Chapter 7.3.4

708K 8.9K 1.3K
                                    

#KissingJorTy

********

CHAPTER 7.3.4

Jordan

Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang sinabi ni Chance kanina. Tyrone likes me? No way! Tangna naman, oh! Pinagti-tripan yata ako ng Chance na 'yun, e! Gusto niya ako, pero magpaparaya siya para kay Tyrone na gusto rin ako?! Ang lakas din ng amats ng taong 'yun! Haist talaga!

"Hey, you slut!" Huh? Tarah na naman?! Jusko, kailan ba titigil ang isang 'to?!

"Are you talking to me?" Kumunot ako at umiling-iling. Putcha! Balak na naman ba akong bukulan ng babaeng puro suso na ito?!

"Yes, I am, slutty," natatawa pang sabi niya kasabay ng mga alipores niya. Sarap pagbuhul-buhulin, e!

"Noong isang araw lang si Tyrone ang nilalandi mo, ngayon naman, si Chance? You're one desperate woman aren't you?"

"For your information, wala akong nilalandi sa kanila," matapang na sagot ko. "Ikaw yata itong desperado at kinakailangan mo pa talaga akong harangin? Ano bubukulan mo na naman ba ako ulit?"

"I can do that." Akma sana niyang hahawakan ako, pero nagulat na lang kami pare-parehas nang may humawak sa kamay niya, si Tyrone!

"I told you not to mess up with my girl ever, didn't I?" Oh God, tinawag na naman ba niya akong girl niya? Tangna, ang puso ko!

"Ty, I am not-!" Pilit pa siyang kumawala sa hawak nito. "L-let me go, please. You're hurting me!"

"Back off, Tarah." Pabalibag pa niyang binitiwan ang kamay ni Tarah na kulang na lang ay mapaikot ito sa lakas.

"Ty, bakit ba dikit ka nang dikit sa malanding babae na 'yan?! Are you blind?! Hindi ba sila na ni Chance?!" hysterical pang sabi niya samantalang ang mga alipores ay lumayo nang bahagya sa amin.

"Walang sila, Tarah, like walang tayo."

"W-what..?" Awang ang labi niyang napatitig kay Tyrone na akala mo noon lang niya narinig ang ganoong mga salita mula rito. In denial din itong babaeng susuhan na 'to, e. Nagsimulang mangilid ang kanyang luha na mukhang totoo naman. Gan'un siya ka-inlove kay Ty? "B-but you kissed me... You hugged me... We held hands... Anong tawag mo d'un?"

"Ikaw ang gumagawa n'un, Tarah, not me," nakaismid pang ani ni Tyrone na para bang hindi man lang affected sa pag-iyak ni Tarah.

"Pero—"

"Look, Tarah..." Mataman pa siyang tumitig dito.

"This is me, holding her hand." Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang kamay ko! Ano bang ginagawa ni Ty?!

"This is me, hugging her." Maingat niya akong hinila palapit sa kanyang katawan at mahigpit akong niyakap.

Nanlaki ang mga mata ko at saglit na nawalan ng boses sa nangyayari.

"Tyrone?" usal pa ni Tarah na nanginginig na ang boses. Hindi ko rin magawang makagalaw sa mainit na yakap ni Ty. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan at sobrang bango niya!

"And this is me, kissing her." Bigla siyang yumuko at sinakop ang labi ko!

Literal na nanigas ang aking katawan. Kulang na lang yata pati paghinga ay makalimutan ko na rin!

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon