Chapter 30.2.2

481K 8.1K 539
                                    

Walang Poreber dahil FOREVER ang meron hehehe

#TeamMahalForever #TeamJorTyForever

********

CHAPTER 30.2.2

TYRONE's POV (CONT.)

Agad kong namataan ang parents ko na bihis na bihis rin at abot-tainga ang ngiti sa akin. Ang mga gago kong barkada ay nanguna na rin sa pagpila kasabay ang mga babaeng parang anak ng mga kaibigan ni Dad sa negosyo.

"You look so handsome, sweetheart..." sabi pa ni Mommy na noo'y nagluluha ang mga mata.

"What's going on?" nagtatakang tanong ko pa at halinhinan silang tiningnan.

Tanging ngiti lang ang isinagot sa akin ni Dad at makahulugan pang tumitig kay Mom na naiiyak na talaga.

"Mom?"

"I love you, sweetheart. We only wish you happiness." Nagpipigil pa rin siyang maiyak at agad naman siyang hinalikan ni Dad sa noo.

"Stop it, baby. This is a happy occasion, okay? Stop crying... Hmm?"

"I just can't help it." Ngumuso pa siya at napatango lang naman si Dad.

Kumunot ako at sa halip na magpaliwanag ay hinila na nila ako papasok sa loob ng simbahan.

Nasa labas pa lang ako ay dinig ko na ang malamig at tila isang pamilyar na boses.

https://youtu.be/5-8TYX1wmOU

♪♫ Ito ang araw na hinantay ko ng kaytagal

buhat ng ako ay natutong magmahal

nasaktan at nabigo, lumuha at natuto

ang pag-ibig nga pala'y hindi isang laro ♫♪

Napabuntong-hininga lang ako at inalis ang isiping si Jordan 'yun.

God, I missed her.

At mukhang hindi ko kayang ikaila iyon sa aking sarili. Isang tagalog na kanta ang naririnig ko at hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako. Fuck, It's hard to stay away from her.

♪♫ Sa milyun-milyon na tao dito sa mundo

ay may nag-iisang nakalaan para sa'yo

siya rin ang dahilan ba't mga dating sininta

ay hindi ipinagkaloob sa akin ng tadhana... ♫♪

♪♫ Saksi ngayon ating mga pamilya't kaibigan

sa harap ng ating Diyos na makapangyarihan

Dahan-dahan kang naglalakad patungo sa akin

sa saliw nitong tugtugin... ♫♪

Pagpasok namin sa loob ng simbahan ay naging mas malinaw ang boses n'ung kumakanta. Agad akong napatingin sa may unahan, pero hindi ko makita ang kumakanta. Her voice... It's so Jordan! But it's impossible. It's just impossible.

Tan tananan

Tan tananan

Ikaw nga ang lalaking aking papakasalan

Tan tananan

Tan tananan

Aking makakasama sa magpakailanman

Ang pag-ibig na hinanap ko ng kay tagal

Mahal na mahal kita

bigay sa akin ng Diyos na lumikha...

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon