Chapter 28- Now

390 9 4
                                    

Lorrien's POV

 (Now Playing: Now by MYMP)

After ng aming candlelight dinner ay nagpahinga muna kami sa couch. Nakahiga ako habang nakaulo sa lap niya. Alam mo yung feeling mo secured ka? Yun ang feeling ko ngayon sa tuwing makakasama ko si Aldrine ang saya saya ko, sa lahat ng mga lungkot at dagok sa buhay ko nagpapasalamat ako kasi binigyan ako ng isang Aldrine na naging sandalan ko sa lahat ng oras.

" Hey, are you okay?" tanong ko sa kanya. Napansin ko kasing matamlay kasi kung walang problema sa kanya panigurado manghaharot na yan o kaya babanat na walang katapusan.

" I'm fine, pagod lang ako sa trabaho." sabi niya sa akin. Tumayo ako at hinawaan ko ang ulo niya para malaman kung may lagnat  ba siya. Naguguilty tuloy ako kasi napilit ko pa siyang pumunta dito tapos masama pala pakiramdam niya.

" Wala ka namang lagnat, ano ba nararamdaman mo?" tanong ko sa kanya.

" Okay lang ako, masakit lang ng konti ang ulo ko" sabi niya sabay hawak sa kamay ko at ngiti.

"inumin mo" abot ko ng gamot at tubig pagkatapos kong mang-galing sa kwarto.

Pinahiga ko siya sa lap ko at minassage ang ulo niya. Ilang beses na niya akong inalagaan, ilang beses na siyang dumatinmg sa mga panahon na malungkot ako. Siya ang kasama ko sa mga panahon na nalulungkot ako, siya sumasalo ng lahat ng sama ng loob ko at higit sa lahat siya ang nandiyan sa lahat ng oras ng buhay. Ngayon gusto ko ako naman ang mag-alaga sa kanya.

" Thank you" sabi niya sabay ngiti sa akin

" Ano ka ba, huwag kang mag thank you dapat ko naman talaga tong gawin, lagi mo na lang akong inaalagaan dapat ako naman" sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi sa lahat ng ginawa niya sa akin. Sobra sobra na ngang sakripisyo ang ginawa niya, grabe ang thankful ko kasi ako ang minahal niya sino ba naman ang tangang papayag na manatili sa isang relasyon na walang kasiguraduhan?

" Masaya akong alagaan ka Lorrien Madgrigal" sabi niya sabay kurot sa ilong ko.

" Sorry Aldrine hindi ko alam na masama pala ang pakiramdam mo tapos pinilit ko pa na pumunta ka dito" sabi ko sa kanya habang minamassage ang ulo niya.

" Tama na yang sorry na yan. Kung hindi ako pumunta dito de hindi ko makikita yung candlelight dinner na prinepare mo para sa atin. Yun pa lang nabawi na pagod ko." sagot niya sa akin sabay ngiti.

" Aldrine" tawag ko sa kanya

" Hmmm"

" Please huwag kang mapapagod sa akin" sabi ko sa kanya. Natatakot ako na dumating yung araw na biglang na lang siyang mapagod sa akin at piliin na lang na iwan ako. Hindi ko ata kaya!

" Huwag na huwag mo akong bibitawan Aldrine" sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

Hindi ko namalayan na unti-unti ng tumutulo ang mga luha sa mga mata ko. Masaya na ako ngayon kasama si Aldrine at ayaw ko ng matapos pa yung saya na nararamdaman ko. Dumilat siya pinunsan ang mga luha sa mga mata ko.

" Hindi pa ako patay huwag mo akong iyakan" sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.

" kasi *sob* naman *sob*" sabi ko sabay hampas sa braso niya. Nakakainis nagdadrama ako panira ng moment.

" Tumahan ka na" sabi niya sabay tayo niyakap niya ako ng mahigpit. Feeling ko secured ako kapag niyakakap niya ako.

" Magpromise *sob* ka*sob* muna*sob*" sabi ko. Maiisip ko pa lang na mawawala siya feeling ko sasabog yung puso ko.

" Ayaw kong magpromise Lorrien" sabi niya. Bigla naman akong nalungkot, pakiramdam ko may kumirot sa puso ko. Bakit ayaw niyang magpromise? Kasi hindi siya sigurado na mananatili siya hanggang dulo.

" Bakit, kasi *sob* napapagod ka *sob* na? Kung *sob* balak *sob* mo akong *sob* iwan. Please * sob* naman*sob* sabihan mo ako *sob* para maihanda ko ang puso ko" sabi ko. Sa totoo lang masyado na akong nakadepende sa kanya. Sa lahat ng mga bagay na gusto kong gawin gusto ko kasama ko siya. Gusto ko andun siya sa lahat ng pangyayari ng buhay ko at ganun din ako sa kanya. Gusto ko sabay kaming iiyak at tatawa. Sobra sobra na ba kung hilingin kong manatili siya sa buhay ko?

" Ayaw kong magpromise kasi minsan kahit gaano mo kagustong tuparin ito hindi moa pa rin magagawa. Hindi perfekto ang mundo, hindi ko hawak ang mga mangyayari sa atin, hindi ko alam kung ano mangyayari sa buhay mo at sa buhay ko. Kaya mahirap mangako kasi ayaw kong umasa ka sa walang kasiguraduhan." sabi niya habang hawak ang dalawa kong pisngi at nakatingin sa mga mata ko.

*sob* *sob* *sob*

" Walang pernamente sa mundo. Lahat tayo subject sa pagbabago. Ikaw, ako at pati ang nararamdaman natin. Kung ako  lang, sigurado ako na hindi kita iiwan kahit anong mangyari pero hindi eh maraming bagay na dapat iconsider." sabi niya sa akin.

" Madaling mangako, madaling umasa sa isang pangako pero ang mahirap yung pagtupad sa pinangako at ang masakit kapag hindi natupad ang inasahang pangako." dagdag niya pa.

"Ang maipapangako ko lang sayo yung ngayon ko, yung bukas hayaan na muna natin yun. Huwag mo na nating isipin kasi hindi rin naman tayo sigurado kung dadating. Ang mahalaga, yung ngayon kung ano ang meron tayo ngayon. Dapat natin alagaan at ingatan" sabi niya

Siguro kaya tayo nasasaktan kasi mahilig tayong mangako at umasa sa isang pangako. Tama si Aldrine masaya siguro kung wag na munang isipin ang pwedeng mangyari bukas o sa makalawa dapat lang tayo magpasalamat kung anong meron tayo ngayon. Yung bukas ipanalangin na lang natin sa Diyos kasi wala rin namang kasiguraduhan ang lahat ng bagay.

Niyakap ko siya ng mahigpit at ginantihan niya rin ako ng isang mainit na yakap. Ito na siguro ang isa sa pinakamasarap na yakap na natanggap ko mula sa taong alam kong sasamahan ako sa hirap at ginhawa.

" Gusto kong sabihin na kung ako lang ang masusunod, gusto ko dito ka lang sa tabi ko" bulong ko sa kanya. Kung meron man akong ayaw na mawala siya yun. Kung meron man akong pinahahalagahan ngayon siya rin yun.

" Kung ako lang ang papipiliin hindi ko na pa gugustuhing umalis sa tabi mo" bulong niya sa akin.

" ILOVEYOU so much Lorrien Madrigal, hindi mo kailangan sumagot. Ang mahalaga andito ka sa tabi ko" dagdag niya pa.

Isang masaya na namang araw na kasama ko siya, si Aldrine Miguel Benitez. Hindi ako sigurado kung meron pa kaming bukas pero gusto ko pagpikit ng mga mata ko ngayon. Siya ang huling taong makikita ko.

At kung sakaling magigising pa ako bukas gusto ko siya ang magpupuno ng araw ko.

____________

Hello Readers!

Pakiusap walang silent readers! Gusto ko lang pong hingin kung ano ang tingin niyo sa story ko at sa chapter na ito. Sino ang gusto niyo para kay Lorrien?

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon