Chapter 39- I want you to know that I love you

346 8 2
                                    

Author's Note:

Hello Readers!

Bitin ba kayo sa nakaraan update? Pasensya naman, hahaha malalaman niyo rin ang mga kasagutan sa takdang panahon. Tiwala lang, wala sanang bibitaw hanggang sa huli.

Lorrien's POV

Nagmasid ako sa paligid, kailangan kong makatakas sa lalong madaling panahon. Maliksi kong kinilos ang buo kong katawan para makuha ang tinidor na ginamit ko sa pagkain, makalipas ng ilang subok ay nakuha ko rin sa wakas. Napabuntong hininga ako at nagsimulang gamitin ang tinidor para makalas ang tali sa aking kamay, sa daming beses kong sinisira ang lubid sa aking kamay ay hindi ko maiwasang tamaan ang braso ko. Alam kong puro sugat na ang aking braso pero mas natatakot ako sa pwede kong kahantungan kapag hindi pa ako nakaalis dito.

Makalipas ang mahigit 2 oras ay lumuwag na ang tali, napangiti ako ng tuluyan kong matanggal ang tali sa aking mga kamay. Nang maalis ko na rin ang tali sa aking mga binti ay sumilip ako sa maliit na bintana sa silid na pinalagyan nila sa akin. Nakita kong may mga lalaking naglalaro ng baraha habang nag-iinuman, paano ako makakaalis sa lugar na ito?

Bumalik ako sa papag at tinali ko ulit ang mga paa ko, magpapanggap muna ako na nakatali  hanggang sa mawalan ng nagbabantay sa akin. Lumipas ang mga isang oras, dalawa, tatlo, apat, lima. Sumilip ulit ako, tanging dalawa na lang ang nagbabantay sa akin.

" Pare ang ganda ng babae sa loob ano?" sabi ng isang lalaki.

" OO nga pare kung hindi lang talaga bilin ni boss na huwag galawin, sayang pare ang kinis hahaha" sabi ng isa pang lalaki. Kinikilabutan ako sa mga naririnig ko. Kailangan kong makaalis ngayon dito.

Nagtago ako sa likod ng drum para hindi nila ako makita, kailangan kong makaalis ngayon.

" Pare mag-babanyo lang ako" paalam na lalaki.

" Sige titignan ko na rin ang babae sa loob" sabi ng isang lalaki.

Tumakbo ako palabas ng makaalis sila, ngunit sa di inaasahan ay nadapa ako.

* BOOOGGGGSSSHHHH*

" Pare natakasan tayo" sigaw ng isang lalaki. Tumayo ako kaagad para tumakbo.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa kaya ko. Napatakip ako sa tenga ko ng magpaputok na sila ng baril. Takot na takot ako, hindi ko alam ang gagawin. Napansin kong puro puno ang paligid kaya nagtago ako sa isang puno, nanginginig ang buo kong katawan sa takot. Niyakap ko ang sarili ko, patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Pumikit ako at nagdasal habang naririnig ko ang mga putok ng baril sa paligid.

Lord,

Tulungan niyo po ako sana po makaalis ako dito ng buhay. Tulungan niyo po ako, alisin niyo po ang takot sa puso ko. Lord patawarin niyo po ako kung masama akong tao, patawarin niyo ako kung marami akong nasaktan. Bigyan niyo po ako ng lakas ng loob para makaalis pa ako dito.

Kung - kung hindi niyo na po mapapagbigyan yung hiling ko na makaalis dito, kayo na po bahala sa maiiwanan ko. Kaya na po bahala sa magulang ko, kay Efreem at kay Aldrine.

Kung hindi na po ako makakaligtas dito sana masabi ko man lang sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Sana masabi ko ang nilalaman ng puso ko, ang tagal niya akong ihnintay at ang dami na niyang sinakripisyo. Kung hindi na ako makakaalis ng buhay dito, sana sana maging masaya siya sa piling iba... Lord kung mamamatay na ako dito sana sa kabilang buhay maging kami rin, kung saan wala ng magiging problema. Lord sana hindi niya ako makalimutan, sana ako pa rin kahit na magmahal siya ng iba. Sana walang humigit sa akin. Alam kong makasarili pero Lord sana pagbigyan niyo po ang hiling ko.

" Mahal na mahal kita Aldrine at hindi ako papayag na mamatay na hindi yan nasasabi sayo"  sabi ko habang nakapikit at patuloy ang pagtulo ng luha.

Nagbuntong hininga ako at tumayo kahit hindi pa rin matapos ang panginginig ng aking kalamanan. " Para sayo ito Aldrine" sabi ko sabay tayo at tumakbo ako.

*Bang*

Takbo

*Bang*

Takbo

*Bang Bang Bang*

" Aww" sigaw ko. Namanhid ang buo kong katawan, napaluhod ako sa kinatatayuan ko. Nanghina lalo ako ng makita ko ang mga dugo na umaagos sa aking balikat. Bago pa ako makatayo ulit at makatakbo ay naabutan na ako ng mga humahabol sa akin.

Lord, tulungan niyo po ako.

" Itali niyong mabuti yan, mga tanga kayo isa na nga lang nakatakas pa" sigaw ng isang lalaki. Hindi ko siya makilala dahil nanghihina na ako sa dami ng dugo na umagos galing sa katawan ko.

" Gago talaga kayo tapos binaril niyo pa, paano kung mapuruhan yan" sigaw niya pa

" Boss kasi---" paliwanang ng isa

" Huwag ka ng sumagot, linisin niyo ang sugat niya" sigaw ng lalaki. Lumapit siya sa akin at hinawalan ang mukha ko. Wala na akong lakas para manlaban.

" Miss subukan mong tumakas ulit para hindi ka na makalabas dito ng buhay" sabi niya. Sinampal niya ako ng malakas.

" Linisin niyo ang sugat niya, kuhanan niyo ng litrato yang babae na yan para magmadaling lumipad pabalik dito si Benitez para iligtas ang pinakamamahal niya. At kayo huwag kayong tatanga tanga kung ayaw niyong ibitin ko kayo ng patiwarik. Wag na wag niyong papakainin yang babae na yan hayaan niyong manghina sa gutom para hindi na magbalak tumakas" sigaw niya at sabay labas.

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon