Chapter 9.4.4

676K 8.7K 404
                                    

#JorTyAndKirsChanOfficialCouple

********

CHAPTER 9.4.4

Jordan

Hindi ko na matandaan kung anong oras ba nakalipat si Ty sa kwarto niya. Pagkagising ko kasi ay si Kirsten na rin ang katabi ko. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil ngayon ay official boyfriend ko na talaga si Tyrone. Ang sarap naman n'un! Pero wait? Totoo nga ba 'yun? Hindi kaya nananaginip lang ako? Shit.

"A-ate, ang aga mo naman nagising?" tanong pa ni Kirsten na bahagya pang nag-inat at namumungay ang mga matang tumitig sa akin.

"Sorry, nagising kita," bahagya akong napangiwi at napatingin sa wallclock niya. Halos seven o'clock pa lang nang umaga. At kapag ganitong nakabakasyon, maaga pa ang ganitong oras nang gising. "Sige na matulog ka pa."

Tumango lang siya at bumaling sa kabilang side habang yakap-yakap ang kanyang unan. Nawala na yata ang antok ko. Parang gusto kong makita si Ty. Naku, Jorge! Lumalandi ka na naman!

Saglit akong pumunta sa CR para maghilamos at magtoothbrush. Mayroon na kayang gising sa kanila? Nagugutom na rin ako... Putcha! Kung bahay ko lang 'to hindi ako mahihiyang maglungkab d'un sa kusina!

Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ay sumilip muna ako para i-check ang pasilyo. Mukha ngang nahihimbing pa silang lahat. Hindi na siguro kahiya-hiya pumunta sa kusina kung nag-iisa naman ako. E, anong magagawa ko kung nagugutom talaga ako. Nahiya kasi akong kumain nang marami kagabi. Nakaka-concious kasi ang mga titig sa akin ng parents ni Ty. Para bang alam na nilang may something sa amin ng anak niya. Kung sabagay, sino bang hindi mag-iisip kung pirmes na nakaakbay sa akin ang gago simula kahapon noong magtapat siya. Lakas namang makahaba ng hair ang pagtatapat na 'yan, Jorge, ikaw na.

Tahimik kong binagtas ang pasilyo at bumaba sa unang palapag. Nakakabingi ang katahimikan. Tanging alon lang ng dagat ang naririnig ko.

"Where do you think you're going?"

"Anak ng bakang dalaga!" gulat ko pang sabi kasabay nang pagdaklot ko sa aking dibdib. May lahing aswang ba itong si Ty at 'di ko man lang narinig ang yabag niya?!

"You're cute," natatawang sabi pa niya sabay akbay sa akin. Shit. Ang bangu-bango! "Saan ka ba pupunta?"

"Kakain sana. Nagugutom na ako," nakangiwing bulong ko pa. Pakiwari ko kasi ay sobrang lakas ng boses ko para sa ganitong katahimikan ng paligid.

"Hmm, tara sa kitchen. For sure may nailuto ng breakfast," nakangiting sabi pa niya. Nakagat ko lang ang labi ko sa sobrang kilig. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Jackpot ka, Jorge!

"Kinikilig ka ba, Mahal ko?" nakangisi tanong pa niya. Ako naman ay malapit nang atakihin sa puso dahil sa pagtawag niyang Mahal ko. Seryoso? Iyon talaga ang itatawag niya sa akin?

"Ang gwapo mo kasi." Hindi ko na rin napigilang sabihin dahil total ay alam naman niya ang katotohanang iyon. Lalo siyang gumuwapo sa suot niyang white v-neck t-shirt. Nakangiti niyang kinagat ang kanyang labi na para bang nagpipigil na mangiti nang maluwag.

"Mas gusto kong ikaw ang nagsasabing gwapo ako, mas naniniwala ako." Kumindat pa siya at nanggigil na kinayag ako patungong kusina.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon