Chapter 17.1.2

508K 7.4K 174
                                    

CHAPTER 17.1.2

Jordan

Pagkagising ko ay ang hirap na tanggalin nang ngiti sa labi ko. Paano naman kasi, ang manyak ng mahal ko! Hindi ako nilubayan hangga't hindi na naman siya nakaka-score sa akin bago matulog. Nahihiya ako kasi naman nakadalawang beses siya kahapon. Naiintindihan ko naman siya kasi nakakaadik din pala ang ganoong pakiramdam. Shit. Ang manyak ko na rin yata para isipin 'yun and to think ako pa talaga ang nagyaya sa kanya noong una. Buti na lang ang laki ng bahay nila at wala naman sigurong makakapansin sa pagpasok niya sa kwarto ko kagabi. Nakakahiya pa rin kasi sa parents niya at dito pa talaga kami gumawa ng milagro ng anak nila.

Ang hirap naman kasi tanggihan ng loko. Nakakaadik din siya nang sobra! Haist! Huwag naman sana ako mabuntis kaagad dahil mukhang wala siyang balak gumamit ng proteksyon. Hindi rin kaya siya gumagamit ng protection noon sa ibang babaeng ikinakama niya? Naiisip ko pa lang ay gusto nang madurog ng puso ko sa selos. How I wish ako lang din ang una niya. Ako na lang sana.

Halos maghapong naging abala sa mansion dahil sa preparations sa birthday ni Ty. Kung ano ang dami ng mga tao, gan'un din yata ang naging dami ng security nila. Kung sabagay, sikat na tao ang Daddy niya at hindi na ako magtataka kung pagsapit nang gabi ay ma-triple pa.

"Mahal ko!" Bahagya akong napaigtad nang bigla niya akong niyakap mula sa aking likuran. Kasalukuyan kaming nasa veranda ng mansion at pinapanood ang mga nagde-decorate sa garden nila. "You smell so good..." Halos manindig ang balahibo ko sa kanyang ginawang pagkagat sa punong tainga ko. Hindi ko alam kung ilang boltahe ng kuryente ang gumapang sa buong katawan ko.

"Ty, makita tayo ng Mommy mo!" Agad rin naman akong kumawala sa yakap niya, pero hindi niya ako pinakawalan at sa halip ay humalakhak lang nang malakas.

"You don't need to worry about my Mom. She loves you," malambing pang aniya sabay banayad na hinalikan ako sa pisngi.

"Maski na. Nakakahiya pa rin na masyado kang close."

"Close, huh? Ayaw mo ba?" Bahagya pa siyang kumunot at umarteng parang nagtatampo.

"Kontrolin mo lang ang sarili mo kapag nandito sila. Nakakahiya pa rin kasi." Hinaplus-haplos ko ang kanyang pisngi at ngumuso naman siya.

"When I'm loving you, I'm loving you. Nobody gets in my way, Mahal ko," seryosong sabi niya sabay baling nang tingin sa mga taong nasa ibaba.

Hindi na ako kumibo dahil alam ko namang hindi ako mananalo sa kanya. Pero hopeful ako na maintindihan niya ang side ko. Or iniintindi man lang kaya niya?

"Tiff will be here tonight." Huh? Sino raw?

"So?"

"She will be a little—well, too clingy." Bahagya pa siyang tumagilid para matitigan ang mukha ko.

"Oh-kay..."

"Just stay by my side and don't ever let me go like this." Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin at ipinatong ang mukha niya sa aking balikat.

"As if puwede kong gawin 'yan sa'yo sa harap ng mga bisita mo." Umiling-iling lang ako.

"Yes, you can. That's why I'm telling you, Mahal ko." Matamis siyang ngumiti at mabilis akong kinudlitan nang halik sa labi. Agad tuloy akong napalinga sa paligid sa pag-aalalang may ibang tao nakakita sa aming paglalandian. Hindi talaga mapigilan ang isang 'to!

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon