Chapter 27.4.4

441K 7.8K 443
                                    

CHAPTER 27.4.4

TYRONE's POV (CONT.)

Hindi naman din nagtagal ay nakarating kami sa isang kwarto at naabutan namin doon sina Dad at Mom pati na rin si Don Pablo, Tita Sam at 'yung asawa yata 'yun. And of course si Tiffany. I fucking hate this day!

"Nandito na pala ang magaling mong anak!" Si Don Pablo na sobrang talim pa nang titig sa akin.

"Son..." Si Dad na nag-alala pang lumapit sa akin at pinisil ang aking balikat. "Let me handle this, okay? Umalis na kayo ni Jordan."

"I think it will be better if your son is here, Sebastian," sarcastic pang sabi ni Tita Samantha.

"I'll be okay, Dad." Tinanguan ko si Dad at nag-alala pa rin siyang tumingin kay Jordan.

"Okay..." Bumuntong-hininga siya at tumango.

Noon na kami tuluyang lumapit sa kinalalagyan nina Don Pablo habang mahigpit kong hawak sa kamay si Jordan na obviously ay nanlalamig.

"I did warn you to be cooperative, Tyrone, pero ang ipahiya ang apo ko sa harap ng mga kamag-anakan naming, that's too much!" galit na bungad pa niya.

"I've been very honest with you, Don Pablo. I am engaged with Jordan. And this marriage with Tiffany is not going to happen."

Nag-igting ang panga ni Don Pablo at kuyom ang palad na mas lumapit sa akin.

"Ang yabang mo na, huh! Anong ipinagmamalaki mo? Ang yaman ng Daddy mo?!"

"Hey! Hey!" Si Daddy na agad pang pumagitna sa amin. Kalmado pa rin siya at para bang hindi man lang nasisindak kay Don Pablo. "Please, Don Pablo. May I remind you that Tyrone is my son. So, please," mariin pang pakiusap niya.

"No, Sebastian. I am pulling out every share I have in your company. Everything."

"You're not being fair, Don Pablo!" galit na singit ko ulit.

Nakita ko ang alarmang mukha ni Tiffany na napahawak din sa braso ng Mommy niya.

"Ty, please..." pakiusap pa ni Daddy sa akin at bahagyang umiling.

"Pero Dad—"

"Please, son." Umiling-iling siya sa akin at muling hinarap si Don Pablo with all his authoritative voice. Ni wala man lang bakas ng annoyance sa kanyang mukha. He's so good in everything. "Okay, sir, if that is what you want."

"No, Dad. Please let me speak!" Tinapik ko si Dad sa balikat at bahagya pa siyang napakunot-noo sa akin. "Please, Dad. Let me just say something. I'm cool. Don't worry."

He took a deep sighed before he even nodded and stepped backwards to give me a little space to face Don Pablo.

"Pakakasalan ko po si Tiffany only after she undergo DNA testing."

"Ty!" Si Dad na hindi pa makapaniwala sa sinabi ko. Oh, pretending na hindi makapaniwala would be the right term. Napalapit din nang husto si Mommy sa akin at kumapit sa aking libreng braso.

"Sweetheart, please..." nag-aalala pang sabi niya and her eyes misty.

"I know what I'm doing, Mom. Don't worry," assurance ko pa sa kanya.

Saglit din akong tumitig kay Jordan na umiiyak na rin at mariing kagat ang kanyang labi.

"Mahal ko..." Pilit ko pang iniangat ang kanyang mukha at matamang tinitigan. "Trust me on this. Please don't cry."

Hindi naman siya nagsalita at tumango lang. Mahigpit ko pa ring hawak ang kanyang kamay at naramdaman ko ang mas lalong pagdikit niya sa aking katawan.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon