Chapter 47- Tell her the truth

211 4 0
                                    

Efreem's POV

" Sana magustuhan niya" sabi ko sa sarili ko. Tinignan ko ulit ang mga puting rosas na dala-dala ko. Kumatok ako bago pumasok sa hospital room niya. Ngumiti ako ng makita ang mukha niya na nakangiti rin sa akin. Sa matagal na panahon, minsan ko lang siya nakitang ngumiti ng ganito. Yung totoo at alam mong masaya talaga siya. Natutuwa ako sa kanya, kasi siya yung tipo ng babae na kahit na simpleng effort mo lang mapapahalagaan niya talaga. Sa isang simpleng bulaklak, napasaya ko siya.

" Thank you for this, I do appreciate it" sabi niya habang masayang inaamoy ang mga puting rosas. Nabigla siya ng lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanyang noo. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin kahit ako nabigla sa ginawa ko.

" Hindi pa naman huli ang lahat diba? Pwede pa naman akong bumawi diba?" tanong ko sa kanya. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.

" Huwag Efreem, kung ginagawa mo lang ito kasi naaawa ka sa akin. Please wag na." sabi niya sa akin. Umupo ako sa may tabi niya at hinawakan ang kamay niya, tinitigan ko ang mukha niya.

" Hindi ko ito ginagawa kasi naaawa ako sayo o nagugulity. Siguro nga mahirap paniwalaan pero ginagawa ko ito kasi gusto ko." sabi ko sa kanya.

" Walang pumilit at lalong nagmakaawa sa akin. Bukal sa loob ko ito kaya sana hayaan mo akong makabawi." dagdag ko pa.

" Thank you Efreem, akala ko mamamatay ako ng mag-isa. Kala ko susumpain niyo na ako. Salamat kasi pinatawad niyo pa rin ako at ikaw pinili mong manatili sa tabi ko" sabi niya. Unti-unti ng tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

" Pssst, Janine may pakiusap ako sayo. Sana naman magtiwala ka sa Diyos. Huwag ka namang sumuko. Naniniwala ka ba sa himala, kasi ako gusto kong maniwala. Lumaban ka para sa magiging anak natin at sana para sa akin na rin" sabi ko sa kanya.

Hindi naman masamang umasa diba?

***

Janine's POV

Sa totoo lang matagal ko ng hinanda ang sarili ko, tanggap ko na mamamatay ako. Mabuti ang Diyos kasi bago niya ako kunin, hinayaan niyang maaayos ko ang lahat. Hinayaan niya akong makahingi ng tawad, ang sarap pala sa pakiramdam na malinis ang konsensya mo. Masarap sa feeling na alam mo na napatawad kana ng mga taong nasaktan mo, pero isang bagay ang hinihiling ko pa sa Diyos. Sana ihanda Niya ang mga maiiwan ko sa panahon na kunin na Niya ko.

Sana bigyan niya pa ng pagkakataon na mabuhay si Aldrine, para mas maging maluwag sa dibdib ko ang paglisan kasi alam kong may mag-aalaga kila mommy at daddy. Para mapanatag ang loob ko ng magiging maayos ang buhay ng magiging anak namin ni Efreem.

Sana maging masaya si Efreem, gusto kong maging masaya siya. Napakatagal na panahon na naging unfair ako sa kanya at tinali ko siya sa isang bagay na hindi niya gusto. Deserve niyang maging masaya dahil mabuti siyang tao. Kung meron mang susunod na buhay, sana ako naman ang piliin niya.

Sana maging maluwag kay Daddy ang paglisan ko, alam ko naman na magiging malungkot siya. Pero gusto kong matanggap niya ng buong puso na hanggang dito na lang ako, na kahit gustuhin ko pang magtagal para makabawi sa kanya hindi na siguro talaga pwede. Alam kong hindi ako naging mabuting anak at nagsisisi ako doon. Gusto kong malaman niya na para sa akin siya ang "The Best Dad" at kung mabubuhay ako ulit siya at siya pa rin ang gusto kong maging daddy ko.

Ipagdadasal ko na magkaroon si Lorrien ng lakas ng loob para piliin kung sino ba talaga ang laman ng puso niya. Gusto ko pa sanang makabawi sa kanya pero madamot ang panahon kaya ipagdadasal ko na lang siya hanggang sa huling hininga ko.

At si Jacqueline, ang magiging anak namin ni Efreem. Sana malaman niya kung gaano ko siya kamahal at sa buong buhay ko siya lang ang hindi ko pinag-sisihan. Sana maging mabuti siyang tao, gusto kong mabuhay siya ng busog sa pag-mamahal. Gusto kong maniwala siya sa kakayahan niya at mabuhay siya ng masaya. Sana maintindihan niya na hindi na niya ako makakasama pero lagi ko siyang babantayan.

Tinignan ko si Efreem na masiglang pinagbabalat ako ng prutas, napangiti ako ng makita ang kanyang napakaamong mukha. Sana makuha ni Jacqueline ang pagiging mabait na daddy niya.

" Alam mo Efreem ang sasaya ko ngayon" sabi ko sa kanya. Nginitian naman niya ako.

" Talaga? Mabuti naman" sabi niya sabay hawak sa tiyan ko.

" Sana magmana sayo ng katapangan ang anak natin" banggit niya.

" Sana makuha niya yung maganda mong ugali" sabi ko sa kanya

" Alam kong magiging mahirap pero pilitin mong maging mabuti tao ang magiging anak natin" bilin natin sa kanya.

" Tuturuan natin siyang maging mabuting tao, gagaling ka. Makakasama ka pa namin." sabi niya. Unti-unti na akong naiyak, sana nga makasama niyo pa ko ng matagal, Gustong -gusto kong umasa pero nararamdaman ko na kasi na hindi na talaga kaya ng katawan ko.

" Kinausap ko na siya, I asked for forgiveness" banggit ko sa kanya.

" Kelan mo sa kanya sasabihin ang totoo" tanong ko sa kanya. Napahinto siya sa ginagawa niya.

" Dapat sasabihin ko na pero naisip ko na dapat sayo magmula" sabi ko sa kanya.

" Sa tingin ko di na niya dapat pang-malaman." sabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at sinabi sa kanya.

" Tell her the truth, gusto kong maging masaya ka. Malay mo mahal ka pa ni Lorrien, at kapag nalaman niya ang katotohanan. Alam kong maiintidihan na niya kung bakit mo siya iniwan" sabi ko.

" Hindi na mahalaga iyon, masaya na siya. " sabi niya.

" Efreem, alam mong napakahirap nito para sa akin. Alam mo namang mahal kita diba? Pero gusto kong malaman mo na gusto kitang makitang masaya. Sabihin mo sa kanya ang totoo and let her decide. Huwag ikaw lang ang magdesisyon and besides she deserves to know the truth."

VOTE. RECOMMEND. COMMENT.

I need your comments guys. God bless us all.

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon