Chapter 6.2.2

726K 9.7K 532
                                    

#TyIsJealous  #AngJorTyNiTyrone

********

CHAPTER 6.2.2

TYRONE's POV (Continuation)

     

Nang makalabas kami nang tuluyan sa condo unit ay agad na rin kaming sumakay sa elevator pababa sa parking area. Nang mapagawi ang tingin ko sa kanyang suot ay napakamot na lang ako ng ulo. Shit. Ang nipis na pala nang pantulog niya. Saglit kong ibinaba ang bag at hinubad ang aking jacket. Ibinalabal ko agad 'yun sa kanya at napangiti naman siya sa ginawa ko.

"Ang sweet naman..." Kinagat niya ang kanyang labi na para bang nagpipigil nang ngiti.

"Kinilig ka naman." I smirked.

"Hindi, 'no! Sa sungit mo na 'yan!" Ngumuso siya at agad pang inamoy ang jacket ko. "Namimiss ko 'tong amoy, Ty."

"God, Jordan! Stop doing that! You're freaking me out!" may panermon pang himig ko sabay kunot-noo. But of course, I did not mean that. Actually now, natutuwa ako na gusto niya ang amoy ko. I wonder kung gusto rin kaya niya ang amoy ni Chance?

"Ang bango mo kasi..."

"What about Chance? Hindi ba siya mabango?" Hmm, curiousity kills the cat, Ty. Are you ready?

"Mabango," tipid na sagot lang niya. "Magkaiba naman kayo nang bango."

"Sa gwapo. Sino ang mas gwapo?"

"Magkaiba din kayo nang kagwapuhan pero mas mabait siya kaysa sa'yo," taas kilay pa niyang sabi sabay irap. I was expecting that.

"I did not ask kung sino ang mas mabait, Jordan. Minsan kung ano lang ang tanong iyon lang ang sasagutin mo," masungit pang sabi ko.

"See? Ang sungit mo!" Ngumuso lang ulit siya at umirap-irap.

Hindi naman nagtagal ay nagbukas na ang elevator sa parking area. Wala na rin naman akong inaksayang panahon at nag-drive na pauwi sa condo. I am really tired. Buti na lang at kahit naparami ako nang inom ay hindi ako tinamaan nang husto.

Halos fifteen minutes ko lang minaneho ang papunta sa condo unit. Madalang na madalang na rin kasi ang sasakyan sa oras na iyon. And yeah, inaantok na talaga ako.

Kaya naman nang makapasok ako sa unit ay sa comfort room na agad ako nagdiretso para magshower saglit. Pero pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Jordan na nakahiga na sa bed ko. God, I cant believe her! Hindi ba niya nalalaman na torture ang ginagawa niya sa akin?! It's been a while since the last time I had sex. And, having a woman on my bed, it was so fucking hard not to think about sex!

"Go back to your bed, Jordan," masungit pang sabi ko.

"Dito ako matutulog. Good night," nakangising sagot sabay nagtalukbong na kaagad ng kumot. She's driving me insane! Ugh!

"I can't believe you." Napabuntong-hininga na lang ako.

"Sleep, Ty," mahinang sabi pa niya habang nakasilip sa kumot.

Napailing ako at tumabi na nga lang sa kanya. For sure, kung makikita kami ni Cary ay iisipin noon na pinagsasamantalahan ko na ang pinsan niya. Baka maging lalaki 'yun nang wala sa oras at manuntok na lang.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon