Author's Note

390K 5.9K 1K
                                    

My Dear Readers/ Haters/ Detractors,

Una po sa lahat, ako na ang humihingi ng paumanhin sa mga supporters ko na nakapagsalita ng hindi maganda sa comments sa latest UD.  Nasasaktan lang din po sila para sa akin.  And I want to thank you guys so much for trying to defend me.  I really appreciate it.  You know who you are.  Thank you.  And I love you so much.

Humihingi rin po ako ng paumanhin sa mga readers kong nakabasa ng aking topak kahapon.  LOL XD.  Hormonal thingy.  I guess every girl in here can relate.  Hindi naman po talaga ako palasagot sa mga ganung comments.  Pero may mga comments po na masakit.  Below the belt ang tira.  May PM naman sana at dun tayo nagbuno noh? LOL XD

Like Ii said, a lot of times, sana kasi nagbabasa ng author's note, CBTG is not as serious like LSG.  Complicated  talaga ang plot ng LSG dahil sa pinagdaanan ni Seb.  At may early warning na ako umpisa pa lang na light story lang ang CBTG since it was 'LARO-LARO'.  This simple word na laro-laro na ginagawa nyo pang big deal eh sa iyon naman talaga ang naging dating sa akin.  Naging mabilis lang ang paggawa ko sa CBTG dahil sa good feel plot lang niya.  Pati ba naman yun big deal pa sa inyo?  May magagawa ba ako kung talagang parang laro ko lang na isinulat ang CBTG?  Pati ba dapat maramdaman ko may control din kayo? 

At para po sa info ng lahat, halos nasa ending na ako ng CBTG ng makatanggap ako ng alok galing sa publisher na gusto nilang i-publish in print ang LSG.  Meaning to say, never akong umasa ng kahit ano sa pagsulat ko dahil maligaya naman akong nagsusulat lang ng WALANG BAYAD.  At naisulat ko ang CBTG dahil sa dami ng reads ng LSG. 

Nagbabasa na nga kayo ng libre lalaitin nyo pa yung otor?  Kaunting consideration naman dyan!  Dahil unang-una, walang namilit sa inyong magbasa kayo!  And it wont kill if you will just shut your mouth!  Pinababasa ko po kayo ng libre hindi para bigyan kayo ng karapatang saktan ang damdamin ko.  Oh well, may mga tao lang talagang walang kasiyahan sa buhay at wala na po akong magagawa dun.  Paalala lang, HINDI NAKAKAMATAY KUNG MAGIGING MABUTI KAYO SA KAPWA NYO.  Kung paano nyo husgahan ang isang tao, that says a lot about YOU.  At para matigil ang negativity na yan, why not try to say something good instead of offensive and disappointing words.  Lift people up and don't pull them down. 

Ang daming magagaling pong writers dito sa WATTY.  Tantanan nyo po ang pagbabasa sa CBTG kung hindi kayo satisfied.  Dahil nagsusulat po ako para sa sarili ko at hindi para y please kayo.  Wala po akong balak mag-artista kahit may kumukuha LOL XD.  (O mababash na naman ako sa simpleng joke na yan bwahahaha!).  

Like seriously people, bakit hindi nyo na lang damhin yung good feel na dala ng CBTG sa inyo?  Yung sarap ng pakiramdam ng pagkakasulat nito ang gusto kong maramdaman ninyo.  Yung gaan ng pakiramdam.  Yung mapapangiti kayo.  Yung maiinlove.  Na kahit paano sa CBTG makaalis kayo sa stress ng buhay sa REAL WORLD.

Simple at predictable ang plot ng CBTG.  CLICHE ika nyo nga.  Pero lahat naman ng story dito cliche ah?  What makes a story stands out eh dahil sa puso ng story.  Kung paano ito nabuo at gumanda sa kabila ng pagiging simple niya.  Like I said ulit, umpisa pa lang, LIGHT lang ang story ng CBTG.  Kung gusto nyo po pala ng mabibigat na plot, eh nasa maling pahina po kayo!  Hindi ko po forte ang mabibigat na plot dahil dun lang ako sa SIMPLE.  SA MAGAAN.  At kung iba-bash nyo pa rin ako sa pagiging simple ko, wala na akong magagawa.  I've been very honest with you at iyon ako.  Ang LSG nagkataong mabigat talaga ang plot at nahirapan ako dun.  Hindi naman pupuwedeng ang pinagdaanan ni Seb eh magaya kay Ty!  Sus!  Common Sense!  Magkaiba sila! 

At since mukhang alam nyo na ang patutunguhan ng CBTG, gusto nyo bang tantanan ko na rin ang posting nito?  Sabihin nyo lang hahaha!  Kasi sa totoo lang, may publisher at readers naman ang nagtitiwala sa kakayahan ko, hindi ko kailangang pahirapan ang sarili ko kakapost dito para lang laitin ng kahit na sino.  Dati na akong nagsusulat at parte na po ng buhay ko 'to.

Kung nasaktan man ang iba sa mga sinabi ko.  SORRY po.  Pero tao lang ako, marunong din masaktan.  Humihingi ako ng paumanhin sa mga nasagot ko sa comment box at inbox.  Malakas ang topak ko kahapon at magpahanggang ngayon.  So yun!

Mga Anghel Kong May Sungay, wag nyo na po ako alalahanin okay?  Keribels ko lang 'to.  Ayokong nang-aaway kayo para sa akin.  Plittth?  Hindi nyo kailangan patunayan ang sarili nyo sa akin dahil the moment na pumasok kayo ng bahay ko at ipinakita nyo ang suporta at pagmamahal nyo sa akin, minahal ko na rin kayo.  Tahimik na okey?  Nailabas ko na, so okey na ako.

Ingat po sa lahat!  I will be very busy on Thursday at nasa Malolos, Bulacan po ako nun.  When ang resume ng CBTG?  Itutuloy pa ba?  Hahaha!  May conclusions naman na kayo, baka madami pa madisappoint ko hahaha.  Sa lahat kasi ng ayaw ko eh yung makakasira ako ng araw nila hahaha.  Dapat mapangiti ko kayo at hindi mabadtrip lol.  Bahala na si Batman, Superman at Iron Man.   

I love you my angels and supportive readers.  Pati na rin haters at detractors, okey lang yan.  Kaligayahan nyo yan. Sana napaligaya ko kayo nung laitin nyo ako lol XD.

Love,

Ate Mommy Dean

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon