Chapter 9.3.4

688K 9.7K 706
                                    

#MahalKoAngJorTy

********

CHAPTER 9.3.4

TYRONE's POV (Continuation)

 

"Sabay pa talaga tayo sa kanila, huh?"

"Bakit? Tayo na ba?" Huh? Seryoso ba siya?

"Yes we are, Babe." Kumunot ako at padarag na napabangon. What the hell? Nagtatakang tinitigan ko siya sa mukha. "Are you still having doubts about us?"

Napatahimik lang siya sa tanong ko at agad na rumehistro ang pag-aalagan sa kanyang mukha.

"Are you having doubts, Jordan?" pag-uulit ko ulit nang tanong.

"K-kasi Ty..." Iwas pa siyang mapatingin sa akin. "Sigurado ka ba? I mean, alam mo naman na hindi ako nababagay sa'yo—"

"I really don't appreciate the way you look at your self, Jordan," naiiling ko pang sabi. I couldn't believe it.

"Alam mo, madali para sa'yo kasi mayaman ka. E, ako? Mahirap lang ako-"

"Enough of that, okay?" Jeez, pati ba naman ganoong bagay pinoproblema niya?

"Pero Ty—"

"I said enough, Jordan. Enough. I love you and that's all that matters to me."

Napayuko lang siya at tila ang lalim nang iniisip.

"Ikakahiya mo rin ako, Ty. Darating ang araw na mare-realized mo na hindi tayo bagay."

"You're pissing me off, do you know that?" naiinis ko pang sabi.

"Dahil iyon naman ang totoo!" Aba't talagang-?!

"I can't believe you!"

"Iyon ang masakit na katotohanan, Ty."

"No, it's not! And, I'll prove you're wrong!" Ugh! I couldn't believe she's so damn frustrating! At ang pinakanakakainis pa d'un, kahit gusto kong magalit ay hindi ko magawa. Ugh, fuck.

"Bumalik ka na sa kwarto mo, inaantok na ako," malamig pa niyang pagtataboy. Buong buhay ko, ngayon ko pa lang naranasang ipagtabuyan ng babae. Ngayon pa lang!

"I am staying here, Jordan. I am staying here with you."

"Matutulog na nga ako, okay?" Umirap siya at walang pakialam na nahiga.

"You must be kidding me-"

"Sleep now, Ty."

"Nagpapakipot ka ba sa akin?"

Ngumuso siya at sumimangot.

"Anong pakipot ba 'yang sinasabi mo?"

"We're officially a couple now, Jordan. Like my sister and Chance, we should be spending alone time with each other."

"I'm sleepy," tipid pa niyang sagot at nagkunwaring humikab. She thought I would buy that? Really? "Good night, Ty," pahabol pa niya bago tumagilid nang higa patalikod sa akin.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon