Chapter 10.3.4

683K 9.1K 648
                                    

#KantahangJorTyStyle

#MahalNaMahal

********

CHAPTER 10.3.4

Jordan

Grabe, ang pangit ko! Sobrang namamaga ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak. Ayoko na ma-inlove! Ayoko na! Hindi ko talaga nilabas si Ty kahit na nagmamakaawa siyang buksan ko ang pinto. Basta't ang alam ko lang ay nagpaalam na siyang aalis at mag-uusap pa raw kami. Bahala siya sa buhay niya! Tangna niya! Hmp!

At para maibaling ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay kahit pa ayaw ng katawan ko ay pinilit ko pa ring pumasok.

Buti na lang nang paglabas ko ng kwarto ay wala na sina Cary at Maxi. Gigimik daw sila. Gusto ko sanang sumama, pero wala akong pera. Nahihiya naman akong palagi na lang libre. Haist, Ang aga naman nilang umalis. Sana nalibre man lang ako sa pamasahe. Haist! Umandar na naman ang kakuriputan mo, Jorge!

Pagdating ko sa bar na pinagta-trabahuhan ko ay agad na talaga akong nagpaka-busy sa trabaho. Mainam na 'tong magpagod para hindi ko maisip si Tyrone. Shit. Ayan nga at kakaisip ko lang! Tangna naman, oh.

Mga around ten o'clock na noon nang halos dumagsa na ang mga customer. Nakakaramdam na ako nang hilo dahil hindi pa nga pala ako naghahapunan. Bakit ba nakalimutan kong kumain?! Tanga!

"Ehermm, Good evening everyone." Shit! Kilala ko ang boses na 'yun!

Narinig ko ang tilian na ewan ko kung puro babae kasi kahit sa lalaki yata may napatili?! Huh?

Tamang paglingon ko sa stage ay nakita ko si Ty na nasa gitna at nakaupo na may hawak na gitara. Nakatapat din sa kanya ang spotlight kaya naman kitang-kita ang sobrang kagwapuhan niya. Anong ginagawa niya d'un?

"Jordan, please come out. Please," sabi pa niya habang iginagala ang paningin niya. OMG, anong ginagawa niya?!

May tumulak sa akin sa likod at nang lingunin ko iyon ay ang mukha nang nakangisi kong pinsan ang nakita ko.

"Ano 'to?" naguguluhang tanong ko pa habang panay pa rin ang tulak niya sa akin papunta sa may stage.

"Mahal na mahal ka ng Mahal mo. Pagbigyan mo na!" nanunukso pang sabi niya at nang nasa harapan na ako ni Ty ay tsaka lang siya umalis sa likuran ko.

"A-ano bang ginagawa mo, Ty?!" mahinang sita ko pa sa kanya kahit na sa totoo lang ay nag-iinit na ang aking pisngi sa mga titig ng mga taong nasa paligid naming. Naririnig ko pa rin ang mga impit na sigaw na nanggagaling sa bawat sulok ng bar. Shit. Ano ba talagang nangyayari?!

"I'm sorry, Mahal ko. I am really sorry," malambing pang sabi niya at malagkit na tumitig sa akin. Kung papaano marahil ang pamumula ko ay gan'un din siya. Paminsang nakakagat pa niya ang kanyang labi na para bang hiyang-hiya na nasa stage siya.

"Bumaba ka nga diyan!" Hindi ko mapigilan ang mapapadyak sa damdaming hindi ko kayang ipaliwanag. Nahihiya ako, na kinikilig, na gusto kong maiyak at matae rin at the same time! Pakiramdam ko malulusaw ako sa titig ng mga tao sa akin!

"I love you, Jordan. I don't think I will be able to do this again. Kaya sana, please, give me a chance to explain myself."

"Oo na! Oo na! Bumaba ka na diyan!" taranta pang sabi ko at nagsisimula nang sumabog ang aking ovaries. Sobrang hiyang-hiya na ako sa atensyong nakukuha naming dalawa.

"Nandito na 'to. I'll just prove to you na sincere ako sa'yo. So, you don't have to doubt me."

"Woooooooh! Go, Kuya!" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingnan ng boses. Agad naming nakita si Kirsten kasama si Chance na nakataas ang cellphone at mukhang kumuha ng video.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon