Special Greene Chapter

532K 9.6K 941
                                    

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE

SPECIAL CHAPTER

Tyrone

It was a lovely day.

Matapos ang dalawang linggong pagkawala ko galing business trip ay ito na ang chance kong makasama ang aking pamilya. God, I missed my wife and my kids. Ang hirap na ring malayo talaga sa kanila nang matagal.

"Pagod ka pa rin?" tanong pa ng aking minamahal na asawa na mataman pang nakatitig sa akin.

"Yeah..." Pilyo akong ngumiti at hinila siya para kandungin. Kasalukuyan kaming nasa harapan ng dining table together with my four lovely kids. "Pinagod mo kasi ako kagabi," mahinang bulong ko pa at nakangiting sinapak niya ako sa braso.

Napahalakhak ako at nakangiti namang nakatitig sa amin ang aming mga anak.

"Are you going to work again, Daddy?" tanong pa ni Jenaia Trisha, ang aming bunso na noo'y nagsisimula nang kumain at puno na ng mumo ang paligid ng kanyang bibig.

"No, baby. Daddy will play with you guys today. Isn't cool?" Kinindatan ko siya at tila masayang-masaya siya sa narinig na sagot ko.

"Of course, it's cool, Daddy. We missed you. Mommy is too clumsy," sabat pa ng aking pangalawa, si Jorge Theodore. My exact replica.

"Oh, really?" Tinapunan ko pa nang tingin ang aking asawa na ngumuso lang at kunwari ay umirap.

"Pagod lang si Mommy, JT. Si Daddy mo kasi boy at ako naman ay girl. Hindi ako katulad ninyo na kaya pang maglaro nang matagal," sabi pa niya sabay iniikot ang kanyang kamay sa aking balikat. Oh damn, I definitely missed her scent.

"But she cooks really well now." Ang aming panganay, Jaslyn Tynie. "Nag-aral siya noong wala ka, Daddy."

"Yeah? And how is she now?" Kumunot ako at pigil naman ang kanyang tawa.

"Well, I love you Mom." Nagpeace sign pa siya at agad namang nagdumilat ang aking asawa. "Muntik lang naman niyang sunugin ang ating bahay, Daddy."

Nagtawanan sila nang malakas at napatanga lang ako sa kanila.

"W-what?" Lalong kumunot ang aking noo kay Jordan na noon ay pulang-pula ang pisngi. "Why didn't you tell me?"

"Tynie, ang OA, huh." Umirap lang siya sa aming panganay na panay pa rin ang tawa. Sa lahat yata ay siya ang nakakuha nang pagiging playful ni Jordan.

"I was just kidding, Mom. I mean she almost burned the kitchen. Just the kitchen, is that right, Thayne?"

"Ate is right. Just the kitchen. Not the entire house, Daddy." Si Jason Thayne, ang aking pangatlo na pinaghalong hitsura naman namin ni Jordan.

"Salbahe kayo, huh, pinagtutulungan n'yo ako!" Si Jordan na mas lalong ngumuso at pinagbantaan nang tingin ang aming mga anak. Halos isang taon lang din ang pagitan nila maliban kay Jenaia na 3 years old pa lang at medyo nahiwalay nang kaunti ang edad sa kanilang magkakapatid.

"Mahal ko, what is it you're not telling me?" sita ko pa sa asawa ko na umiling-iling lang.

"We're just playing on Mom, Dad." Si JT. "Nagpa-practice lang siya magluto for you. Hindi lang maganda ang amoy dahil parang palaging sunog," natatawang sabi pa niya habang panay pa rin naman ang kain.

"Bad, JT." Nakangiting pinandilatan pa niya ang aming anak.

Napailing lang ako sa kanilang harutan at wala pa sa loob kong hinalikan nang mariin sa leeg ang aking asawa na bahagya pang napaiwas dahil sa kiliti.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon