Chapter 5.1.2

751K 9.9K 338
                                    

#MeetChanceDanielFord

********

CHAPTER 5.1.2

Jordan

Nababaliw na nga yata ako! Kagabi nang mahiga ako sa tabi ni Ty at naamoy ko na ang pamilyar na amoy niya ay automatic na nakatulog talaga ako. As in tulog! Ewan ko ba, ngayon ko lang naman naramdaman ang ganito. Dapat ko bang katakutan 'to? Nagkakagusto na ba ako sa kanya? Hay, Jordan! Sumosobra na ang pagka-ilusyonada mo!

Maaga akong nagising kaya para naman makabawi sa sobrang pang-aabalang ginagawa ko sa kanya ay ipinagluto ko siya nang umagahan. Nakita ko rin naman siyang kumain ng breakfast sa mansion nila, so I assumed maa-appreciate naman siguro niya 'to?

Tamang nagprito ako ng bacon at egg at nag-toast ng bread. Nag-brew din ako ng coffee kahit na nga sa totoo lang kay Cary ko lang natutunan 'yun. Sanay naman kasi ako sa 3-in-1 na nasa sachet. Walang masyadong hassle sa preparation. Mainit na tubig lang, talu-talo na!

After ko maigayak lahat ay nagpasya na rin akong maligo na muna dahil hindi pa rin nagigising si Ty. Gusto ko sana sumabay sa kanya papunta sa school nila kaya lang baka isipin niya masyado na akong abusado. Pero sayang din kasi ang pamasahe... Ako na talaga ang matino!

Nang makalabas ako sa shower ay namili ako ng damit sa closet. Mukhang kay Kirsten naman lahat ng mga damit d'un kasi wala namang naiiba sa style at brands. Kunsabagay, bakit naman magtatabi pa si Ty ng mga damit ng mga babaeng ikinakama niya. Gosh, nakakailang babae na kaya siya? Pero sa gwapo niyang 'yun, malabong mabakante siya. Ang active siguro ng sex life niya. Hindi ko naman masisisi anga mga babaeng iyon at mukhang ang sarap naman talaga niya.

Masarap talaga, Jorge?!

Nang makapagbihis na ako ay tsaka na lang ako lumabas ng kwarto. Sakto ring pagbukas ko ay pagbukas rin ng pintuan ng kwarto ni Ty. Naka-boxers lang siya at mukhang kakagaling lang din sa banyo. Tutulu-tulo pa ang tubig sa heat inducing abs niya. Tangna...

"Are you just drooling on me, Jordan?" Huh?! Bakit? Napatulala ba ako?

"Huh? A-ano bang pinagsasasabi m-mo!" Shit! Napiyok pa ako! "K-kain na!" My God, Jordan! Pigilan mo naman ang sarili mo sa paglalaway sa katawan niya!

"Sure!" At kahit nakasunod lang siya sa akin ay nakikini-kinita kong pinagmamasdan niya ako sa likod at natitiyak kong nakangiti siya! Hudyo namang lalaki 'to! Ano bang ginagawa mo sa sistema ko? Hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako nang ganoong kagandang katawan, pero bakit sa katawan niya, parang minamagneto ako! Haist! Landi alert kasi.

At ang gago, talagang hindi muna nagbihis. Nakasampay ang towel sa balikat niya nang maupo sa dining table.

"Lumamig na tuloy 'tong pagkain. Tagal mo kasing nagising." Ibinaba ko sa tapat niya ang brewed coffee. Kinuha ko na rin ang toasted bread na lumamig na rin. Tinanggal ko rin ang takip n'ung pinirito kong bacon and egg at naglagay ng plato at kutsara sa tapat niya at sa pupuwestuhan ko.

"Hindi ako nakatulog. Ang lakas mo kasi maghilik."

"Huh?! Hindi ako naghihilik, 'no!" Inirapan ko siya kahit na sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung naghihilik nga ba ako.

"Aish, ang lakas kaya! Umaangat ako sa bed sa lakas!" Humalakhak pa siya bago sumubo ng toasted bread.

"Sinungaling! Hmp!" Umirap ako, pero hindi ko na rin napigil ang mangiti. Ang sarap lang gumising kung palaging ganitong mukha ang makikita mo.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon