Chapter 1.1.2

906K 11.2K 351
                                    

Photo Edited by Leizel Regis Latras  Thanks bebe!

********

CHAPTER 1.1.2          


Jordan

"What the fuck?!"

"Huh?! Ano?! Bakit?! Anong nangyari?!" Aish! Grabe ang kabog ng puso ko! Ano bang problema nitong si Ty?! Bigla na lang sumisigaw! Panira nang tulog!

"Damn it! Tumabi ka talaga sa akin?!" Ang OA! Akala ko naman kung ano na!

"Ginising mo ako para lang d'yan?!" Inis pa akong umirap. Istorbo sa tulog! Badtrip 'tong bading na 'to!

"Nangyakap ka pa talaga?!" Nakita kong bumaba ang tingin niya sa dibdib ko at sa exposed kong legs. Jeez... Naco-concious ba siya sa hitsura ko? Insecure gay! Hmp!

"Sorry naman! Tulog nga, eh. Sus, ang arte!" Umirap ako bago humiga muna ulit. Maaga pa naman para sa raket ko sa school. Hihirit pa ako nang isang oras! "Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka,okay?! 'Wag mo akong iistorbohin parang awa mo na!"

"You're unbelievable!" Ang arte talaga! Mas maarte pa siya kay Cary, e! Kunsabagay mukhang sosyal itong si Ty. Ang dalas din kasi niya magsalita ng English at hindi trying hard. Para bang kinalakihan talaga niya ang language na 'yun. Dugo ilong ko, beshie.

Nagdadabog na lumabas siya ng kwarto habang may kung anong ibinubusa. Buti naman at inaantok pa talaga ako.

Halos isang oras din ang inihirit kong tulog. Sa banyo na rin ako kaagad nagdiretso para magising ang diwa ko. Nine o'clock kasi ang raket ko sa school. May isang oras at kalahati pa ako para gumayak.

After ko maligo ay ibinalot ko muna ulit ang sarili ko sa long sleeve ni Tyrone. Magluluto pa kasi ako at sayang naman ang bagong damit at baka madumihan pa sa pagkain ko ng breakfast.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan kong natutulog si Tyrone sa sofa. Sus! Matutulog pa pala, nang-abala pa kanina! Aish! Ang arte-arte! Hmp!

Pero hindi pa naman ako nagtatagal sa pagsasangag ng kanin ay nakita ko na siyang bumangon. Tangna, ang gwapo lang talaga! Kahit pa gulu-gulo yung buhok niya, sobrang gwapo pa rin! Sa tingin ko ay best asset niya ang kanyang mga mata. Sobrang ganda! Ang hahaba ng pilik at sobrang pungay. Para bang palaging inaantok, gan'un. Ang tangus-tangos din ng kanyang ilong at ang lips, mukhang ang sarap halikan! Sayang talaga! Sayang at babae din ang type niya! Haist!

"Good morning!" masayang bati ko naman. "Ligo ka muna then sabay na tayong magbreakfast!"

Hindi naman siya kumibo sa sinabi ko at nagdiretso lang sa kwarto. Supladong bading! Buti na lang at sanay ako sa ganoong tantrums ni Cary. Matagal ko rin kasi siyang nakasama sa probinsya noon at talagang sobrang moody din talaga lalo na kapag namuroblema sa boylet niya.

Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na rin si Tyrone na naka-school uniform. Huh?! Same school lang pala sila ni Cary?

"Breakfast ka muna, Ty," invite ko pa.

Bahagya pa siyang napakunot-noo sa akin pero lumapit rin naman sa kinakalagyan ko.

"What is that?" Usisa pa niya sa niluto ko. Actually, typical breakfast lang naman 'to. Sinangag, ham at itlog. Nothing special ika nga.

"Simple lang. Wala naman ng laman ang ref ni Cary. Upo ka na!" Nanguna na ako sa pag-upo. Kailangan ko na rin magmadali at baka mahuli pa ako sa trabaho.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon