Chapter 10- Be happy

570 10 4
                                    

Lorrien's POV

Tatlong araw na ang nakalipas ng magkausap kami ni Migs. Tatlong araw na rin akong umiiwas sa kanya hindi dahil galit ako sa kanya, siguro kasi sa tuwing may sasabihin siya nasasaktan ako, natatamaan ako. Kasi totoo naman yung mga sinasabi niya. Tatlong araw na rin pabalik balik sa utak ko yung mga sinabi niya.

"Some of us think holding on makes us strong; but sometimes it is letting go."


Dapat ko na ba bitawan ang natitirang pag-asa na babalik pa siya at dapat ko na bang tanggapin ng buong puso na wala na talaga. Biglang may kurot akong naramdaman sa puso ko.


"Alam mo kung bkit ka nsasaktan, kasi pinipilit mo yung mga bagay na hindi nmn pwede at umaasa sa alam mo nmng tapos na"


Dapat ko na nga bang talikuran ang taong lumayo na at alam kong may mahal ng iba. Paano nga ba pigilan ang puso sa pag-asa? Ang daming mga tanong sa utak ko na humihingi ng kasagutan. Ang daming mga bagay na gumugulo sa akin.  Mga bagay na ayaw kong isipin pero patuloy ang pagtakbo sa utak ko. Mga bagay na nakakasakit sa akin. 


" Don't talk to me about pain Lorrien kasi hindi lang ikaw ang nasaktan at nasasaktan. Alam mo nga dapat magpasalamat ka kasi minsan sa buhay niya naging parte ka. Na minsan sa buhay ng taong mahal mo naging masaya ka kasi minahal ka din niya. Ako kahit gaano ko kagusto sabihin sa kanyang mahal ko siya at gusto ko siyang makasama. Hindi ko magawa kasi kailangan kong magpaubaya para maging masaya siya sa taong mahal niya "


Dapat ko na nga bang ipagpasalamat na minsan sa buhay niya ako ang minahal niya. At minsan sa buhay ko naranasan kong maging msaya sa piling ng taong mahal ko. Pero hindi ko maiwasan ang sarili kong mgtanong bakit hindi na lng ako ulit? Ako na lng sana?  Kung minahal niya ako dati bakit hindi pwedeng kami na lng ulit? Bakit kailangang may pumalit sa pwesto ko sa puso niya? Bakit hindi na ako?


"Nakakatawa nga kasi kahit anu pa lang gawin mo para sa taong mahal  mo hindi niya pa rin yun mapapansin kung hindi ikaw ang mahal niya kasi iba yung nkikita ng mga mata niya. Masakit pero totoo. Minsan sa sobra tayong magmahal ng ibang tao pero nakakalimutan nating mahalin yung sarili natin."


Wala na ba talaga akong halaga sa knya? wala na ba siyang pakialam sa akin? Hindi ko tuloy maiwasang itanong kung minahal niya ba talaga ako pero bakit ang bilis niya akong nakalimutan, bakit basta bsta niya na lang akong iniwanan?


" Lorrien magtira ka nmn ng konting pgmamahal sayo, sa sarili mo. Siguro kung hindi na ikaw ang mahal niya. Hindi na masama kung kalimutan mo siya"


Tuluyan ng tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Umiiyak na naman ako. Bakit ang hirap tanggapin. Bakit ang hirap gawin. Habang ako nsasaktan, siya masaya na sa piling ng iba. Ganyan ba talaga ang sinasabi nilang pagmamahal. Madaling nakakalimutan, madaling nabibitawan pero bakit ako hindi ko mgawang makalimot?

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon