Chapter 1.2.2

872K 10.6K 559
                                    

CHAPTER 1.2.2

TYRONE's POV (Cont.)

After long hours of being stuck in the classroom sa wakas ay makakapag-break na rin kami. Lima kaming papunta sa school canteen. Mga barkada ko na rin sila n'ung freshman pa lang ako except for Chance na kababata ko.

"Dude, inantok na naman ako sa huling subject natin! Fuck! Dapat pinapalitan na gan'un katatandang prof!" Si Dalton. Ang womanizer ng barkada. Kahit yata posteng nakapalda papatulan niya.

"Sinabi mo pa, dude! Buti pa si Ma'am Liza, hugis coke ang katawan!" Si Vaughn. Certified womanizer din tulad ni Dalton. Pero kahit gan'un siya, stick to one lang siya. Stick to 1,000.

"Puro kayo manyakis!" Si Terrence. He's the average kind of guy. May pagkasuplado, pero habulin ng chics. "Hindi ninyo gayahin si Ty, good boy lang!" sabi pa ng loko sabay kindat sa akin. Hindi naman sa pagyayabang, ako na yata ang pinakahabulin ng babae sa aming lahat. Though lahat naman kami puro rich and good looking.

"Dalawa kami ni Ty, 'di ba, bro?" Si Chance. He's right. Kami na yata ang pinakatahimik sa aming lima. What I mean sa tahimik, seryosong mga tao lang kami, but we're not perfect either. May mga times na nagbibilang rin kami ng babae but not to the point na paasa. Kaya usually, hanggang fling lang talaga kami. At wala rin sa vocabulary namin ang mag-seryoso.

"Ewan ko sa inyo." Umiling-iling lang ako. Tinatamad talaga akong magpapasok dahil karamihan sa mga professors ko ay bookish lang. Iilan lang talaga sa mga subjects ko ang sinisipag akong pasukan dahil may natututunan talaga ako.

"Ty, nand'yan si Tarah." Si Terrence na bahagya pa akong siniko.

Napatingin ako sa babaeng papalapit at ngiting-ngiti sa akin. Oh yeah, Tarah. She's my current fling. Kaswal akong ngumiti, pero agad ding nagbawi nang tingin. Like I said, wala sa vocabulary ko ang magseryoso.

Pagpasok naming sa school canteen ay automatic ding may puwesto na kaming mauupuan. Popular kami sa campus dahil puro may sinasabi ang family namin sa lipunan. Agad naman din kaming nag-upuan at agad ring sumenyas si Dalton sa isa sa mga waitress. Mabilis ding nahagip ng mga mata ko si Tarah na papalapit sa kinakaupuan ko. I almost rolled my eyes.

"Someone's getting laid today..." Ang gagong si Vaughn at malakas pang umubo.

Sinamaan ko siya nang tingin at humalakhak lang ang gago!

"Mamayang gabi babawi ako!" Si Dalton. I'm pretty sure he will. Sa sobrang manyak ba naman. Hindi na natakot magkasakit. Puro sex na lang ang laman ng utak ng gagong 'to!

"Hi, Tyrone baby," malambing pang bati ni Tarah at agad pang pumulupot sa akin. Walang sabi-sabing hinalikan niya ako sa labi at mapang-akit na tumitig sa aking mukha.

"Hey..." Tipid akong ngumiti habang panay sarcastic na ngiti ang ibinibigay ng tropa sa akin. They are pretty aware na hindi ko naman gan'un kagusto si Tarah.

"Good afternoon po. May I take your order mga, sir?" What the fuck?! Jordan?! "Ty?! Hi!" abot hanggang tainga ang kanyang ngiti at pa-cute pang kumaway sa akin.

They all looked at me as if asking what-are-you-not-telling-us-bro-?.

"Jordan," seryosong ganting bati ko, pero binalewala na agad ang kanyang presensya.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon