Chapter 36- Her Feelings

344 8 3
                                    

Author's Note:

Hello Readers!

Namiss niyo ba ang UD ko?. Happy Halloween sa lahat. Enjoy Reading and Positive Vibes.

Lorrien's POV

Tumingin ako sa kalangitan, tanging buwan lang ang nagbibigay liwanag sa malamig na gabi. Niyakap ko ang sarili ko ng maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat. Napatingin ako sa payapang alon ng tubig sa manila bay. Isang romantic dinner sa isang yate ang hinanda ni Efreem para sa aming dalawa. Kung dati niya siguro ito ginawa baka maiyak ako sa tuwa pero ngayon kasi ibang iba na yung sitwasyon namin. Madaming nagbago pati na rin yung nararamdaman ko.

Nabigla ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran ko. Isang mahigpit at mainit na yakap mula sa lalaking minahal ko ng higit sa buhay ko. Napapikit ako, ang tagal kong hinintay na yakapin niya ulit ako ng ganito pero ngayon alam kong hindi na siya ang kailangan ko.

" I missed you, i missed us" bulong niya sa tenga ko. Hinayaan ko lang na yakapin niya pa ako ng matagal kahit alam kong may mali.

" Sir okay na po yung dinner" sabi ng isang waiter na lumapit. Tumango lang si Efreem sabay bitiw sa pagkakayakap sa akin.

Hinalikan niya ako sa noo at hinawakan ang isa kong kamay papunta sa table sa gitna ng yate.  May mga kandilang nakapaikot sa amin habang puno ng mga petals ang sahig. Napakapeaceful ng lugar, nakakarelax.

Kumain lang kami ng tahimik ni Efreem pero nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin sabay ngingiti.

" Lorrien" tawag niya sa pangalan ko. Hindi ko alam pero biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Tumingin lang ako na parang nagtataka.

" Dumating na yung divorce papers namin ni Janine kanina" sabi niya ng nakangiti.  Tinitigan ko lang siya ng matagal, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa, tumayo siya at lumakad papunta sa akin. Lumuhod siya, kinuha niya ang dalawang kamay ko at tinitigan ang aking mga mata. Kitang kita ko sa mga mata niya ang saya.

" Lorrien, paano ba yan babe pwede na ulit tayo." sabi niya habang nakangiti ng sobrang laki.

Kinuha niya ang isang box sa bulsa niya at pagkabukas ay tumambad ang isang engagement ring.

" Lorrien, will you marry me?" tanong niya. Puno ng pag-asa ang kanyang mga mata.

Napailing ako sabay pikit, may luha ng umagos sa aking mga mata.

Kasalanan ko ba kung hindi na siya ang gusto kong makasama?

Masama ba akong tao kung may mahal na akong iba?

" I'm so sorry" sagot ko habang patuloy pa rin ang paghikbi ko.

" Lorrien, ano bang problema? Kung iniisip mo yung sasabihin ng ibang tao. Ako na ang bahala sa kanila." sabi niya na pinipilit akong patahanin.

" Patawarin mo ko" bulong ko sa kanya.

Patawarin mo ko kung hindi na ikaw ang tinitibok ng puso ko.

" Lorrien please wag ka namang umiyak, sabihin mo sa akin ang problema. Pipilitin nating ayusin" sabi niya sabay ngiti.

" I'm so sorry, sorry talaga pero hindi na natin to maayos" sabi ko sa kanya. Hindi ko alam na ganito pa rin pala kahirap.

Mahirap magpaalam lalo na't alam mong masasaktan mo ang isang taong naging parte ng buhay mo.

Mahirap magsalita dahil alam mong sa bawat salitang bibitawan mo, masasaktan ang taong minahal mo.

Nakita ko ang lungkot sa mukha niya, sa tagal ko siyang nakasama alam ko kung kelan siya malungkot at masaya.

" Kung , kung hindi na talaga kaya natin itong ayusin. Please Lorrien sabihin mo naman sa akin yung dahilan, gusto kong malaman at pipilitin kong intindihin" sabi niya sa akin. May pumatak na luha sa mata niya, pinunasan ko yun ng palad ko.

" Mahal ko na siya" sabi ko sabay pikit. Ayaw ko siyang makitang masaktan, ayaw ko lalo na't alam kong ako ang dahilan.

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon