Chapter 21.1.2

442K 7.6K 765
                                    

CHAPTER 21.1.2

Jordan

Kumpara ng mga nakakaraang araw, ngayon ay medyo mas magaan ang pakiramdam ko. At kahit pa maaga kaming nagkita ni Ty ay hindi na niya ako sinungitan tulad nang dati. Maganda-ganda rin ang kanyang aura at malamlam na ulit ang mga titig niya sa akin. Haist... at mukhang hindi rin tama na ganito. Kung maglalapit na naman ang loob naming dalawa, hindi ba mas magiging mahirap na naman para sa akin ang iwanan siya?

Smooth ang buong maghapon ko at nakapagtrabaho rin ako nang mas maayos. Sobrang abala ni Ty sa kanyang trabaho at halos magkulong lang doon buong maghapon. Hindi ko alam kung may nag-aabala man lang bang dalhan siya ng pagkain kaya sumimple ako nang tanong d'un sa secretary niya na si Luhan.

"Ms. Luhan, nadadalhan ba ng pagkain si Sir Tyrone?"

"Naku, hindi. One time na nagtanong ako, 'wag ko na raw siyang pakialaman. Siya na lang daw ang bahala sa sarili niya. Nakakatakot kasi, walang may gustong pumasok not unless tinawag ni Sir," halos pabulong pa niyang sabi. Gan'un? Kawawa naman. Kaya pala parang namayat siyang bigla nang mapunta siya rito sa company dahil walang nag-aasikaso sa pagkain niya.

"Saan kumakain 'yun? Jusko, e, baka naman paglamayan ang amo natin nang wala sa oras," naiinis ko pang sabi. E hello, secretary siya! Hindi naman siguro masama kung tanungin niya ang kanyang amo kung gustong kumain. Ang takaw pa naman n'un. Or nagbabaon man lang kaya siya? Pero hindi, e. Madalas ay laptop lang niya ang dala niya at wala nang iba.

"Parang hindi mo naman kilala 'yun. Ikaw nga nasungitan sa audition! Hindi ka ba natakot noon?!"

Umiling-iling ako at tinalikuran na siya para magpunta sa pantry. Saan kaya siya kumakain nitong mga nakakaraang araw kung gan'un? Alangan namang nagpapakagutom siya?! Tss, pasaway din, e!

Kaya naman nagdesisyon akong ipinagtimpla siya ng orange juice at ipinaggawa ng clubhouse. Buti na lang at halos kumpleto pa ang mga stocks sa pantry. Matapos kong maigayak iyon ay lakas loob akong nag-buzz sa office niya at agad naman ding nagbukas iyon. High tech naman kasi ang office nila dun at puro de button na halos lahat para magbukas. Ang headquarters na nga lang ang medyo naiwan ng teknolohiya at luma na rin kung tutuusin.

"W-wha--?" nakakunot-noong bungad pa niya, pero napalitan nang gulat ang ekspresyon ng kanyang mukha nang ako ang nakita niya.

"Dinalhan ko lang po kayo ng merienda, Sir." Tipid akong ngumiti at tila wala naman siya sa sariling tumango.

Lumapit ako sa kinalalagyan niya habang alam kong ang mga mata niya ay nakatutok sa akin. Inilapag ko sa gilid niya ang meriendang ginawa ko sabay tingin sa kanya. Agad kong nasalubong ang malamlam niyang mga mata at kumalabog na naman ang puso ko. Napalunok ako at nagkunwaring wala lang.

Medyo magulo ang kanyang buhok at mukhang iyon ang napagdidiskitahan niya sa pagka-stress sa trabaho. Wala ako sa sariling lumapit sa kanya at bahagyang hinawi ang buhok niyang nagtayo na. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya sa ginawa ko, pero nagkunwari pa rin akong wala lang.

"May nakakain ka ba rito?" kaswal na tanong ko gayong wala akong nakitang bakas ng pagkain doon.

"Biscuit lang at juice sa ref." Inginuso pa niya ang personal ref malapit sa pinto ng comfort room.

"M-may laman pa ba 'yan?" Agad akong lumapit sa ref at binuksan iyon. Mayroon naman nga pala. May soda, may iba't-ibang klaseng juice, may beer at mineral water. May biscuits din sa ibabaw na mukhang kakabili lang. "Anong lunch mo?"

"Iyan ang lunch ko." Umismid siya at muling itinuon ang atensyon sa kanyang laptop.

"Nagbibiro ka ba? Lunch ang biscuit?" Balak na ba niyang magpakamatay?! May tama rin ang isang 'to!

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon