Chapter 26.3.4

452K 7.7K 465
                                    

CHAPTER 26.3.4

JORDAN's POV (CONT.)

"I am wasted! I couldn't remember a single thing!" matigas na sabi niya at nag-alalang tumitig sa akin.

"Just because you couldn't remember anything, Ty, hindi mo na ako puwedeng mabuntis!"

"No way! No fucking way!"

"Tyrone!"

Sabay-sabay kaming napabaling nang tingin sa pinanggalingan ng boses. Isang may edad na lalaki ang galit na tumitig sa kanya kasunod ang magandang babae na tila kaedad ni Tita Ady. Parehas na nakakunot-noo din sina Tito Seb at Tita Ady na tila alam na ang nangyayari. "How dare you treat my grand daughter like that, huh?!"

Napatiim bagang si Ty at napakuyom ng mga palad. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinagud-hagod ang braso niyang halos maglitawan na ugat dala nang galit.

"Honey..." Agad pang niyakap nang magandang babae si Tiffany. Siya siguro ang Mommy niya dahil sa laki ng resemblance ng kanilang mga mukha. "Are you okay?" nag-aalalang tanong pa nito.

Umiling-iling lang si Tiffany at mas lalo pang nilakasan ang pag-iyak.

Napaismid lang si Ty at napaakbay lang sa akin. Wala naman siyang sinasabi pa, pero nakikita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

"You have to marry my granddaughter, Tyrone," ani pa noong matandang lalaki.

"E-excuse me?" Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Ty. "I am not marrying her!" may pinal sa tono ng kanyang salita.

"Matapos mong buntisin ang apo ko, ngayon, sasabihin mong ayaw mo siyang pakasalan?!" Alsa boses na rin ang matanda. Mas lalo lang napahigpit ang hawak ko kay Ty lalo pa nga't halos manginig ang kalamnan niya sa pinipigilang pagsabog sa galit.

"Whoa! Whoa! Whoa! Hold your horses, gentlemen!" Si Tito Seb na mabilis pang lumapit sa amin at hinarap ang matandang lalaki. "Son, please," pakiusap pa ni Tito Seb na bahagya pang umiling sa anak. May kahulugan ang kanyang paninitig na para bang sinasabing manahimik na lang muna at siya ang bahalang dumiskarte. Humugot siya nang isang malalim na buntong-hininga bago balingan ulit ang matanda.

"We'll take responsibility to the baby, but marriage isn't a solution," makahulugan pa niya kaming hinapyawan nang tingin.

"Anong ibig mong sabihin, Sebastian?! Hahayaan mong lumaki ang tiyan ng anak ko na walang asawa?!" 'Yung magandang babae na galit na galit na rin.

"I can never allow that, Sebastian!" Ang matandang lalaki ulit na halos manginig din nang husto sa galit. "Pakakasalan ni Tyrone ang apo ko!"

"You're too late for that. I am engaged to Jordan," inis na singit lang ni Ty at parang binuhusan nang malamig na tubig si Tiffany pati na rin ang Lolo at Mommy nito.

"W-what-?" Si Tiffany na agad pang nanginig ang boses.

"You're only engaged, Tyrone," nakangisi pang sabi n'ung matanda. "You're going to marry my granddaughter or else-"

"Are you threatening my son, Don Pablo?" mabilis na sabat din ni Tito Seb na kunot-noo na rin. Kuyom din ang kanyang palad na agad ding nagpaalarma kay Tita Ady. Mabilis nitong niyakap sa baywang ang asawang mukhang ubos na rin ang pasensya.

Tahimik ding pumaikot ang mga bodyguards na nakadistansya man ay mukhang anong oras ay sasaklolo sa kanilang mga amo.

"You can never scare me, Sebastian. I'll do anything for my granddaughter," pagbabanta pa nito.

"I'll do everything for my son, too. He doesn't love your granddaughter."

"We're not talking about love here. Our family's dignity is on the line. Tyrone needs to marry my daughter!" 'Yung magandang babae ulit na naiiyak na rin sa galit.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon