Chapter 13.2.2

537K 7.5K 403
                                    

#CBTG

#JorTy

#IntimateMomentOfJorTy  - - > inaantay nyo ba 'to? wahahahaha

********

CHAPTER 13.2.2

Tyrone

I didn't know that my Jordan can actually sing... Wow. Her voice was just way too amazing. Wow. Just wow...

And the fact that she serenaded me just to forgive her was just amazing. She loves me. How can't I be so happy about that? She's so in love with me as much as I am in love with her.

Kanina pa ako hindi mapakali rito sa parking lot kakahintay sa kanya. I just wanted to kiss her and hug her. Damn. Para akong bata! Akala ko pambabae lang ang kilig, but then I think I was so fucking wrong. Fuck, Ty. You're crazy!

Hindi naman nagtagal ay natanawan ko na siyang papalapit sa akin. Nasalubong ko kaagad ang matamis niyang ngiti habang kagat ang kanyang labi. She's the most beautiful woman I'd ever seen.

"Hello, Mahal ko." Ako rin naman ang unang bumati.

"Hello, Mahal ko," Nahihiyang sagot din naman niya.

Nang tuluyan siyang makalapit ay wala na akong inaksayang panahon at mabilis ko siyang ikinulong sa aking bisig. Iniikot niya ang kanyang mga kamay sa aking baywang na may katumbas ding higpit.

"Mas lalo akong na-inlove sa'yo nang kantahan mo ako kanina. Mas maganda ang rendition mo ng Mahal na Mahal," bulong ko pa at natawa naman siya.

"Masyado! Ang galing mo rin kaya noon." Bahagya pa niya akong tinapik sa likod.

"Well, kanta mo naman sa akin 'yun, 'di ba?"

"Oo, para sa'yo lang 'yun."

"Then..." Bahagya ko muna siyang pinawalan sa yakap ko at sa halip ay ikinulong ko ang kanyang magkabilang pisngi sa aking mga palad. "It's our song. You'll always be the person I'll remember with that song."

"Akala ko ba nababaduyan ka?"

"Well, at first yeah... baduy!" Nagkamot ako ng ulo at natawa naman siya. "Pero noong kinanta ko and now na kinanta mo pa... It's not really that bad. It suited how I felt about you."

"How we felt about each other," pagtatama pa niya.

"Hmm..." Tumangu-tango ako at mataman pa ring tumitig sa kanyang mga mata. "I've never felt like this with anyone, Jordan. I am so in love with you. Please, don't ever doubt me again."

"I promise..."

"Good."

Walang pasubaling sinakop ko ang kanyang labi at marahang hinalikan. Hindi ko rin naman pinagtagal ang paghalik dahil alam kong hindi siya ganoon ka-komportableng hinahalikan sa pampublikong lugar.

"We need to go."

"S-sige..."

"Fuck, Mahal ko... I wanted to kiss you hard, but I'm afraid ma-upload tayo sa internet sites nang wala sa oras kapag hindi ko pinigilan ang sarili ko."

"Huh?" Mabilis niyang iginala ang tingin sa paligid. May mga usyoso. Kung wala lang hinding-hindi ko pawawalan nang mabilis ang labi niya.

"C'mon, let's go."

I just wanted to get out of here and be alone with her. And yeah, may surprise nga pala ako sa kanya. I hope I'll be able to sweep her off her feet.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon