Chapter 15.2.3

517K 7.5K 224
                                    

Chapter 15.2.3

TYRONE's POV (Cont.)

Naglakad kami papunta sa parking lot habang mahigpit kong hawak ang kamay niya. Sa totoo lang ay mukhang tama ang mga gunggong! Si Jordan nga lang yata ang gamot ko at medyo nawala ang sakit ng ulo ko.

"Are you sure you really want to go with me?" paniniguro ko pa.

"Kawawa ka naman kasi, palagi kang napupuyat nang dahil sa akin. Ano ba ang isang araw na 'di ko pagpasok, 'di ba?"

"Hmm, that's so sweet of you, huh? Anong nakain mo at ipapakain ko ulit lahat sa'yo. Sosobrahan ko pa!" natatawang biro ko pa.

Tamang umirap lang siya at ngumuso sa akin. Saglit kaming napahinto sa tapat ng aking sasakyan at walang pasabing niyakap niya ako nang sobrang higpit.

"I'm sorry kung pinapahirapan kita," bulong pa niya.

Malakas ang hangin at halos liparin na ang buhok niya sa mukha ko. But I really don't mind, because the scent of her hair was just so good.

"Minsan lang naman akong matulog sa sofa."

"N-no... it's not that-" Naramdaman ko ang pag-iling niya at mas humigpit lang ang yakap niya sa akin. Oh, I think I knew what's bugging her.

"Hmm..." Saglit ko siyang inilayo sa akin para titigan sa mukha. "Look, Mahal ko. Don't apologize for that, okay?"

"Pero kasi—" Hinawakan ko lang ang kanyang labi niya at marahang hinaplos iyon.

"Just don't say a word. I can wait, hmm?" Kinindatan ko siya at marahan naman siyang tumango. "But please do me a favor, okay? Whenever we're alone, don't come near me." And, I fucking meant that.

"Seryoso ka ba d'yan?" Alanganin pa siyang napangiti sa akin.

"Yes, Mahal ko. I am dead serious." I deeply sighed and pulled her closer again. "Mahirap na baka hindi ako makapagpigil." Kinagat ko ang aking labi at napahagikhik naman siya.

"Manyak nito," nakangiting sabi pa niya.

"Honest lang ako." Ngumuso ako dahil sa totoo lang ay gusto ko na siyang halikan ngayon. "Can I just kiss you right here, right now?"

"Huh?" Alanganin pa niyang iginala ang tingin sa paligid. "Baka may makakita..."

"It's a safe zone for both of us, Mahal ko. Kapag nasa close room tayo, mas delikado ka." Hindi ko na rin napigilan ang matawa. E, sa iyon naman ang totoo d'un.

"Sure ka ba d'yan? Baka i-report ka sa Dean's office sa pub—"

Hindi ko na siya pinatapos at agad ko siyang hinalikan sa labi. I justed want to kiss and kiss and kiss her! Hinawakan ko siya sa leeg para palalimin ang halikan naming dalawa. Mariin, pero maingat kong ibinuka ang kanyang labi. This is not good, Ty! Mukhang kahit nasa pampublikong lugar kami ay 'di ko pa rin mapigilan ang sarili ko. What the hell happened to me?! Hindi naman ako naging ganito kasabik sa babae. Si Jordan pa lang ang nagparamdam sa akin nang ganitong pagkagusto. Pagkahumaling would probably be the best word that would describe how I felt. At kahit halik pa lang, fuck, nababaliw na ako!

"Get a room, Kuya!"

Napatalon kaming parehas ni Jordan nang marinig ang boses nang nakangising si Kirsten kasama si Chance. What the fuck are they doing here?! Mabilis na yumuko si Jordan habang mariing kagat ang namumulang labi niya sa halik ko.

"What are you two doing here?" Kumunot ako habang si Chance naman ay tikom lang ang bibig, pero pigil na pigil ang matawa.

"Pinadalhan ka ni Mommy ng brownies. Namimiss ka na raw nila. Sana raw bukas doon ka na matulog sa bahay natin," ngiting-ngiti pa ring sabi niya habang may inginunguso sa mukha ko.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon