft maong pants. Dagdag artistahin din sa kanya ang suot niyang wayfarers.

Diretso siyang naglakad palapit sa sasakyan namin at nag-iwas naman ako nang tingin. Feeling mo, Jorge, huh.

"You all set?" bungad pa niya kay Sir Martin.

"Yes, sir... Pero—" Alanganin pang napatingin si Sir Martin kay Ma'am Janice.

"Sir, 'di na po kami kasya sa sasakyan, puwede po bang—" singit naman din ni Ma'am Janice, pero hindi rin siya pinatapos ni Ty.

"Jordan, on my car." Huh? Ano raw?

"Sir?" Si Ma'am Janice na nalaglag lang ang panga sa narinig. Bastos pa rin talaga ang gago!

"Okay na po ako rito, Sir," pilit naman akong nagpaka-kaswal at nag-iwas nang tingin.

"On my car, Jordan," mas mariin pang sabi niya sabay baling kay Sir Martin na mukhang na-shock din sa narinig. "Mauna ang sasakyan ninyo, okay? Ingat kayo." Tinapik pa niya sa balikat si Sir Martin na napatango na lang. Hay naku, wala na naman siyang pakialam sa mundo talaga!

"E, Sir, baka puwedeng—" Si Ma'am Janice ulit, pero hindi na naman siya pinatapos ng gago!

"Si Jordan lang," pasupladong sagot lang niya at bahagya ko pang naaninag ang pagkunot ng kanyang noo. At kahit pa naka-wayfarers siya ay parang nase-sense kong ako ang tinititigan niya dahil hindi pa rin ako gumagalaw. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang kumalat ang tungkol sa aming dalawa. Bitbit pa rin talaga niya ang walang pakialam niyang ugali hanggang ngayon!

Kaya naman bumaba na rin ako ng sasakyan at kuntodo simangot naman si Ma'am Janice sa akin. Sayang naman at mukhang mega-effort pa siya para kay Ty. Parang beach yata ang punta ng isang 'to sa ikli ng short, e.

"Ano ba 'yan?! Ang sikip dito!" Padabog pang umakyat si Ma'am Janice sa sasakyan at kakamut-kamot naman ng ulo si Sir Martin na sumunod. Siraulo talaga! Sana kahit si Sir Martin isinabay man lang namin.

"Hurry up!" Senyas pa sa akin ni Ty na nasa tapat na ng Hummer niya. Ilan na kaya ang sasakyan niya ngayon?

Nang nasa tapat na ako ng sasakyan ay pinagbuksan na rin niya ako bago umikot sa may driver's seat.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon