Chapter 27.1.4

468K 7.3K 402
                                    

Photo Edited by Bebe Jhane - Thanks bebe! mwaaaah!

********

CHAPTER 27.1.4

Jordan

Naging maayos naman ang mga sumunod na araw sa amin ni Ty. Kung malambing siya noon ay mas extra sweet siya ngayon. Minsan nga, gusto ko nang isipin na nananaginip lang ako dahil parang sobrang hindi na kapani-paniwala ang sobrang kalambingan niya. Ang komento ko lang at isa pang kahanga-hanga sa kanya ay wala siyang kapaguran sa bagay na 'yon. Kahit sa office ay talaga namang nagawa namin. At ako namang si gaga, payag naman nang payag kasi naman ang hirap niya tanggihan. Mahal ko, e. And yeah, gusto ko naman. Choosy pa ba ako?

Paminsan-minsan na ring pumupunta ang wedding coordinator matapos na makausap niya ang parents ko. Actually, wala naman kaming naging problema sa kanila dahil noong malaman pa lang nila na mayaman si Ty ay ipinagtutulakan na ako. Tsk, hindi man lang nagpakipot! Akala ko pa naman ay pagagalitan na ako sa biglaan kong desisyon, pero iyon pala mas excited pa sila sa pagpapakasal ko! Ay oo nga pala, ang akala pa rin nila ay galing ako abroad. Mas okay na ring gan'un na lang ang isipin nila kaysa sabihin kong dahil mismo kay Ty kaya ako nagpakalayu-layo.

May mga oras pa rin na pumupunta-punta si Tiffany sa office para magpasama sa check-up ng baby nila. At aaminin ko, nakakaramdam ako nang selos. Alam ko namang mahal na mahal ako ni Ty, pero ang katotohanang magkakaanak na sila ay nagbibigay nang alalahanin sa akin. Minsan naiisip ko rin na sana mabuntis na rin ako para hindi na niya pansinin pa ang babae na 'yun! Though, gan'un lang naman. Pagkaraan ay binabawi ko pa rin ang isiping iyon dahil alam kong mahirap para kay Tiffany na karguhin nang nag-iisa ang anak nila dahil walang nararamdaman si Ty para sa kanya.

Ngayon nga ay papunta kami nang buong family nila sa birthday umano noong business partner ni Tito Seb na soon to be my Dad na rin. Oh well, kahit pa ilang beses na niya akong sinabihan na Daddy na rin ang itawag ko sa kanya at Mommy naman kay Tita Ady ay naiilang pa rin ako. Sobrang yaman naman kasi nila.

"Fuck, dude! Is it true that you're getting married?!" Si Vaughn. Actually, according kay Ty ay ngayon lang daw ulit sila nakumpleto dahil ang tagal na panahon nila na hindi nagkikita.

"So?" Tinaasan lang siya ng kilay ni Ty sabay akbay sa akin.

"Who would have thought na kayo rin palang dalawa ang magkakatuluyan?" Si Terrence na bahagya pang kumindat sa akin. Sa totoo lang, ang gugwapo pa rin nila hanggang ngayon. At sa mga pagkakataong katulad ngayon, lahat ng mga mata ng mga babaeng nandoroon ay nakatuon sa aming lahat.

Hindi naman kumibo si Ty sa sinabing iyon ni Terrence at ibinaling ang tingin kay Dalton na noo'y may kau-kausap na babae.

"Who's the girl? Flavor of the day?" tanong pa ni Ty.

"The love of her life, bro." Si Chance ang sumagot sabay puwesto sa gilid ko.

"Huh?" Kumunot-noo si Ty at kahit ako man ay hindi makapaniwala. Ang isang playboy na katulad ni Dalton magkakaroon ng love life? Impossible!

"I told you, dude, they will be surprised!" Si Terrence na siniko pa si Vaughn sa tagiliran.

"Sabi ko nga!" Umismid si Vaughn na para bang hindi natutuwa sa pagka-inlove ni Dalton. "I still couldn't believe na seseryosohin niya ang babaeng 'yan, to think na anak lang siya ng katulong nila sa bahay!"

"No fucking way! Siya 'yung anak ni Yaya Paning, right? Ang secretary niya sa hacienda?" iiling-iling pa na sabi lang ni Ty. Kahit naman ako ay hindi makapaniwala lalo pa nga't anak pa ng Yaya ni Dalton?! Ang suwerte naman din namin talaga. Pero siguro nga ay wala nang mas suswerte pa sa akin. "No offense, Mahal ko," baling pa niya sa akin. "But knowing Dalton, never na na-inlove 'yan!"

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon