Chapter 28

457K 7.4K 498
                                    

Photo Edited by my sister in crime Shynn. I love u to the moon and back... Forward... Sideward lels.

#WalangForever  From Bitter Na Otor bwahahahahaha!  Peace yow!

#CountdownToForever?

********

CHAPTER 28

Jordan

Ang bilis na lumipas ang panahon. Nalalapit na ang kasal namin ni Ty at kinakabahan talaga ako. Kung sabagay, palagi naman akong kinakabahan at sobrang excited na talaga ako. Buking na nga rin pala si Tiffany sa kalokohang pagbubuntis niya kaya nananahimik na ang family nila at hindi na ginulo si Ty.

Nandito pa rin ako sa MRC, pero iyon nga lang ay wala na rito si Ty. Iba na ulit ang tumatayong big boss since inilipat na ulit siya ni Tito Seb sa isa sa pinakamalaki nilang kompanya sa shipping and commercial airlines. Wala pa rin akong idea sa yamang mayroon sila basta't ang alam ko, mayroon sila nang halos lahat nang malalaking negosyo na naiisip ko. Hindi na nga lang din ako nagtatanong dahil mas lalo ko lang nari-realized ang ipinagkaiba ng mundo naming dalawa.

Pauwi na ako at tulad nang dati ay naaabutan ko na si Ty sa may lobby at naghihintay na sa akin. Haist, ang gwapo talaga niya. Naka-black corporate suit siya at sobrang bagay na bagay talaga niya. Matamis na matamis ang pagkakangiti niya sa akin habang mariing kagat ang kanyang labi. Ang bait naman talaga ni Lord at mayroon akong isang Tyrone Greene sa buhay ko.

"Hi, beautiful..." nakangiting bungad pa niya sa akin.

"Hello, handsome..." ganting bati ko naman.

Nang tuluyan na akong makalapit ay walang pasubali niya akong hinapit sa baywang at mabilis na hinalikan sa labi. Mukhang nasasanay na nga rin ako sa pagiging PDA niya at balewala na sa akin ang pagtingin nang ibang tao.

"God, I missed you." Ikiniskis pa niya ang kanyang ilong sa ilong ko habang magkalapat ang aming mga noo.

"I missed you too..." Sa totoo lang ay nahihirapan ako sa MRC na wala siya. Namimiss ko kasi ang paglalandi niya sa akin.

"I-transfer na rin kaya kita sa workplace ko? Nahihirapan ako nang hindi man lang kita nakikita," malungkot pang sabi niya habang titig na titig sa aking mukha.

"Ano ka ba! Nakakahiya sa parents mo." Bahagya pa akong umiling. Ayoko namang isipin nila na nagpapaka-OA kaming dalawa, though sa totoo lang ay nahihirapan din naman ako kapag hindi ko siya nakikita.

"You know what? I really don't care. I already talked to my Dad about it and he told me na ikaw lang daw ang makakapag-decide."

"Agad-agad?" Ibang klase talaga 'tong lalaking 'to!

"Can you blame me? You put a spell on me and it's hard to be away from you." Nakakaloko pa siyang ngumiti.

"Yabang nito!" Umirap ako at napahalakhak naman siya.

"No, Mahal ko. I'm serious. Isasama kita kahit saan ako magpunta. You just can't be my secretary at baka landiin mo lang ako palagi. Wala akong laban d'un."

"Tsss... feeling mo masyado!" Sinapak ko siya sa dibdib at napahalakhak na naman siya. Maloko talaga!

"So? Payag ka na? Isama na kita?" Seryoso ba talaga siya?

"Ty, right after marriage na lang kaya. Parang ang clingy ko naman sa'yo masyado." Alanganin pa rin ako.

"I want you clingy," seryoso pa niyang sabi at mabilis akong kinudlitan nang halik sa labi.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon